Chapter Two
"Miss?"
"Okay, Sorry. Hindi ko naman intensyon na sumakay dito." Kinagat ko pa ang pangibaba kong labi.
"Okay..."
Tumango itong lalaki at sumulyap sa akin. Kumurap ako dahil tila wala syang pakialam sa kung sino ako.
Or baka hindi nya lang ako namukhaan?
Sumilip muna ako sa labas para icheck kung marami pa bang tao and thankfully, kokonti lang naman kaya bababa na ako.
"I'm really sorry," palabas na ako pero mabilis kong nahagip iyong mga media.
"Close the door."
Sinunod ko ang sinabi nya at mabilis na sinara ang pinto. Tahimik na sya noong nagsimula syang paandarin ang sasakyan. I'm carefully thinking, taking some glances on this man's face.
Hindi sya familiar sa akin. At ngayon lang nag-sink in sa akin na basta nalang akong sumakay sa sasakyan nya without knowig na baka mamaya eh masamang tao pala sya.
Pero gwapo eh. Kaso, looks can be decieving! Jusko, Savannah!
My phone rang, I immediately answered it.
[Where are you? Ang daming media sa labas!]
"Nakaalis ako agad. Nasan na sina Mama?"
[Umuwi na. San ka banda? Sunduin kita.]
Napatingin ako dun sa lalaking nagmamaneho. He's casually driving.
"I'll text you the exact address."
[Be safe.]
Binaba ko agad ang tawag at bumaling uli doon sa lalaki.
"Uhm, excuse me."
"Yes?"
Niliko nya ang sasakyan sa isang building around BGC. Baka condo nya?
"Where are we?"
"Condo ko. Susunduin ka ba?"
"Well, yes. Pwedeng maghintay muna dito sa kotse mo?"
Pinarada nya iyon sa parking lot at tumango kapagkuwan. I texted Andrea the exact address where am I.
Medyo nailang ako sa katahimikang bumalot sa aming dalawa ngayon. Lumabas sya bigla ng sasakyan, sumilip ako at nakitang nag sindi sya ng yosi.
Damn it, Andrea. Pwedeng pakibilisan? Baka kasi mamaya masamang tao pala tong kasama ko.
I take my time staring at the man's body build. Is he a model or something? Pero kung model sya, dapat kilala ko sya. Ang bilis kong napaiwas ng tingin ng mapabaling sya sakin, maybe he notice that I was staring at him.
Hindi nagtagal ay nakita ko na ang sasakyan papasok sa parking. Binuksan ko ang pinto at lumabas na. Sinulyapan ko iyong lalaki na tumango lang sa akin.
Bumaba si Andrea sa sasakyan pero pinigilan ko sya. Tahimik akong sumakay sa passenger seat.
"Sorry for the misunderstandings, Mister."
"No problem."
Mabilis lang ang naging biyahe namin pauwi ni Andrea sa condo. Tinatanong nya sakin kung bakit kasama ko iyong lalaking iyon matapos kong mag-walk out sa dinner namin.
"I saw Xavier on the lobby. And may media, nataranta ako kaya sumakay ako sa unang sasakyan na nakita ko." Paliwanag ko. "I wasn't thinking, I'm sorry."
"Wait, parang pamilyar iyong lalaki."
"I'm tired, bukas na tayo mag usap."
Iniwan ko sya sa sala at pumasok na sa kwarto ko. Nag-half bath ako at pagkatapos ay pabagsak na nahiga sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Espresso MiLove (Coffee Series)
RomanceA man who happens to remember every detail of the lifes around him, sakit na pipiliin nyang alisin sa buhay nya para hindi na maging miserable, pero paano kung may makilala syang babae na naging parte pala sa nakaraan dahil sa isang aksidente? A not...