32: A friend

835 47 0
                                    

Maxine's POV

Tila huminto ang oras nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari. Nagpadausdus si Devon kaya agad ko syang inalalayan at niyakap nang mahigpit sa takot na baka mawala sya. Hindi ko na pinansin ang nakapaligid sakin basta't ang importante ay si Devon na syang sumalo sa atake ni Eris.

"MAXINE!! DEVON!" nanginginig akong lumingon sa taong tumawag samin at sya ring lumapit samin at tinignan si Devon na wala nang malay at umaagos ang dugo mula sa kanyang likuran.

"Aya...." Tawag ko sa kanya kaya tinignan nya ako nang may pag-aalala sa mukha at saka sya ngumiti.

"Ako bahala sa kanya, he will be fine. Finish what you've started Maxine, i have hope." salita nya. Saglit akong tumitig sa kanya at saka tumango.

"Make sure to make him live, aya. I... can't.." sagot ko at napaluha nalang. Hinawakan nya ako sa balikat at tinapik.

"He's okay." sagot nya saka nya hinila ang walang malay na katawan ni Devon palayo sakin. I trust her...since... she's Devon's wife after all.

Tumayo ako at pinahid ang luha ko saka masamng tinignan si Eris na nakangisi sakin.

"Don't look at me that way, daughter of Adonis. He did it to his self." mapaglaro nyang salita. I may not be as strong as her, as strong as gods but i know someone will help me get stronger than her. I hope Aya is true. That there's still hope in this war.

"You may have successfully killed my puppet, but i am still here to defeat you that he cherished the most." salita ni Eris at unti unting nabuhay ang mga napatay namin. Itim na mahika ang ginawa nya para ibalik ito sa buhay. Pinalibutan nila kaming muli, ngayon ay si Dos at Tres nalang ang kasama ko, ewan ko nalang kung nasaan sina kuya Matt at ang ibang nakasakay sa chariot kanina.

"I wonder why he mostly like this cheap school and the students inside. Wouldn't it be a waste to keep all of you, weakling?" Dagdag panlait nya at may pandidiri sa mukha na nakatingin samin na parang kami na ang pinakamamabang uri at pinakamaliit na nilalang na nakita nya, she's indeed a goddess of discord. Sinamaan ko sya nang tingin at napakuyom ang kamay ko.

"Weakling? Zeus never treated us like that, so it means we are not weak." nabuhay ang loob ko sa bagong dating, ang akala ko'y iniwan na nila ako pero hindi.

Nagulat ako nang makita kung sino sino ang nasa likuran nya, and it was no other than, the class from where i came from, the ancillary class. They are all holding their weapons and looking at Eris with full of confidence and fearless.

"Oh? So you called some weakling? Even if you make the whole students come here, it wouldn't take 30 minutes before i could kill all of you and send your heads to the Olympus." Salita ni Eris. Totoo nga ang sinabi nila na medyo may pagkamaingay rin pala ang isang goddess.

"Let us see then." nabigla na naman ako nang lumitaw nalang bigla sa likuran ko si Yssa kasama si Drey at ang iba pa maliban kay Devon. Ngumiti sakin si Summer at saka ako nilapitan.

"Don't worry about Devon, he is recovering by the help of Mediocre class. The enemies are attacking the school but the hunters are there, so we only have to finish everything from here." salita nya at saka tinapik ako sa balikat.

Lumapit naman sakin si Drey na seryosong nakatingin kay Eris.

"Napaaga ang pagdating ni Eris dahil sa biglang pagkawala mo nang kontrol sa kapangyarihan mo. Nakuha nang presensya mo ang atensyon ni Eris kaya sya nandito bago pa kami nakarating," salita ni Drey habang hindi nilalayo ang tingin kay Eris. "This only means that the prophecy might change because of destruction. The prophecy is in favor of us but it might change during the process, that is why, we have to use all our cards." dagdag nya. Lumakas ang kaba sa dibdib ko at napatingin kay Eris.

MAXIMUS PRIME ACADEMY✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon