SA ARAW NG Championship game, naging busy na sila Casey sa iba't iba nilang preparasyon para sa sarili. In more than an hour ay magsisimula na ang kanilang game. Invited niya syempre ang kanyang mga friends. Ang hindi niya alam, meron ding darating na isa pang bisita na hindi niya expected.
Sabay sabay silang sasakay sa university bus nila papuntang venue ng kanilang paglalaruan. Pero nakalimutan ni Casey ang kanyang cellphone kaya minabuti niyang balikan sa kanilang dorm.
"Oo, ahm Casey ang name niya... Casey..." ang tanong ni Thalia na ngayon pa unang nakabisita sa bagong university ng kanyang dalaga. "Baka kilala mo, hijo."
"Huh? Wala pong Casey na pangalan dito maam. Tsaka boy's dorm po ito..." nagkakamot naman ang ulo ng sumagot na nagdodorm din, mula sa ibang department.
"HA? Boys? Eh bakit dito yung nasabi niyang dorm number? Ah nevermind. Kuuu tong batang ito, kung san san na naman ang nasabi sa akin."
"Ah ikaw hijo, baka kilala mo itong anak kong hinahanap. Casey, Casey Alarcon." Ang napagtanungan na ng ginang ay isa sa mga teammates niya na kalalabas din sa sariling room.
"Ay syota to ni Brenan, siya ang alam kung nasaan ngayon si Ms. Casey. Oh, nandito yung kadormmate niya."
Lumingon-lingon ito. Yun din naman ang paglabas ni Casey sa room nila ni Brenan. Sumigaw ito sa direksyon ng kalalabas palang na si Casey. "Mack! Macky! Meron ka bang kilalang Casey? May naghahanap kasi."
Dahil abala sa pagbabasa ng text messages ay sumagot siya dito ng hindi nakatingin. "Ha?! Sinong hinahan—" Si mama! Patay! Nakapanlalaki pa naman ako!"
Halos itago na niya ang sarili sa dingding na naruroon. Kapag nakita siya ni Thalia Alarcon ay tiyak makukurot siya sa singit dahil sa ginawa niya para lang sa basketball.
"Casey daw! Si Ms. Casey, yung girlfriend ng karoommate mo!"
Juice ko juice ko... Pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang ipakita ang sarili sa mama niya nang hindi muna nahahalata. Pagkatapos kunin ang sunglass ng naglalakad na isang estudyante, mabilis siyang lumapit dito.
"Uhurm..ahm maam,sama po kayo sa akin..."lalo niyang pinalaki ang kanyang boses.
"Papunta sa aking baby girl?" nakamulagat itong nakatingin sa kanyang matang may sunglass.
"Baby girl ka dyan...anlaki ko na.." napabulong siya sa narinig sa mama niya.
"Ha? May sinabi ka hijo?"
"Ah uhurm...wala po. Halika na po kayo. Dadalhin ko kayo kung saan pwede kayong mag-usap ni Casey po."
"Ay sege salamat ha." At nakangiti na itong sumunod sa kanya. Dinala nya rin ito mismo sa kwarto nila ni Brenan. Pagkatapos maipinid ang pinto ay mabilis niya itong hinawakan, sabay kuha sa sunglass na nasa kanyang mga mata at nagsalita.
"Mama, oh heto na ako. So what do you want to ask?" Nakangiti na siya ngayon. Thinking her mom can actually recognize her beyond her wigs and basketball jerseys.
Napakunot noo naman ito sa ginawa niya. " Ha? Si Casey ang hinahanap ko at gustong makausap. Anong pinagsasabi mo?"
"It's me nga, I'm Casey." Lalo niyang niluwangan ang ngiti.
BINABASA MO ANG
This Girl's In Love With You Pare
HumorThis Girl's In Love With You Pare DJBianca Frost Iisa lang ang hiling ni Casey sa kanyang bagong school kung saan siya magta-transfer - 'yan ay ang maging parte ng Woman's Basketball team gaya ng kanyang iniwang university kung saan siya ang Captain...