Late update, training kasi namin. Ngayon lang po nakasulat. Bawi ako. Thank you for waiting.
Kabanata 15:
Umawang ang bibig ni Terron dahil sa kanyang sinabi. Marahas umiling ang lalaki na para bang hindi naniniwala sa sinabi niya.
"It's Papi, okay? Asukal de papa, whatever it is. Just don't call me by my name," he demanded.
Pagak na tumawa si Savria, sasagot pa sana siya nang may nag-doorbell. Sandali isang nagkatitigan ni Terron, walang gumalaw hanggang sumigaw ang kumatok sa labas.
"Sir? Yung kasama niyo pong babae nawalan ng malay sa baba!" malakas na sigaw ng isang lalaki saka nag-doorbell ulit.
Kitang-kita niya kung paano na bahala ang mukha ni Terron, sa isang iglap ay nakalimuta siya't malalaki ang hakbang nitong tinalikuran siya't lumabas ng condo. Mariin pumikit si Savy habang nakatitig sa nakasarang pintuan.
He left her after she confessed.
Sunod-sunod na tumulo ang luha niya habang unti-unti na rin dumidiin ang pagkuyom ng kamay. Nagbabakasaling lumipat doon ang sakit sa dibdib niya pero walang nangyayari. Dinampot niya ang mga biniling pagkain sa sahig at dineretsyo iyon sa basuran.
Pinigtas niya ang bracelet at tinapon na rin iyon.
"Nakakaingit, ang swerte niya kasi mahal na mahal mo siya."
**
HOURS of silence.
Hindi umalis si Savria, tumalikod lang siya at pumasok sa kwarto kung saan siya unang natulog pagkatapos sabihin iyon sa asawa. Hindi niya napigilan ang sarili, kahit sino naman sigurong matatag na tao dadating ang puntong guguho na lang.
Tahimik siyang nakaupo sa bathtub na walang tubig, ilang beses kumatok ni Terron sa banyo pero hindi niya iyon binuksan.
Hindi niya kayang matulog sa kamang iyon. Terron with his ex, the reason why she's with Terron, why he married her. To forget that woman... his first love.
Kahit sinabi niya noon na magpapagamit siya sa asawa para makalimutan ang babae ay masakit pala.
Pinunasan ni Savy ang mga natitirang luha sa kanyang pisngi, gusto niyang umalis pero hindi pwede. Hindi pa ngayon, kaya pa naman niya. A sad smile appeared from her lips as she stared at the scars on her thigh that she was hiding.
Isang rason kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon ngayon. She needed to hurt herself just to escape, kinailangan pa niyang masaktan para lang makaalis doon.
Napailing si Savria saka umalis na sa bathtub, hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas para lang kumalma siya
Tumapat siya sa salamin sa banyo at dinuro ang sarili.
"Kaya mo 'yan, si Savy ka, naiintindihan mo! Malakas ka! Kaunti na lang Savy, kaunti pa," bulong niya sa sarili.
Ngumiti siya kahit hilam na ang kanyang mga mata, siguradong bukas ay magang-maga iyon.
Gusto pa niyang mag-drama at umiyak pero wala siyang oras para roon. Nasaktan siya pero hindi pa huli, alam niyang nagsisimula pa lang talaga ang lahat.
Hindi niya maiwasan maalala kung paano tingnan ng asawa ang dati nitong kasintahan kanina. Savria laughed in agony because she knew Terron would never look at her like that, he would never look at her with passion and love in his eyes.
Malakas siyang bumuntonghininga saka nag-ayos ng sarili bago lumabas sa banyo, halos mapatalon pa siya sa gulat nang makitang nakaupo si Terron sa gilid ng pinto, nakadukmo sa dalawang tuhod nito.
BINABASA MO ANG
Teach Me Whelve (Teach Series #4)
General FictionTEACH SERIES #4: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐖𝐡𝐞𝐥𝐯𝐞 After his first heartbreak, Terron Klaud De Vega decided to accept his mother's offer- an arranged marriage. For him, this would be a perfect diversion; maybe this will help him to forget his ex-girlfrie...