Sa bawat letra na iyong binibigkas,
Sa bawat pighati na nadarama nating dalawa,
Sa bawat pag-ibig na sinulat natin kahapon,
Ay ang paglisan lamang pala ang tatapos,Hindi kinapos ng oras ngunit agad na tinapos,
Hindi kinapos ng pagmamahal ngunit kailangang tuldukan,
Hindi naging madali sa umpisa ngunit kinakailangang tapusin,
Ang pagmamahalan ng dalawang pusong dati ay iisa,Ikaw ang naging sagot sa bawat dasal,
Ikaw ang pumuna sa bawat kamalian,
Ikaw ang naging pahina sa bawat librong sinusulat,
Ngunit ikaw rin pala ang wakas sa bawat tinta,Walang katumbas ang bawat pagmamahal,
Walang habas na sinuong miski ang ulan,
Walang pagdadalawang isip ng ika'y ibigin,
Ngunit walang nakapigil nang ang puso ko'y tumigil,Pagpaparaya sa panahong kailangan na,
Pagubaya sa bawat sulat na aking ginawa,
Ipapaubaya sa may kapal ang iyong kapalaran,
Dahil kasabay ng paglubog ng araw,
Tinapos ang pagmamahalan ng pusong dati ay iisa,Mahal ko Salamat, Paalam ,hanggang sa susunod na tagpo.