Chapter Eleven
"Hi, nice to finally meet you, Aliana." Nakangiti kong sabi. I even offered my hand for a handshake.
Tipid na tinanggap ni Aliana iyon at kinamayan din.
"Feel free to roam around. Baka may magustuhan ka."
"Ay totoo? Sige!"
Lumayo ako kay Theo at nagsimula nang mag uli sa kabuuan ng craft shop. Madaming mga stuff doon, pero natuwa ako sa crochet bikini kaya kumuha ako ng dalawa. I also brought some bracelet and earrings for pasalubong.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa counter dahil nakita kong masinsinan silang nag uusap ni Theo. Both of them were smiling. May iba talaga eh. Naging mag ex ba to?
"Free size ba itong crochet?" Sabi ko sabay lapag sa mga binili ko.
"Yes. Meron fit sa small to medium frame at may pluz size din."
"Oh, okay. Ito bibilhin ko."
Habang inaasikaso ni Aliana ang mga binili ko. Dama ko naman sa gilid ang pagtitig ni Theo sa akin. Napaharap tuloy ako dito, and I tilted my head.
"Okay ka lang?"
"Yeah, don't mind me."
Chineck ko pa ang mga nabili ko, natuwa naman ako sa style ng crochet.
"Okay lang ba to?" I asked Theo.
"Malamig sa mata ang kulay." Sagot nya, tumatango.
"I'll wear this later." Kumindat pa ako.
The door opened, sabay sabay kaming umangat ang tingin at nakitang pumasok si Allen doon. I almost curse.
"Hey." Ani Allen. "You must be Theo Zarsuelo?"
"Obvious ba, Allen?"
Ngumisi si Allen at lumapit sa counter.
"Singkit ang fetish mo, wife?" He asked Aliana.
"And you're Allen Ong. Nice to meet you." Sabi ni Theo. "You should take care of your wife."
Pilyong umangat ang gilid ng labi ni Allen, tinaasan ko sya ng kilay. There's something fishy here.
"You should also take care of Savannah, you know she's every guys dream." Patuyang sabi ni Allen.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Every guys dream my ass, Allen."
Humalukiphip ito. "Hindi mo pa ba alam? Savannah?"
Sasagot pa sana ako kaya lang nahagip na ko ang titig ni Aliana. So I just smiled.
"Can I invite you two for a quick drink later?" Allen offered.
Bumaling ako kay Theo, I saw him smirked. Hinawakan nya ang siko ko kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"Sure, Mr. Ong." Theo said. "We'll go ahead. Aliana."
"Thank you, balik kayo." Ani Aliana.
"Babalik ako for the crochet!" Masayang sabi ko.
Theo wrapped his arm on my waist and slightly pulled me with him. I cleared my throat, he loosen up his arm.
"You good?"
"Yeah," tipid nyang sagot.
My phone rang. Si Andrea iyon, hinahanap na daw ako para sa mga settle ng pictures na nakuha kahapon.
"Huwag mong pansinin si Allen. He's a devil."
"Are you free later?"
"Iinom ba talaga tayo?"
BINABASA MO ANG
Espresso MiLove (Coffee Series)
RomanceA man who happens to remember every detail of the lifes around him, sakit na pipiliin nyang alisin sa buhay nya para hindi na maging miserable, pero paano kung may makilala syang babae na naging parte pala sa nakaraan dahil sa isang aksidente? A not...