Pagmamahal

21 2 0
                                    

Pagmamahal By: L


Pagmamahal na inalay lamang sa'yo

Pagmamahal na inilaan para sa'yo

Pagmamahal na hinding hindi magbabago

Sa'yo'y inilaan ang buong pagmamahal


Nang ikaw ay makilala buhay ko'y nagbago

Dumating ka nang biglaan ako'y nagulat at namangha

Hindi inakalang ikaw na nga pala

Ikaw na lang pala ang tanging kulang sa buhay kong ka'y dilim


Ikaw ay lumaban nang ako'y sumuko

Ipinakita saakin kung hanggang saan ka lalaban 

kahit ako'y hinang hina naIkaw ang nagsilbing sandigan sa panahong ako'y mahina na

Ikaw ang naging taga tayo sa tuwing ako'y nadarapa at hindi na kayang tumayo


Pagmamahal na ibinigay mo ay walang katulad

Para bang pagsikat at paglubong nang araw na walang katapusan

Dingin ko sa may kapal na sana'y hindi ka mapagod na mahalin ako

Ako ay lalaban para saating pagmamahal


Ako man ay hindi sigurado kung hanggang saan tayo

Ngunit isa lang nasisiguro ko na aking ilalaban ang pagmamahal na mayroon ako para sa'yo

At sa oras na maging malaya tayong dalawa na mahalin ang isa't-isa

Mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo para saakin


Pagmamahal kong sa'yo ibibigay

Pagmamahal kong ilalaban para sayo

Pagmamahal kong para lang sa'yo

Pagmamahal kong hinding hindi magbabago



Poetry ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon