Pagpaparaya
Pagpaparaya, tila ka'y daling sabihin,
Ka'y daling bigkasin mula saking bibig.
Pagpapalaya sa iyo'y kay daling isipin,
Datapwat isa sa pinaka-mahirap gawinIkaw ang naghatid sa akin ng galak.
Ngunit kasabay ng araw, kay bikis na nagpalit.
Bumaon sa puso ang iyong mga binigkas niyong gabi.
Gustong magising Kung ito lamang ba'y panaginip.Inalay ang isang ngiti sa kabila ng sakit
Isang ngiti sa tuwing nakikita kayong dalawa
Hindi ako, kundi sya na ang iyong kasama,
Kahit masakit ay handa akong magparaya.Hapdi ang aking nadarama ngunit ako'y handang bumitaw.
Masakit man ay hahayaan kong ika'y lumigaya
Hanggad ko lamang na sana'y ikaw ay masaya.
Ako'y tatanaw na lamang sa bawat pagtalikod mo kasama sya.Sinusubukang di indahin ang bawat sakit
Pilit na ako pa ri'y ngingiti
Sinusubukang talikuran ka ngunit ito'y sadyang mahirap.
Pilit kakalimutan ang bawat alaala na tayo'y magkapiling pa.Kalimutan ang bawat segundong tayo'y magkasama
Isantabi ang mga kahapong tila ka'y saya
Kalimutan ang bawat pangakong napako nang dahil sa akin
Isantabi ang bawat kirot na nagmula rin sa akin.Hapdi at Pighati sa tuwing kayo'y nakikita.
Lungkot sa tuwing hindi nakakausap ka.
Hapdi at Pighati sa tuwing ako'y balewala na
Sakit saking puso sa tuwing sya na ang kasama.Ngingiti na lamang, habang tinatanaw.
Ang dating ako ay siya kahawak ay ikaw.
Kahit na masakit, ika'y palalayain.
Ako'y magpaparaya, isasabay sa hangin.