"Simula ngunit agad ding nagtapos"
Bumilang sa aking isipan,
Kung kailan? Kunh kailan ka nga ba nakilala,
Nakilala ng lubusan,
Lubusan upang humantong tayo sa ganito,Parang kailan lamang,
Nang may nagpakilala sa'yo,
Parang kahapon lang,
Nang ikaw ay kilalanin ko,Muling bumilang upang alalahanin ang kahapong nagdaan,
Kahapon nang ika'y nakipagkaibigan saakin,
Kaibigan na humantong sa mas malalim,Lumalim nang lumalim,
Hanggang sa hindi na alam kung saan nga ba patungo ang nadaramang Ito,Naging Mali sa paningin ng nakararami,
Hindi Makita ang Mali sa Tama,
Dahil ang Tama para saating dalawa,
Ay ang tayong dalawa lamang,Naging maligaya sa piling Isa't-Isa,
Naging sapat na masaya tayong dalawa,
Takbuhan ng Isa't-Isa sa lahat ng pighati,
Takbuhan tuwing hindi na kaya,Dalawang pusong purong pighati,
Pinagbuklod ng dalawang tayo,
Dalawang pusong purong pagkalungkot,
Pinagbuklod ng dalawang tao,Sumubok na lumayo sa'yo,
Ngunit Gaya mo nahihirapan din ako,
Sumubok umalis sa piling mo,
Ngunit Gaya mo ay Hindi ko rin Kaya,Mahal ko, Mahal ko,
Oo Hindi ko nasabi ang tunay na nadarama ko,
Marahil ayokong mas masaktan ang damdamin mo,
Damdamin mong ako ang Mahal sa higit sampung taon,Kinailangan lumayo,
Kinailangan lumisan,
Kinailangan kang saktan,
Dahil ang lahat ng ito ay isang kamalian,Kamalian marahil hindi ka para sakin,
Kamalian marahil hindi ka mapapasakin,
Kamalian na ang katotohanan ay kanya ka at Hindi para saakin,Patawad, sana'y mapatawad mo ang muling paglisan ko mula sa piling mo,
Masakit man saakin ay aking tatanggapin,
Ang tuluyang pagkawala mo saakin,Pagkawala mo ng tuluyan ay aking panghihinayangan,
Pagkawala ng isang tulad mo,
Isang tulad mong kayang magmahal ng tapat at totoo,
Isang tulad mo na ako,ako ang syang Mahal,Patawad sa pananakit,
Patawad sa pagsuko,
Patawad sa hindi paglaban,
Mahal ko; Patawad, Salamat, Hanggang sa susunod nating pagkikita,#SL
#backtowriting