Chapter Fifteen

181 10 5
                                    

Chapter Fifteen

Isang haplos sa pisngi ko ang nagpagising sa akin. Kumurap ako nang natanto na hindi ko kilala ang nasa harapan ko ngayon.

"Do you like our house, Savannah?"

"S-sino ka?" Lumayo ako.

Umayos sya ng upo at inabot ang kamay ko.

"Ang tagal kong hinintay ang araw na to." Marahan nyang sabi.

Binawi ko ang kamay ko at tumayo. Mabilis din na tumayo ang lalaki.

"Wala kang mapapala sakin."

"Magpahinga ka na muna. Pagod ka."

Tinalikuran ko sya at lumapit sa pinto pero mabilis nyang hinablot ang braso ko at pabalibag akong inupo sa kama.

"Dito ka lang sa bahay natin."

"Hindi kita kilala!"

"Ako lang naman ang dapat na nag aalaga sayo, hindi ang Zarsuelo na yun."

Hinaplos nya uli ang mukha ko, tinabing ko ang kamay nya.

"Asa."

Hinigpitan nya ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"Ano ba!" Bitawan mo ko."

"Sa akin ka lang, Savannah. Akin."

Binitawan nya ako kaya halos masubsob ako sa kama, tumayo sya at lumabas. Sumunod ako pero sarado na ang pinto. Kinalampag ko iyon.

"Hoy!"

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan kung nasan ako. There were a lot of paintings. May bintana pero sarado ang mga iyon. Sinilip ko ang labas para magkaroon ng idea kung nasan ako. Pero wala. I also don't have my phone with me!

Bumukas uli ang pinto at pumasok ang lalaking iyon. May dalang tray.

"Sino ka?!"

"Shh. Kumain ka na, pagluto kita."

Nahagip ko ang kutsilyo sa gilid ng tray, ang bilis kong lumapit doon at tinusok sa braso nya ang kutsilyo. Tumakbo ako palabas agad at halos malula ako sa lawak ng bahay. Pagkarating ko sa sala, puno ng painting ko ang paligid. Iba't ibang itsura ko, at nagpeplay sa video ang mga short clips ko.

Tinuyan ako ng balahibo sa takot na nasa kamay ako ngayon ng stalker ko. Tumakbo uli ako nang marinig ko sya. Sa sobrang lawak ng bahay, hindi ko alam kung saan ang labasan. Bago pa ako makatakbo uli, hinila na nya ako sa baywang ko.

"Bitawan mo ko! Baliw ka!"

"Dito ka lang sakin."

Sinubukan ko syang kalmutin pero dinala nya lang ako pabalik sa kwarto. Hinampas ko sya at nahila ang suot na facemask. Tinakasan na ako ng dugo nang matanto kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Walanghiya ka!"

"Tumigil ka, kahit anong gawin mo hindi ka makakalabas dito. Dito ka lang sakin!"

"Anong ginawa ko sayo, Direk Ryan?"

"Mahal kita, Savannah. Binuo ko ang bahay na to sayo. Dito tayo maninirahan."

"Baliw ka!"

Napapangising binunot nya ang kutsilyo sa braso at hinarap sa akin.

"Baliw na baliw ako sayo."

"Ilabas mo ko dito!"

Tinulak nya ako sa kama, natakot ako at agad na lumayo. Hinila nya ang buhok ko at tinapat sa akin ang kutsilyo.

Espresso MiLove (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon