Chapter 2

27 2 0
                                    

 "NO way!"

Dumagundong ang malakas na sigaw ng kanyang tatlong kaibigan. They're filled with so much emotion with their faces.

"Pero –"

"We're definitely not with that plan Casey."

"Hindi nyo ako naiintindihan Keila, Coreen, Drana. You are all I've got to help me with this. Alam nyo kung gaano ko kagustong maglaro sa basketball. And basketball's my life! But that annoying, horrible scum and boastful pig Brenan Canencia just told me na ang mga babae ay mahihina at hindi nababagay sa mga larong panlalaki. He said that girls can't beat boys!"

"Well that's a scientific fact, Case." Nakahalukipkip na saad ni Coreen.

"There's a big percentage that yes, it is. Pero hindi ako naniniwalang lahat ay ang lalaki lang ang magagaling. And I want to prove him that. I wanna be part of that team!"

"Pero magpapakalalaki ka? Kaya mo yung gawin the whole semester? And while you're Casey, the lady inside the classroom, you're Macky, the heartthrob basketball player in the court?"

"That's why you're all here girls diba? To help me? Please...please change me. Make me look like a man!"

"Casey hinihingi mo ang langit at lupa!" shouted Drana.

"At si Edward Cullen na maging werewolf!" quipped by Coreen.

"O magkabalikan si Piolo Pascual at KC Concepcion!" retorted by Keila.

"Just make me look like a man." Halos mahina na ang kanyang boses, nagsusumamo.

"No."

"No."

"No."

"If you'll say yes, pagkatapos nito I'll wear those girly dresses na, make ups and all. Susunugin ko na ang aking mga basketball caps, long big pants at shirts pagkatapos ay magbabasa na ako ng fashion mags and blogs and I swear I'll be the next Paris Hilton in the land. "

Nanlalaki ang mga mata ng tatlong kaibigan niya na lumapit sa kanya hawak ang kanyang mga balikat, iniisip na baka ay nagugulumihanan siya sa mga pangyayari.They just wanted to shake the wits out of her. Pagkatapos ay sabay sabay itong nagsalita.

" Sure?" sabi ni Coreen.

"Ever?!"Tili ni Drana.

" Walang kaechusan?" tanong ni Keila.

"Sure. Ever. At walang kaechusan. P-R-O-M-I-S-E!" At inilagay pa niya ang kanyang kanang kamay sa dibdib.

Nagtatalon ang tatlo na sumigaw sa tuwa. "Then go!"

---------

AND THE NEXT THING she knew, her friends are now busy transforming her to a new human being.

"Bigote?"

"And this too, look Case."

"Ay hindi bagay, change mo Keila. This one."

Heck.

"Kilay?"

"Ouch Drana! Hinay hinay lang please.."Yan ay pagkatapos tanggalin ng mga ito ang fake na patilya at buhok na idinagdag sa kilay niya.

"This time, I really need to become a superheroine. From Drana to DARNAAAA!"

Pagkatapos ng walang katapusang beauty transformation operation nina Keila, Coreen at Drana ay umaksyon na ang mga ito para makita siya in final.

"Ladies... please welcome ang bagong kahuhumalingan ng basketball court—the new Ma. Cassandra Alarcon—Macky Alarcon!

Mula sa kanyang binihisang kwarto, lumabas si Casey in a male attire. "Hi girls." Sa kanyang pinalaking boses with matching kindat sa mata, nag-umapaw ang tawanan sa loob ng bahay ni Keila.

This Girl's In Love With You PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon