Chapter 8

25 2 0
                                    



"I...AH...ahm..." halos di magkandatuto ang dalawa sa pagsasalita. Magkalayo na sila ngayon ni Brenan at siya naman ngayon ay hawak hawak ang nakabalabal na tuwalya sa kanyang katawan. Pero hindi naman galit o namamangha ang mukha ng mga ito kungdi parang natatawa.

"Wag na kayong magdahilan, okay lang sa amin." Nakatawang saad ni Coreen.

"We're actually expecting that sa inyo, kaya wag na kayong magpakafeel na parang walang nangyayari." Nakapamewang na saad ni Drana.

"P-pasensya na girls, eh nasa ganung moments nyo kami naabutan. Eh kasi..kami na ngayon eh." Nahihiyang bukas ni Casey.

"As in? As in – you mean, kayo na talaga?!" sabay sabay ang tatlo, nakatawa.

"Yeah. We just become an item now. Officially." It was the smiling Brenan to confirm it.

"Oheemmmgeee!" nagsipaglundagan ang tatlo ang dumeretso para yakapin siya, tuwang tuwa.

Pero ilang sandali pa ay nakita naman ni Casey na ang baklang si Drana ay hindi naman sa kanya nakayakap kundi kang Brenan.

"Hoy Drana! Boyfriend ko yan!"

"Ay sorry! Akala ko ba eh yakap mode tayo, niyayakap ko lang siya hehe.."

"That's fine baby, nagseselos ka naman kaagad. "natatawang saad ni Brenan.

Ilang minuto pa ay natatawa na silang nag-usap. Kinukulit ng mga ito si Brenan sa mga nangyari these past few weeks. Habang nag-uusap naman ang tatlo ay nagmamadali namang nagbihis si Casey. In a few minutes ay bumalik siya sa mga ito.

"By the way Casey, before we forget it, may dapat ka nga palang malaman."

'Natigilan si Casey sa nasabi ni Keila. Sumusog naman ang dalawa pa.

"Yeah girl, kaya nagmamadali kaming pumunta dito agad. Hindi lang namin nasabi kaagad kasi nga ay iba ang naabutan namin sa inyong dalawa."

"What? What is it? Tell me."

"Is it something horrible?" nagtataka na ring nakisali si Brenan.

"Well, depende kung papano mo ito matatanggap Case."

"Ano nga?"

Nagkatinginan muna ang tatlo bago muling nagsalita.

"Ikaw ang gagawing candidate ng university ninyo para sa upcoming Inter Collegiate Beauty Competition."

Nanlalaki ang mga mata ni Casey sa narinig. She opened her mouth but can't seem to find any word to say. Si Brenan ang nagsalita.

"Really? Wow that's nice!"

"It isn't nice! And by God...it's..it's the most horrible news I've heard today!!!" nangigilalas na ngayon si Casey. Palakad lakad na siya sa room habang kagat ang kuko. Ganito si siya kapag tense. Mabilis niyang binalikan ang tatlo para tanungin ulit. "Tell me, you're just joking right?" nakatawa na siya ngayon.

But the three didn't laugh. "It's true, Case. Nasa poste na nga sa labas ng SJU ang pangalan mo doon. At nang tanungin namin ang isa sa naglalagay ng posters tungkol doon na isa pa lang SSC officers ninyo, ang sabi lang ay ikaw nga daw ang magrerepresent as recommended by the reigning queen who can't do her role due to her physical inabilities."

"And who would that be?" nagtataka niyang tanong.

Si Brenan ang biglang sumabat. "Bridgette."

"Oh My God! Yun ba ang sinabi mong babaeng nakaaway mo last 2 weeks ago? Oh my...so she wants some kind of revenge. Gusto ka niyang mapahiya!"

"At Casey, nakalagay sa posters na merong talent competition for the representative and that's gonna be this weekend already." Dagdag pa ni Coreen. Halata namang di nagsasalita si Drana, nakatingin lang ito sa kanya na parang may iniimagine.

This Girl's In Love With You PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon