"Gago ka ahhh" galit na galit na bulyaw ni Gabryel sa kalaban nila.
"Putik awatin niyo!mga walang hiya" sigaw din nitong kaibigan ko, na akala mo jowa kung makaasta. Take note purong lalaki po siya ahhh.
Buti na lang nandun si kuya at Harvey para awatin si Gab. Siya yung tipo ng lalaki na magaling sa lahat pati sa pandadaya,pero di mo akakalain na gwapo ang gagong yun. Sabi nga ni kuya wala daw siyang kaibigang gago.
Pagtapos ng match sumunod kami ni Esu sa Canteen kung nasaan sila kuya. Syempre dakilang chismosa ang lola mo. Awit.
"Grabe Gab napakahusay mo" dinig kong sabi ni Harvey. Nakita namin agad silang tatlo na kumakain ng turon, paborito po nilang tatlo yun.
"Oh bat napadaan kayo?" Sabi agad ni kuya pagdating namim.
"Nagustuhan mo ba yung laro namin Rey" nakangiting sabi ni Harvey manliligaw ko. Hihihi apakagwapong lalaki. Yan tuloy umupo ako sa tabi niya.
"Sus yung naglaro ang nagustuhan nyan" singit nung epal na si Esu. "Takteng yan dapat dinala ko talaga jowa ko dito ehh" bulong bulong pa nito.
"Isang mahalagang paalala" ayan na sumingit na si Gab. "Wala kang jowang hinayupak ka"
"Idilat mo daw kasi muna mata mo" gatong pa ni kuya "chaka iwasan mo na pagkulay ng buhok mo, nung isang buwan orange tas ngayon platinum naman" ayan na binungangaan na, nakapout lang naman si Esu. Esu is a kind of guy na kilala lahat ng mga studyante sa campus, sabi nga nya siya daw si prince Esu, paiba iba ang kulay ng buhok, wala namang magawa yung school dahil nga siya si Esu.
"This is my charm you know" pagmamayabang pa nito. Singkit na singkit kasi mata neto kahit wala naman siyang lahi "Gab, pag inggit pikit"
"Baka, pagsingkit pikit" nagtawanan kaming lahat si Esu yung tipong hindi susuko hanggat hindi siya nanalo maliban nga lang sa sports di siya marunong pero magaling siyang dancer take note. Leader siya ng isang grupo sa sayaw.
Harvey just smile at me. Tatlong buwan na siyang nanliligaw sakin kahit tutol yung magaling kong kuya pero wala na itong nagawa nung sinabi kong I like harvey din akala niya kasi si Gab daw yung crush ko. Yeah crush ko si Gab dahil magaling siya sa lahat ng bagay pati pandadaya sa laro pero hind ibig sabihin nun gusto ko siya. Sa pagkakaalam ko kasi iba ang crush sa gusto.
"How are you?"I ask David kapatid naming bunso, nasa states siya ngayon kasama si papa, matagal na kasing hiwalay ang mga magulang namin.
"I'm fine. I miss you na ate" malungkot na sabi nito. Close kaming magkakapatid. I remember nung grade 6 ako at grade 5 naman nun si D, isang taon lang kasi agwat naming dalawa. Nabully ako nun, guess what kung sino nagbully sakin, yung magaling lang namang si Esu unggoy. I was crying that time tapos pumunta din si david sakin na umiiyak.
"Why are crying? Did they hurt you?" Nag aalala kong sabi ko. Umiling lang ito habang humihikbi parin. "Bakit?"
"My ate is crying dapat ako din" nakanguso pang sabi nito, imbis na ituloy ang pag iyak ko tinawanan ko na lang yung kapatid ko " I don't want to see my princess crying"
"Why what happened?" Biglang tanong ni kuya , agad kaming tumakbo at yumakap sa kanya habang umiiyak "Sinong umaway sa mga baby ni kuya?" Humikbi lang kaming dalawa ni David.
"That singkit make ate cry kuya" Sumbong ni David "scold him kuya diba sabi mo walang magpapaiyak sa princess natin?" Tanong ni david dahilan kung bakit ko nakitang ngumiti si kuya.
"Yes baby" sabi ni kuya "I will punch him" sabi ni kuya kaya ngumisi naman si David
"No one would hurt our princess D"

YOU ARE READING
Us, Again
Rastgelea story about family, friendship and love. Harvey fell inlove with his bestfriend sister Reanon, but one of his friend also liked Rey.