utopia

0 0 0
                                    

sa kabilang buhay
binibilang parin ba
ang mga pagkakamali
ang mga salitang hindi nabitawan
ang mga pangakong hindi natupad
ang mga bagay na hindi nakamtan?

sa kabilang buhay
bibigyang halaga parin ba
ang mga numero na nagdidikta kung saan ang iyong kahahantungan sa buhay
ang mga numero sa timbangan na nagsasabi kung angkop ka sa lipunan

sa kabilang buhay
matutupad na ba
ang mga pangako ng mga pinuno
ang magandang buhay kung saan lahat ay pantay
ang hustisya na hindi makamit ng libo libong tao

o sadyang
masyadong malawak lamang ang aking imahinasyon
para managinip ng paraiso
sa kabilang buhay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Letter To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon