Kabanata 33

71.2K 3.1K 1.5K
                                    


Kabanata 33:


TERRON didn't get a chance to talk after the long silence. The man named Lorcan cleared his throat and tapped Savy's shoulder. "Mas mabuti siguro kung sa loob kayo mag-usap, Love?" he suggested, he glanced at him as if he knew everything about him and Savy, it annoyed him.

Hindi pa siya nakakabawi sa mga nalaman niya at biglang pagbalik ng ala-ala, kanina pa tumutunog ang kanyang telepono at sigurado siyang ang ina niya iyon pero hindi niya sinasagot, hindi niya maialis ang tingin sa asawa . . . dating asawa.

Savy looked at the annoying man, she didn't think twice.

"Sige, p-pumasok ka muna Terron," sabi ng babae animong wala itong pagtutol sa desisyon ni Lorcan, na para bang kahit anong sabihin ng lalaki ay susundin nito.

Naglipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, mas binuksan ng lalaki ang pintuan saka siya iginaya upang pumasok.

Wala sa sariling sumunod siya sa dalawa sa loob ng bahay. Nang makarating sa sala ay pinaupo pa siya ng lalaki sa kulay brown na sofa, hindi gano'n kalaki ang bahay pero pansin niya ang malinis na paligid, lahat nakaayos.

His eyes landed on the picture frames.  Savy and Lorcan's photo, nakahiga si Savy sa hospital bed habang ang lalaki ang kumukuha ng litrato, ang isang picture pa ay parang nasa isang bundok.

Iginala niya ang mata sa ibang picture na nandoon, mukhang nakita iyon ni Savy dahil itinaob nito ang isang larawan na hindi niya pa nakikita bago tumikhim at humarap kay Lorcan.

"Magbihis lang ako, ako na magtatapos ng niluluto mo," sabi ng lalaki kay Savy, tumango ang dalaga saka inabot ang apron na suot nito.

Naikuyom niya ang kamao nang halikan ng lalaki si Savy sa labi, sandali lang iyon pero pakiramdam niya ang umakyat sa ulo lahat ng galit sa katawan niya.

Putangina!

Sinundan niya ng matalim na tingin ang lalaki.

Nang maiwan silang dalawa ay bumuga siya ng hangin, parang may nakabara sa kanyang lalamunan habang nag-uulit-ulit ang sinabi nito.

He was so impulsive when he remembered Savy, he didn't think that they were separated years ago.

Umupo ang babae sa katapat niyang sofa.

"S-Sav..." He called her.

Hindi siya makapaniwalang makikita niya ulit ang babae na ganito kalapit, ngayon niya napansin ang pagbabago sa mukha nito, ang pagma-matured ng itsura ng babae at pagganda ng katawan.

Mukhang naalagaan ito nang maayos ng lalaki, mas naalagaan kaysa noong nasa kanya pa ito.

Savy smiled at him, totoong-totoo hindi katulad noon.

"Matutuwa panigurado ang magulang mo kapag nalaman nakaalala ka na lalo na si Mother Earth," panimula ng babae, kinagat nito ang ibabang labi.

Tipid siyang ngumiti, parang may pumipiga sa puso niya. Limang taon na nga ang lumipas, ang dami ng nagbago, ang daming nawala.

"Sana nga hindi na lang bumalik, kung alam ko lang na ganito ang maaalala ko. Sana nanatili na lang na wala akong maalala," wala sa sariling sabi niya.

Nakita niya kung paano nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. "Don't say that, hindi mo alam kung anong hirap ang ang pinagdaanan ng mga magulang mo para gumaling ka. Noong una sa trauma mo, tapos noong unti-unti ka na nagiging maayos ay naaksidente ka naman. Do you think your parent would be pleased to hear you say that?" sikmat ng babae.

Bigla siyang nahiya, tama ang sinabi nito. Alam naman niya iyon, ang laki ng sakripisyo ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Nagbaba si Terron ng tingin sa daliri niya. "Are you happy with that man?" mahinang tanong niya.

Teach Me Whelve (Teach Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon