Kabanata 28

69.9K 3K 1.3K
                                    


Kabanata 28:


"Ang tanga mo, Savria! Ano na ngayon ha? Anong katangahan 'yang naisip mo at umalis ka sa puder ng asawa mo? Aber, sige nga! Paano na ang pagpapagamot ng kapatid mo ha? Saan ka kukuha ng pera?" Her Auntie ranted pointing a finger to her forehead.

She had her poker face on, keeping her true emotion.

Ayaw niyang ipakita rito na naaapektuhan siya sa mga sinasabi nito.

Kasalukuyan silang nasa ospital, sa kwarto ng kanyang kapatid na may nakatuhog na tubo sa bibig at dibdib.

Sandali silang natahimik ng tiyahin, tanging tunog ng aparato na lang ang kanyang naririnig at malakas na buntonghininga ng tiyahin.

Hindi niya magawang matingnan ang maliit na kapatid na ngayon ay nakaratay sa kama, mag-a-apat na taon. Sobrang liit ng kapatid kumpara sa mga kasing edad nito, siya na ang tumayong ina sa kapatid dahil noong tatlong buwan pa lang ito ay parehas nawala ang kanilang magulang dahil sa isang aksidente. 

Isa sa dahilan kung bakit siya tumigil sa pag-aaral.

He's too young to experience things like this, to face this kind of battle. Awang-awa siya sa kapatid pero wala naman siyang magawa.

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo, ano na ang gagamitin mo nyan para sa kapatid mo ha? Sa dialysis mo?!" puna ng Ginang habang dinuduro ang kanyang noo.

Sinabi niya sa tiyahin na umalis na siya sa bahay ni Terron, na ayaw na niyang lokohin pa ito at ang sarili niya. Ang mga allowance na binibigay nito ay pinaghahati niya sa gamot at baon niya, bukod pa sa naiaabot ni Alas buwan-buwan.

"Yung pera ho sa negosyong naiwan nila Daddy pwedeng—"

"Negosyo? Savy, jusmiyo matagal ng lugi ang negosyong naiwan ng magulang mo na pinagmamalaki mo!"

Hindi siya umimik, nang mawala ang magulang ay ang tiyahin na niya ang humawak ng negosyo nilang hollow blocks dahil wala pa siya sa tamang edad noon, ngayong bente uno na siya ay hindi pa rin niya mabawi iyon, her Aunt insisted that their business dropped just like that.

"Ang sabi ho ni Alas ay magagawan niya iyon ng paraan, pwede niyo hong ipasa na iyon sa akin, papaluguin ko . . . namin."

Nilingon niya ang Tiyahin, mas nagsalubong ang tattoo na kilay nito saka pagak na tumawa halatang nang-uuyam.

"Diyan! Diyan kayo magaling ni Alas, sa pagmamagaling! Aba't may gana pa siyang idamay ka sa kabaliwan niya? Pagkatapos niyang patayin ang sarili niyang ama, ngayon pa siya magmamagaling."

"Tita, hindi ho 'yon sinasadya ni Alas," mahinahong paliwanag niya kahit pa nga ilang beses na niya iyon sinabi.

Umismid ang tiyahin. "Wala akong pakielam! Dahil sa inyong dalawa ay nagka-leche-leche ang buhay ko. Hindi ko alam kay Rody bakit 'yang Alas na iyan ang kinuha niya! Ang daming bata, 'yong may utang na loob! Hindi kagaya nyan! Saka baka nakakalimutan mo kaya namatay ang asawa ko dahil sa'yo? Parehas kayo ni Alas na lahing kriminal!" singhal nito, nakita niya ang ugat nito sa leeg na halos pumutok na sa panggagalaiti.

Bumuga siya ng hangin, kahit ano talagang paliwanag sa mga taong sarado ang isip ay wala pa rin mangyayari. It was like waiting for the water to fill the perforated bucket.

"Hahanap ho ako ng pera."

"Saan ka hahanap huh? Doon sa mga De Vega sinuswelduhan ka na makakakupit ka pa ng pera sa Engineer mong asawa pero anong ginawa mo? Nag-inarte ka pa!" Nameywang ang Tiyahin sa mismong harapan niya.

Palihim niyang naikuyom ang palad.

"Hindi ko ho pineperahan si Terron," she explained.

"Kaya nga! Isang taon ka sa puder ng lalaking may sapak sa ulo na 'yon pero wala kang nagawa," sikmat nito.

Teach Me Whelve (Teach Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon