26: Lost

938 54 0
                                    

Thanaya's POV

Hindi ako mapakali habang naghihintay kina althea rito sa cabin ng infinite.

Agad akong tumakbo ng dumating sina althea at eunice na bagsak ang balikat.

"We're doomed. Wala sya sa camp Aya. We're sorry." malungkot na salita ni Althea. Napabagsak ang balikat ko. This is not happening. Were are you Maxine?

*******

Maxine's POV

"Let us go! Please! Ano bang kailangan nyo sakin? Wala na sakin ang stone na hinahanap nyo!" Sigaw ko sa kanila habang nakatali paitaas ang kamay ko, ganun narin si Glaire.

Puno kami ng sugat at bugbug dahil pagdating namin rito ay pinilit naming makaalis pero hindi namin kaya silang lahat. Kaya ito ang resulta namin, pero mas naaawa ako kay Glaire. Sya ang pinaka napuruhan.

Nasa isang bagong silid na naman kami, hindi na itim na silid kundi puti. Purong puti kahit ang sahig.

Bumukas ang pinto at pumasok si Dos at Tres.

"Alam namin yun, Maxine." sagot ni Tres. Hindi na sya nakangisi gaya nung una naming pagkikita. Seems that he's deadly serious right now.

"Eh ano pang kailangan nyo sa kanya?" Nanghihina na tanong ni Glaire.

"Simple lang, maging pain para lumapit ang pinakamamahal nyong President samin at....dahil keeper sya." nangilabot ako sa sagot ni Dos.

"Ano namang kinalaman nya sa President? At pagiging keeper nya?" Takang tanong ni Glaire. Napalunok ako at umiwas ng tingin kay Dos dahil tumingin sya sakin.

"Because she's a grandchild of your beloved president." nanindig ang balahibo ko sa sagot ni Dos. I wasn't expecting him to know that. Pano nya nalaman yun? Pano nila nalaman?

******

Thanaya's POV

Nang mabalitaan naming dumating na sila Summer at Devon na sugatan at walang malay ay dumeretso kaming tatlo sa hospital na sinabi ni Mrs.Alvarez kung saan sila.

When we arrived at devon's room. Huminto muna kami sa harap ng pinto nito, kinakabahan kaming nagkatinginan nila althea at Eunice.

We knew that Devon has this unexplainable feelings for Maxine for a long time? At kinakabahan kami sa maaari nyang reaksyon pag nalaman nya ang nangyare kay Maxine.

Humugot ako ng hininga at binuksan ang kwarto ni Devon at bumungad samin ang dalawang lalake na nakatayo ilang metro sa kama ni Devon na walang malay.

Napatingin samin ang dalawang lalake sa pagpasok namin. Napalunok ako ng makita kung sino ang kasama ni Kuya Matt. The president.

"Maxine." tawag ni Kuya Matt. Agad akong umiling.

"Si Thanaya ito Kuya Matt." sagot ko. Nakatitig naman sakin si President Maximo na tila kinakalkula ang pagkatao ko.

"Thanaya Flores? So you're Maxine's twin." sambit ni President Maximo. Tumango ako at hindi mapakali dahil nakakatakot ang tingin nito.

"How are you related to Mr.Sallow?" Tanong ulit nito.

"Fiance po." sagot ko and cleared my throat because of trembling.

"Come in, Aya. And you guys." salita ni Kuya. Humugot ako ng hininga at lumapit na sa higaan ni Devon. Mukhang okay na sya pero namumutla sya at may benda ang braso nya.

MAXIMUS PRIME ACADEMY✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon