Chapter 5:

25 3 0
                                    



NASA gym si Brenan at ngayoy inaalala ang nangyari kanina sa Engineering department CR kasama si Casey. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla nalang nya itong hinalikan kanina. Kahit kailan ay hindi pa siya nanghalik ng babae ng ganun-ganun lang. And to think that that was only their second meeting. The first was the gym locker room scene almost a month ago.

Pero bakit ang lakas ng atraksyon namin sa isa't isa? Their kisses were electrifying.

Kagabi ay pinagdududahan pa niya ang kanyang sarili kung nagsisimula na ba siyang magkagusto sa kapwa lalaki – to Macky specifically. Why, he's got the same type of pull and attraction when he's also with that pretty girl Casey.

"Ahhh!" di niya namalayang narinig pala siya ng ibang players na kalalabas mula sa locker room.

"Are you okay pare?" tanong ni Paul.

"Ah..ha? yeah...yeah im fine mga pare."

"Ah. Oh nasan na ang buddy mo? Asan si Macky? Wala yata sa practice kanina?"

"Hindi ko alam, baka may pasok. "

"Teka, natanong nyo ba kung anong course ni Macky? Hindi ko kasi siya nakikita sa iba't ibang departments dito eh. Isang buwan na natin yung kasama sa training." Si Jason naman ngayon ang nagtanong.

"Tanong mo sa kanya, o kaya hanapin mo dun sa registrar. Ano bang apelyido ulit ni Macky?"

" Alarcon. Macky Alarcon." Siya narin mismo ang sumagot dito. Bigla siyang napaisip, parang meron din siyang isang bagong kakilala na ang apelyido ay Alarcon din.

"By the way pare, sino naman yung chicks mong kasama sa CR kanina ha?" biglang tanong ni Paul.

"Uy di ko alam na may bagong chickas ka ulit Brenan. Kwento ka naman!" mukha pang n,enganyong makinig ang mga coplayers niya na umupo sa bench.

"Pabayaan nyo na nga si Casey. Hindi pa kami."

Tuksuhan naman agad ang tropa. Hinagisan siya ng bola ni Jason. "So Casey ang pangalan niya, at hindi pa kayo. Hehe..."

Bigla niyang iniba ang usapan. "Ahm...mga pare...ahm alam nyo ba kung anong tawag sa lalaking may gusto sa lalaki?"

Sabay namang nagkomento ang mga coplayers niya," Bading. Bakla. Shoklaah! Tsaroot!"

"Eh.. ang lalaking may gusto sa lalaki.. at.. sa.. babae?"

"Ah... double blade.. Lihis. Dugong Bughaw. Brokeback valley."

"Masama yan pare.."

"Tranvestite..."

"At nakakatakot.. yikes!"

Oh hell! Now I'm torn between liking a girl in Casey and in a guy in Macky...

Humalukipkip ang mga kasama niya sa bench. "Sino bang kaibigan mo ang nagpapatanong sa'yo nyan? Bakla ba? O lihis?"

"H-ha? Ah..Ah—

"Kilala ba namin?"

Mabilis pa siya sa alas sinkong tumayo sabay sagot, "Di Ah! Ahh..sege na umuwi na nga tayo." At inunahan na nya ang mga ito sa paglakad, afraid if they'll ask again. Hell, papano pa pag nalaman nilang ang tinutukoy niyang lalaki ay siya mismo!

"Kita mo tong si Brenan, ayaw sabihin. Baka kasi isa sa mga katropa natin dito sa team diba?"

"Uy sobra ka naman, walang baklang basketball players. Baka sa department nya yun. Tara na nga!"

This Girl's In Love With You PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon