Chapter Nine

244 11 0
                                    

Chapter Nine

Tuliro akong nakatitig kay Theo na papalapit sa akin. He was smiling while handling me the bouquet.

"What?" Bulong ko.

Nilapit nya ang mukha nya sa gilid ko at ngumiti.

"I just saw some articles and they are obviously bashing you."

"Konsenya ba ito, Theo?"

Umiling sya at hinawakan ang likod ng baywang ko. May mga tumili sa audiences kaya ngumiti nalang ako.

"So, since nandito ka na, Mr. Zarsuelo. Itatanong namin kung tama ba ang mga sabi sabi na isa ka sa mga nilalandi ni Savannah?"

He cleared his throat. Mas nadepina ang singkit nyang mata at ang biloy nya sa gilid ng bibig.

"I don't like those people who are bad mouthing my girlfriend. It's not true, hindi nya ako nilandi. Lahat ng balita sa kanya tungkol sa mga lalaking nilandi nya daw ay hindi totoo. You know, people tend to say stories are not true."

"Pero totoong kayo ni Savannah?"

"Yes. We're in a long time relationship."

"Theo, that's too much." Bulong ko. Nilapit nya ang mukha nya sa gilid ko.

"Hayaan mong pag usapan nila. After all, they don't know the real story behind this." Aniya. "Ayoko lang nang nakakarinig ng mga taong panay ang bad mouth sayo."

Kumurap ako at tumango nalang. This is just nothing.

INABUTAN ni Andrea ng bottled water si Theo matapos ng Fan meet and greet.

"Thank you for saving Sav, Theo. I really owe you this one." Ani Darcy bigla.

"No problem. I'm sick of those people." Sagot nya bago tumango at uminom sa tubig.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang mapasulyap sya sa gawi ko. I pretended to be busy with something else. Tumikhim ako nang maramdaman kong lumapit si Theo sa akin.

"I'll go now. I still have work."

"Oh," napatayo ako. "Okay. Pasensya ka na."

He curtly nodded and even tapped my shoulder, I just smiled. Nagpaalam na din sya kina Darcy at umalis na. I pouted, sinamaan ako ng tingin ni Darcy.

"Alam mo bang ang nagawa ko nalang solusyon ay pakiusapan si Theo na magpanggap nalang kayo para ma-umay na ang mga tao pag usapan ka." Naiiling na sabi ni Darcy.

"Dapat kasi huwag na, kakausapin ko na nga si Theo na kung sana itigil na kasi tapos naman na ang premier night."

"Eh di mas lalo kang pinag usapan ng mga taong may ayaw sayo?" Singit ni Andrea.

Ngumuso ako at dinampot ang kape ko.

"Meron pa ba akong schedule?"

"Wala na." sagot ni Darcy. "May pictorial ka bukas."

Tumango ako sa sinabi nya, binitbit na ni Andrea ang mga gamit namin. Giniya kami ng mga security palabas ng Mall. Sa labas ng van namin, may nakita akong isang square na nakabalot sa isang brown cover.

Kinuha ko iyon bago pa makuha ni Darcy. Mabango at may isang note sa gilid.

'I hope you like my gift, Savannah. 💙'

-Mister
Ngiting ngiti na ako habang binubuksan ko iyon sa loob ng van. It was a painting of me. Ang ganda nga kaya excited kong hinarap kay Andrea.

"Ang ganda! Sasabit ko sa sala natin to."

Espresso MiLove (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon