Chapter 5 Paglimot kuno

8 0 0
                                    

Tapos na ang laban at mga training so kailangan ko na ring harapin ang buhay bilang isang guro sa loob ng isang linggo...
Pagkatapos noon ay umattend naman ng cliniquing of school paper sa Batangas. Limang araw na pakikipagbuno sa harap ng mga judges at trainors.
Siyempre nandoon si Mr. Kayumanggi na nang mga oras na iyon ay napagdesisyunan ko na na kalimutan na ang paghanga ko sa kaniya.
Focus... Focus... Focus... Iyak... Tampo... At siyempre hindi nawawala ang tawanan biruan sa loob ng room. Masaya kami dun at medyo nakakamove on na ko sa feelings ko sa kanya.
Ewan ko ba talaga yatang mapagbiro ang tadhana. Kung kailan nakapagdecide na ako na kalimutan na lang lahat ng ka-feelingerahan ko saka naman pakiramdam ko sinasadya ng pagkakataon na magkita kami.
Lagi sya pumupunta sa room. Biruan pa nga eh kaya sya pumupunta doon para makita ako kasi hindi kami masyado lumalabas sa room. Sa loob kami nagtatrabaho.
Pakiramdam ko nanumbalik lahat ng feelings ko sa kanya ng isang beses pumasok sya sa room eh pinatugtog ng mga kasama ko ang kantang "kailan" ng MYMP. Di ko mapigilan ang saya. Tila ba ako isang teenager na biglang nagblush nang makita sya habang tinutugtog ang kantang iyon.
Wala na. Tuluyan na muling nanumbalik lahat dahil lagi syang lumalapit sa akin.(sobrang feelingera) lang ang peg.
Kahit saang table ako magpunta pakiramdam ko sinusundan nya ako para kausapin.
Nagkaroon pa ako ng time na maka-one on one sya. At take note masaya syang kausap. Kung ano-ano na lang ang kinukuwento nya tapos bigla syang tatawa na minsan nabebenta sa mga kasama ko na sa akin naman ay bentang-benta.
Nakasalubong ko pa nga sya sa lobby at sinabihan nya ako na "meeting tayo maya collab" parang ganito ang narinig ko oh "meeting tayo maya llabco" wahahaha! Oh di ba BALIW lang ang peg?
Isang gabi, masama ang pakiramdam ko magkakasakit ako kaya humiga na lang ako at hindi na nagtrabaho.
Nagulat ako kasi bigla na lamang may pumasok sa room at nagsalita ng 'kumusta na?' Ako kaya tinatanong nya? Hahahaha! Tumingin kasi siya sa akin habang sinasabi iyon. Napabangon naman ako bigla pero siyempre hindi ako sumagot. Pagkatapos nya magtanong at makita ako umalis na rin sya. Pakiramdam knga bigla nawala sakit ko.
Nang mga sumunod na araw nag-stay talaga sya nang matagal sa room at siyempre ako naman masaya kasi nandon sya habang nagtatrabaho kami.
Hanggang sa matapos na ang araw ng cliniquing at syempre nalulungkot ako kasi hindi ko na siya makikita. Pero matagal-tagal din bago kami nakauwi kasi hindi sya agad pumirma sa clearance.
Medyo pinatagal pa nga niya (feeling ko na naman). Nakipagkwentuhan muna sya sa akin tungkol sa pag-aaral nya at sa trabaho nya.
Tapos ayun nga picture-picture hanggang sa tuluyan na nga kaming umuwi.😂😂😂💔💔💔

PBB Teens...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon