Chapter 6

352 8 4
                                    




IT WAS another victory for them again at halos nagkakasayahan na ang lahat. After winning 6 times in a row para sa Quarterfinals, sila ang pinakaunang team na nabigyan ng unang slots para sa Semis. And that would mean, meron silang isang linggong walang games at rigid training. At dahil din dyan ay hinayaan sila ng kanilang coach na magkasiyahan sa gabing iyon para sa lahat ng team members.

"Cheers mga pare! Cheers for the team!" nakatawang taas ni Casey sa kanyang goblet sa gitna ng mga nag-kakasiyahang team members.

"Cheers! Yahhoooo!" at sabay sabay na ininom ng mga kasama niya ang hawak nitong mga baso. Habang umiinom ang mga ito, disimulado namang itinapon ni Casey ang laman ng goblet niya sa isang halaman na nasa malapit sa kanya.

Masaya narin siya kahit papano dahil atleast nakasama niya si Brenan ngayon na nakikita niyang ngumingiti. Halos isang linggo na siya nitong di halos ngitian o tapunan man lang ng tingin. Like he is deliberatingly avoiding her.

"Sheers parah sha ating Captain Ball na lasheng na!" halos din a makapagsalita ang lasing na si Jason.

Nakatawa namang itinaas ni Brenan ang goblet nito, halata ding lasing na lasing na. "Sheers mga pareh!" Nilagok lang nito ng mabilis ang dala.

"Brenan, okay ka pa ba? Mukhang lasing ka na ah." Nakangiting saad ni Jason. Maging ito man ay namimigat narin ang talukap ng mata sa panunuod sa lasing na si Brenan.

"Ako? Lasheng? Hindi pa. Kaya ko pa ngang mag..magshoot! hik!"

Nang ilalapag na nito ang goblet na hawak ay bigla itong sumuray at hindi na nakaupo ng maayos, nahulog ito sa paanan mismo ni Casey na siya sanang hahawak sa bote para sa bagong itatagay. Mabilis naman niya itong dinaluhungan.

"Brenan!"

"Woops! Hehe.." parang wala ito sa sariling natatawa sa nangyari.

"Pare...Brenan, kaya mo pa ba?"nag-aalalang tanong ni Casey. "Tumayo ka..halika nga rito.." Hinawakan niya ang braso nitong nakahawak ngayon sa tuhod niya.

Pumungay ang mga mata nito nang makita siya pagkatapos tumawa. " Sorry pareh.. hik!"hinawakan nito ang kamay niya, pagkatapos ay tinitigan, "Sorry, I can't help but fall for you kasi eh...hik.." and then he laughed.

"Fall for you ka dyan, nahulog ka sa halos paanan ko na..."

Nagtawanan naman ang mga kateam-mates nila sa huling sinaad ni Brenan. "Mack, ihatid mo nayan sa room nyo, lasheng na yan eh..."

"Oo, ihatid mo, mamaya eto namang si Paul ang shushunod na ihahatid..hik!" susog ni Jason.

"Teka? Ako? Ako ang maghahatid sa kanya?"

"Kaya mo na yan, mukhang di ka pa naman lasing hik!"

So Casey doesn't have the choice but to really bring Brenan back to their room. Siya lang mag-isa, imagine that. At ang siste...ang bigat! Parang kalabaw lang ang dala dala niya. Meron pa itong payakap yakap sa kanya na mahigpit habang pasuray suray na naglalakad. At kahit naman magkahalo na ang amoy ng perfume nito at ang nainom, di niya maintindihan ang sarili kung bakit ang puso niyay lumulundag ulit sa galak na magkalapit lang sila.

Ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa loob ng kanilang room. Hirap na halos buhatin na nya ito para makarating sa kama nito. Dumiretso lang itong humilata nang maramdaman ang malambot na kutson.

"Pare.. ang bigat mo.. ooppss. Ahh - ayan. Whew!" nakita nyang nakapikit na ang mga mata nito. Napabuntung-hininga siya. Gusto niyang titigan pa ito ng mas matagal.

This Girl's In Love With You PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon