Chapter Sixteen

188 12 5
                                    

Chapter Sixteen

Nagmulat ako nang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Mula sa salamin ay nakita ko si Theo na nakasandal sa pinto.

"Ganda no?" I teased.

Umakto syang nag isip bago natawa. May maliit na ngiti sa labi ni Erich habang inaayos ang buhok ko.

"Tapos ka na, labas muna ako." Aniya.

Ngumuso ako at inikot ang upuan ko paharap kay Theo, nakaupo na sya ngayon sa sofa doon.

"You're early." Sabi ko.

"Dinaanan lang kita. I was going t fetch Jaira."

"Jaira?"

"My sister. Fan mo."

Tumayo ako at chineck ang suot ko.

"Mabilis lang naman itong script reading. Papa-tats na ako later."

He slightly tapped his lap. Umupo ako doon at pinulupot ang braso ko sa batok nya. Hinaplos nya ang bukas na likod ko. I'm wearing a backless top with long sleeve and a jeans.

"How's studying?"

"Good. I finished all my work."

Inayos ko ang buhok nya, Theo closed his eyes and buried his face on my neck. Napapangiti ako.

May kumatok sabay bukas ng pinto. Pumasok si Andrea na may dalang coffee at ang staff.

"Five minutes po, Miss Savannah."

"Okay."

Tumayo na ako and I kissed his cheeks. Tinanguhan nya si Andrea.

"I'll take you there."

Hinatid nya ako sa studio kaya maraming nakatingin sa amin. Hindi na nga lang namin pinapansin ang mga iyon. Theo squeeze my waist before leaving, pagharap ko sa mga tao malawak na ang ngiti ko.

Tinanguhan ko ang mga makakasama kong artista dito sa movie ni Ariana. We started the story script reading for the movie. Pinakilala na sa akin ang iba pa pati si Adam na magiging leading man ko for this.

Si Ariana ang nagbigay ng briefing at si Direk JM Lausingco. Nakikinig lang kami lahat at nagbibigay ng opinyon. Right after the briefing and such, nagpasalamat na kami lahat at naghanda na para sa magiging shooting pagkatapos ng press con next week.

"Wait lang," ani Adam at may inabot sa aking bouquet of flowers.

"Thank you.."

"Perfect for the chemistry."

Nagpicture muna kami bago kami umalis. Sa dressing room na ako dumiretso pagkatapos. I saw Theo inside, sleeping. And Andrea.

"May lalakadin pa kami." Sabi ko kay Andrea.

"Okay, text mo ko. Mag ingat kayo."

Binitbit na ni Andrea ang mga gamit ko bago ko ginising si Theo.

"You done?"

"Yep. Let's go na?"

Kinusot nya ang mata bago tumayo. Chineck ko uli ang sarili ko sa salamin, nilahad ni Theo ang kamay nya sa akin kaya kumapit ako doon.

"Jaira wants your autograph here."

Nilahad ni Theo ang magazine kung saan ako ang cover for the month. Kinuha ko naman agad ang pentelpen at naglagay ng pirma ko doon.

"Say thank you for the admiration."

"Noted."

Nakarating kami sa isang tattoo shop, naglagay ako ng mask para di masyadong makilala. Hindi naman mawawala ang napapatingin pero di ko na pinansin yun. He knocked on the door and I came face to face with Shinubo Lausingco. The famous tattoo artist. Ang nagtattoo sa likod ni Persephone.

Espresso MiLove (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon