Kabanata 20

67.2K 2.7K 846
                                    

Kabanata 20:

Malakas na humugot ng malalim na buntonghininga si Savria at inihanda ang ngiti sa labi bago buksan ang condo ni Terron. Humigpit ang hawak niya sa plastic ng dalang school supplies na binili niya, siguradong tatanungin siya ni Terron kung saan siya galing kanina dahil nakita siya nito kaya iyon ang naisip niyang dahilan.

"Papi! Nandito na ang maganda mong asawa!" malakas na sigaw niya nang makapasok, bukas na ang lahat ng ilaw.

Naamoy niya kaagad ang lutong ulam kaya dumeretsyo siya sa kusina. Terron, who was wearing an apron, glanced at her, and despite her nervousness, she gave him a happy smile.

Napalabi siya nang ilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya, inilapag niya muna ang pinamili sa lamesa. Nakita niyang sinundan iyon ng tingin ni Terron. Good.

Nang makalapit ay mabilis siyang hinalikan ni Terron sa noo, she can feel that he's trying to gauge the atmosphere between them.

"Late ka na nakauwi, hmm. Kumusta pagkuha mo ng card?" mahinahong tanong ni Terron.

Hinawakan nito ang beywang niya saka pinatay ang kalan. Doon niya napansin ang niluto nitong nilagang baboy.

Nginitian niya ang lalaki. "Nasa bag ko po, Daddy," biro niya. Nakita niyang gumalaw ang panga ng asawa kaya mas natawa siya. "Hmm, bumili pala akong school supplies kanina, lumabas pa tuloy ako ng school." Siya na mismo ang nagbukas ng topic na 'yon.

Terron looked at the school supplies, he frowned. "Bakasyon niyo na, hindi ba?"

Sandali siyang natigilan bago pagak na tumawa. Shit!

"Hehe oo nga, pero pang next sem 'yan. Papi. Teka ano 'yang niluto mo? Bango ah," pag-iiba niya ng usapan.

Terron nodded, he played his tongue to the corner of inside his mouth.

"Nagluto na ako, magbihis ka na tapos kakain na tayo."

Nakangiting tumango siya saka tumalikod, binitbit niya ang mga binili papasok sa kwarto. Nang tuluyan makapasok ay unti-unting nawala ang kanyang ngiti. Nahihirapan na siya sa ganito, kahit sarili niya ay niloloko na rin niya pero wala naman siyang magawa.

She needs to do this. She have to.

Inilapag niya ang bag at mga gamit sa gilid bago pumasok sa walk-in closet. Habang kumukuha ng pangpalit na damit ay nahulog ang isa shirt na hinila niya kaya yumukod siya para sana abutin pero tumuon ang atensyon niya sa isang bagay na nakaumbok. Her gaze was drawn to something in the cabinet's lower section. There's a tiny button that blends in with the color of the wooden cabinet.

When you look at it from a distance, you won't see it.

Sa tagal niyang nakatira rito ay ngayon niya lang nakita ang button na 'yon. Siguro dahil hindi rin naman niya tinitingnan ang ibabang cabinet dahil kay Terron na 'yon.

"Ano 'to?" tanong niya sa sarili bago pindutin iyon.

Halos mapa-atras siya sa gulat nang bumukas ang salamin sa walk-in closet, parang naging pinto iyon.

Laglag ang panga at buong loob na sumilip siya sa likod ng body mirror. May nakita siyang maliit na button sa gilid katulad ng pinindot niya kanina pero sa pagkakataon ito ay kulay puti na, nang pindutin niya iyon ay kumalat ang liwanag sa buong kwarto.

Damn, Engineers!

She slowly opened the door, her mouth dropped in shock when she saw what inside the secret room.

**

KALAGITNAAN ng gabi ay naalimpungan si Terron nang maramdaman na dahan-dahan na inalis ni Savy ang kanyang kamay na nakayakap sa beywang nito.

Teach Me Whelve (Teach Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon