Kabanata 34

82.2K 3.1K 4.2K
                                    

Kabanata 34:

"Tanner!"

Napalingon si Terron sa lalaking tumawag sa bata, pamilyar sa kanya ang lalaking may tattoo hindi nga lang niya matandaan kung saan at kailan.

Lumuhod ito upang buhatin ang batang yumakap sa kanyang hita, pero ayaw bumitaw kaya siya na mismo ang yumuko upang kargahin ito.

Tanner? His name sounds familiar.

Nagtama ang mata nila ng lalaking may tattoo, parang hindi ito nagulat na nandoon siya, na para bang alam nito na mangyayari iyon, na inaasahan na nito na makikita siya sa lugar na iyon.

Hinimas niya kaagad ang likod ng bata nang ipalupot nito ang braso sa kanyang leeg at sa balikat, doon ito umiyak animong natatakot na pakawalan siya.

"D-Daddy! B-Bakit ngayon ka lang po? G-Gabi-gabi kaming nagpa-pray ni Mommy na bumalik ka, I-I waited for you, D-Daddy!" iyak ng bata.

Umawang ang kanyang labi dahil may kakaibang kirot sa kanyang dibdib na unti-unting lumalatay sa kanyang tiyan, parang hinahalukay ang kanyang dibdib, gusto niyang masuka sa sobrang kaba.

Ngayon lang siya ulit nakaramdam ng ganitong kaba, noong huli ay nang iwan siya ni Savy.

May naiisip na siyang isang dahilan bakit siya tinatawag na Daddy ng bata pero malabo, ayaw niyang paniwalaan ang bagay na 'yon.

Impossible!

No, Savy can't hide things like this!

A son!

Nanlaki ang kanyang mata dahil sa reyalisasyon, alam niya sa sarili niyang hindi malabong mangyari iyon. Ilang beses may nangyari sa kanila ng babae at tuwing nangyayari iyon ay sigurado siyang ni isang patak ay walang masasayang.

What the hell?

"W-Who's your Mom?" parang tangang tanong niya saka nagtatakang tumingin sa lalaki sa harapan nila, nagbabakasakaling sabihin nito ang totoo.

The man looked away.

Mas lumakas ang iyak ng bata na para bang may nasabi siyang nakakasakit, wala sa sariling hinalikan niya ang basang pisngi nito.

Wala pa man ay alam na niya, nararamdaman niya. He can feel it.

Lukso ng dugo.

He had no idea what happened or why Savy hadn't told him despite the fact that they had already met this morning. Kaagad nangilid ang kanyang luha dahil hindi niya lubusan maisip kung paano ito inilihim ng babae sa kanya.

Gano'n ba ito kagalit para ilihim ang ganitong bagay? Shit.

Mas humigpit ang yakap niya sa bata, bahagyang hinimas ang likod nito. Ramdam niya ang pagtaas-baba ng balikat ng bata.

This kid is mine. My son. My blood.

Bahagyang humiwalay ang bata, mas nakita niya ang mata nito sa malapitan. Para lang siyang nananalamin, parang nakatingin sa batang Terron.

Ikinulong ng bata ang magkabila niyang pisngi sa maliliit nitong kamay.

Mugto ang luha sa mata ng bata, gamit ang hinlalaki ay pinunasan niya iyon. The child's sob became more loud, he felt a strong pounding of heartbeat, he didn't know if it was his or the child's.

Pakiramdam niya ay namumula na rin ang kanyang mukha dahil sa pagpipigil ng luha.

"D-Daddy, I'm T-Tanner Klayd De Vega. I'm four t-turning five . . .  I know po, h-hindi kayo maniniwala pero anak niyo po ako. Promise! My Mom has a picture of you! You're an Engineer! I saw photo of you and Mommy, sa s-site raw po? See!" Piniga ng bata ang kanyang ilong. "M-Magkamuka tayo! Parehas tayong handsome, Daddy!" masayang sabi nito habang patuloy na tumutulo ang luha.

Teach Me Whelve (Teach Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon