Maxine's POV
Nagpapasalamat ako na dalawang beses na akong iniligtas ni Devon pero naiinis ako sa kanya dahil lagi na lang nya akong pinapahamak. Damn it!
"Oh ano?" Naiinip na tanong ni Ariana. Bumuntong hininga ako.
"Ako nalang." prisenta ko saka hinawakan ang bote ng beer. Ngumisi ang babae.
"Sige, tignan natin kung mas matibay ang loob mo babae. O baka naman pagpapaganda lang ang alam mo?" Pangasar nyang sagot sakin. Ngumisi naman ako.
"I got bigger tolerance with this water Miss Jackson." sagot ko. Kumibit balikat sya saka binuksan ang beer, ganun na rin ang ginawa ko. Napatigil ako ng hawakan ni Devon ang kamay ko.
"You don't have to do that." sambit nya. Nagmake face naman ako.
"Di ba ayaw mo? Hinamon mo pa kasi." sagot ko saka umirap at winaksi ang kamay nya saka tumingin kay Ariana.
"On count of three. Sabay tayong uminom." salita nya. Tumango naman ako saka hinanda ang sarili, binaba ko muna ang bag ko saka buong loob na hinawakan ang bote.
"One..two...three." bilang nya at sabay naming ininom ang beer. Naningkit ang mga mata ko sa init ng tubig na dumaloy sa lalamunan ko habang mabilis ang paginom ko rito.
Hindi umabot sa minuto ay nauna akong magbaba ng bote at sigundo lang ang pagitan ng pagbaba namin ng bote. Napangiwi ako dahil naamoy ko ang baho ng beer.
"Wow. So i guess sama na ako." mangha nyang salita ko. Ngumiti naman ako saka tumango.
Tumayo naman sya saka nagunat.
"Magpahinga na muna kayo, maghanap kayo ng kwarto dyan marami yan! At paggising ko saka tayo ulit magusap." saad nya saka pagewang gewang na umakyat ng hagdan.
Naiiling ako saka kinuha ko ang bag at tumayo na. Nakaramdam naman ako ng mangangati sa katawan at pagkakaantok, yan ang aftershock ng beer sakin. Hindi ako madaling malasing at ibang sintomas ang lalabas sakin.
"Geh una na ako Dev. Umiipekto na eh." paalam ko at hinahaplos ang braso dahil sa pangangati.
Nagmadali akong umakyat sa hagdan at naghanap ng kwarto at agad na pumasok saka naglock ng pinto nilapad ko sa kama ang bag saka nagmadaling tumungo sa cr dahil mabigat na ang talukap ko. Naglagay agad ako ng malamig na tubig sa bathtub at naglagay ng gatas na nakita ko lang sa tabi saka ako naghubad lahat at agad na lumusong sa tubig. Humiga ako at binabad hanggang leeg ang katawan para mawala ang epekto ng beer.
Sa ganitong paraan, nawawala ang epekto nito sa katawan ko. Hinayaan ko na ang sariling matulog sa bathtub.
********
Nagising ako dahil maganda na ang pakiramdam ko kaya agad akong umahon sa bathtub at naligo na saka ako lumabas at nag bihis. Nagugutom narin ako kaya lumabas ako ng kwarto dala dala ang bag at bumaba ng hagdan. Walang tao sa sala kaya hinanap ko ang kusina at madali lang naman itong hanapin.
Nakita ko ang maid nila na naghahain.
"Ay gising ka na pala iha. Tatawagin ko pa sana kayo, okay ka na ba?" Salita nito. Tumango naman ako at ngumiti.
"Opo manang. Nagugutom narin ako eh." nahihiya kong sagot. Tumango naman sya.
"Oh halika kumain ka na at tatawagin ko si Ariana at ang kasama mo." sagot nya. Tumango ako saka umupo na at umalis naman sya para siguro puntahan na sina Ariana.
Ilang minuto lang ay dumating na ang dalawa na nakabihis na ng maayos, naupo naman sila at walang imik na sinimulang kumain. Nagsandok narin ako saka kumain na nang pinaghanda ni manang.
BINABASA MO ANG
MAXIMUS PRIME ACADEMY✓
FantasyHighest Current Rank: #1 in Greeks and Greekmythology #6 in Olympians #3 in Fantasy, Adventure, and Abilities Mababa, mahina, bobo. Yan ang laging sinasabi nila samin, napalpak kami at malas sa mundo. I'm sure naririnig nyo na o nababasa sa ibang s...