Chapter 9

93 4 0
                                    

Mack Pov

Tumunog ang bell hudyat para lunch break na agad namang nag ingay ang iba sa narinig. Pero kaming anim hindi parin gumalaw sa mga inuupuan namin.

"Okay students pass your papers so that you can take your lunch!" Sabi ni miss at iniisa isang kinolekta ang mga papel namin.

"Mamayang hapun nyo malalaman kung ilang ang mga score nyo!" Sabi nito matapos makolekta lahat ang mga papel.

"Pwede na ba kaming lumabas?"

"Go ahead,class dismiss!" Nagsitakbuhan naman ang lahat except us nakakapagod tumayo

"What are you still doing? Wala ba kayong balak lumabas?" Napatingin kami sa kanya

"Later miss!"saad ni gab pero hindi na sumagot si miss dahil tuluyan na itong lumabas.

"I'm sure perfect ang score ko mamaya!" Masayang sabi ni nix na ikinahampas ni turn sa mesa nagulat tuloy kami sa ginawa nya.

"Ang kapal naman ng mukha mo!eh sa akin ka kaya kumopya ng sagot!" Sigaw nito na ikinainis naman ni nix.

"Wow! Hiyang hiya naman ako sa papel mo na puro formula lang ang laman!" Sagot nito na lalong ikinainis ni turn.

"Ang kapal kapal mo talaga--"

"Pwede ba tigilan nyo na nga yan! Pareho lang naman kayong nangopya sa akin. Ako ang source baka nakakalimutan nyo!" Mayabang na sabi ni eron dahilan para tingnan sya nang masama ng dalawa.

"Isa kapa!nagpapakopya nga mali mali naman ang mga sagot!" Sabay pa nasabi ng dalawa.Napailing nalang ako sa mga inasal nila, acting like a child again.

"Let's eat lunch!" Malamig na sabi ni knight kaya tumayo naman kami agad at sumunod sa kanya.

"Mabuti naman dahil kanina pa ako nagugutom sa bangayan ng dalawang ito!" Sabi ni gab at iniwan kami matakaw talaga ang taong yun.

"Mack have you seen Anika yesterday?" Biglang tanong ni eron sa akin na ikinailing ko.

"Nope,why?"

"Parang absent rin sya ngayon. I think may masamang nangyari sa kanya. Baka hindi parin makaget over na hiniwalayan ko sya!" Sabi nito dahilan para batukan ko sya.

"Aray! Bat mo ginawa yun?"

"Ang playboy mo kasi,ang dami mo ng babaeng pinaiyak. Kaya tigil tigilan mo yang kalukuhan mo baka makarma ka!" Pagwawarning ko sa kanya pero ang tsunggoy hindi man lang ako pinakinggan dahil nilampasan lang ako nito.

Nga pala if you are wondering kung may female students ba kaming kaklase ay wala puro mga lalaki lang ang nabibilang sa Black Section. Wala naman kasing mga babae na basag ulo kagaya namin.

"Knight,how was your work in your company?" Tanong ko nang makaupo kami habang si gab na ang nag oorder sa usual meal namin tuwing lunch.

"Doing fine!" Maikling sagot nito haist hindi talaga marunong magkwento ang taong ito sa buhay nya. Minsan lang din itong magsasalita swerte ka kung kausapin at sagutin ka nya.

"by the way,kung gagraduate tayo ano naman ang gagawin natin!" Turn asked na ikinaisip rin namin.

"I dont have choice kundi ang magtrabaho sa kompanya ng daddy ko!" Sabi ni nix na para bang wala na syang iba pang pagpipilian.

Ako naman wala na akong ama.Si ma'am nalang ang natira sa akin at ang gusto nya ay makapagtapos ako ng pag aaral. Dahil sa palagi akong naglalakwatsa palagi nya rin akong pinapagalitan. Ngayon ko lang na realize na masarap para maging estudyante kung magaling magturo ang isang guro and because of miss Xire I want to finish my schooling kahit saang paaralan pa.

"Ako hindi ko pa alam!" Turan ni gab habang bitbit ang mga pagkain namin.

"Nasaan yung akin?" Tanong agad ni eron

"Dalawa lang ang kamay ko kaya kunin mo sa counter ang pagkain mo!" Bulyaw nito

"Ang selfish mo talaga kahit kailan!"

"Ako na nga ang nag order ako pa ngayon ang selfish.Wala na talaga akong masabi sayo eron!" Naiinis na turan ni gab at nilantakan ang pagkain nya. Napailing nalang kami sa ugali nito.

Nang kompleto na ang pagkain namin sa table ay nagsimula na kaming kumain habang hindi alintana ang masamang tingin ng ibang estudyante na nandito.

"Look who's here!" Napaangat kami ng tingin sa narinig namin na boses walang iba kundi ang captain ng basketball si Chad.

"What do you want from us?" Naiinis na tanong ni nix

"May nabalitaan ako na napaamo daw kayo ng bago nyong adviser!" Dagdag pa nito habang may kakaibang ngisi sa labi nito

"Ano naman yun sayo!" Turn said habang napakuyom ang mga kamao nito. Habang tahimik na kumakain si gab at knight. Wala din silang pakialam sa paligid nila ah.

"Wala naman I'm looking forward sa examination day natin!"sabi nito at iniwan kami na nagpipigil ng galit.

"Ang yabang talaga ng taong yun!" Wala sa sariling sabi ni eron at uminom ng tubig.

"Let's forget him, eat faster malapit na magsimula ang afternoon class!" Normal kong sabi na ikinasang ayon naman nila.

Maybe for now, let's take it easy..

Lovelots

Black SectionWhere stories live. Discover now