Special Chapter:"SAVY umalis na kayo! Bilis! Itakas mo 'yong lalaki!" maawtoridad na sabi ni Jamall, marahas akong umiling. Sa mura kong edad ay alam ko na ang nangyayari dahil narinig ko si Tito, alam ko.
Hindi magkaanak si Tita at kailangan ng lalaking tigapagmana ng bago niyang asawa kaya kumukuha siya ng batang lalaki.
Una si Jamall tapos ngayon itong si Kuyang mahilig sa matamis, kilala ko siya. Nakita ko na siya noong nakaraan buwan kaya natatandaan ko siya, bakit ba kasi siya pakalat-kalat? Maiintindihan ko pa si Jamall dahil batang palaboy siya at wala na siyang balak pang tumakas kay Tito, pero itong batang 'to, hindi siya mukhang palaboy at sigurado akong may pamilyang naghihintay sa kanya.
Kawawa naman siya, payatot pa.
"S-Sumama ka na Jamall. Sasabihin ko kay Daddy! Isusumbong natin sa P-Pulis ang asawa ni Tita!"
Hinawakan ko siya sa braso, umiling siya saka inalis ang hawak ko sa kanyang braso.
"Pulis ang Tito mo, t-tingin mo maniniwala sila? Ito na ang kapalaran ko, Savy. Ang maging tagapagmana at tagasunod ng hayop mong Tiyo, sige na. Ilabas mo na 'yang bata na 'yan. Ako ng bahala!"
Bahagya niya akong tinulak papaalis, papunta sa van kung saan ko nakitang nakatali si Kuyang mahilig sa matamis.
"S-Sasaktan ka ni Tito k-kapag nalaman na tayo ang nagpatakas sa bagong bata! Masasaktan ka niya ulit. Tumakas ka na rin!" sabi ko, bahagya ng nanginginig ang aking boses.
Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang bagong asawa ni Tita.
May kakaiba sa kanya, iba ang paniniwala at hanapbuhay nila at alam kong ilegal iyon kaya rin ayaw nila Mommy na pumupunta ako rito pero kaibigan ko na si Jamall kahit pa nga higit siyang matanda sa akin.
Marahas siyang umiling saka ngumiti, ginulo niya ang aking buhok.
"Ayos lang ako, makakalaya rin ako pero hindi pa siguro ngayon. Sige na, itakas mo na 'yong bagong uwi na bata, doon kayo dumaan sa likod. Huwag kang papahuli sa guard ha?"
Isinuot sa akin ni Jamall ang bonet niya na malaki.
"Huwag mong aalisin para kahit may makakita ay hindi ka makilala, magbabantay ako rito, tapos aabangan ko kayo sa kabilang kanto," sabi niya.
Kahit naiiyak ay sinunod ko si Jamall, mas matanda siya sa akin at tinuturing ko na siyang higit pa sa kapatid kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.
Mabilis akong tumakbo papunta sa van, sinenyasan ako ni Jamall na magdahan-dahan. Binuksan ko ang pintuan sa kabila, nakita ko si Kuyang mahilig sa matamis na gising na. Natakip ang mata niya habang nagpapalinga-linga.
Kaagad kong tinanggal ang takip sa mata niya, nanlaki ang kanyang mata kaya inilagay ko sa bibig niya ang aking hintuturo at sinenyasan ko siya na huwag maingay.
"Hush, huwag kang maingay. Makikita nila tayo," mahinang sabi ko.
Tulala pa siya kaya mabilis kong kinalas ang pagkakatali ng kanyang paa at kamay, bago pa siya makaanggal ay hinila ko na siya papunta sa likod kung saan walang bantay. Maliliit lang ang aking biyas pero pinilit kong tumalon sa mga damo na malalaki, halos magkasugat-sugat ang hita ko pero hindi kami tumigil.
BINABASA MO ANG
Teach Me Whelve (Teach Series #4)
General FictionTEACH SERIES #4: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐖𝐡𝐞𝐥𝐯𝐞 After his first heartbreak, Terron Klaud De Vega decided to accept his mother's offer- an arranged marriage. For him, this would be a perfect diversion; maybe this will help him to forget his ex-girlfrie...