Chapter 3 Ang lahat ng ito ay feeling ko lang din

18 0 0
                                    

Matapos ang ilang buwan ng kahibangan back to normal na ulit ang buhay ng lola nyo... Turo, uwi, pasok...
Kain tulog fb at siyempre hindi nawawala sa routine ko ang pagbisita sa wall niya... Bihira naman sya magonline dahil alam ko na busy sya sa work nya... Siya rin yung taong hindi alam ang word na Pahinga.
Minsan nililike nya rin ang mga post at picture ko at siyempre ako naman tuwang tuwa hahahaha at kilig na kilig...
Sobrang bilis ng panahon kaya siyempre excited na ulit ako kasi malapit ko na naman siyang makita... Pero siyempre bago ang saya dapat maghirap muna. Tinutukan ko muna ang training ng mga journalist ko dahil kailangan naming manalo. ( i accept the challenge given by our supervisor-to beat the last champ).
Para lalo kaming ganahan siyempre siya ang naging inspirasyon ko sa araw araw naming pagtitiis ng hirap, init pagod gutom na nararanasan kapag nagtitraining.
Dumating na ang contest
ng individual writers subalit laking pagkadismaya ko dahil akala ko siya ang magjujudge ng sports writing... Naghintay at nag-stay pa naman ako sa covered court para makita sya subalit di ko nakita ni anino niya.
Still hindi ako sumuko... May group contest pa kaya nabuhayan ako ng pag-asa.
At hindi naman ako nabigo. Parang magigiba ang dibdib ko sa lakas ng kabog nang makita ko ang isang pamilyar na bulto.. Hindi ko nga napigilan ang ngiti sa aking mga labi sabay bigkas ng word na ito OMG!
Pakiramdam ko lagi siyang nakatingin sa akin wahahaha!
May nagbago sa kaniya... Bakit kulay blue ang suot niya? Dati rati kulay red ang paborito niya isuot...
Nagkaroon na ako ng pagkakataon na makita sya kaya nilubos ko na. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya... Pinakatitigan ko talaga siya... Doon ko rin napansin na medyo pumayat siya na lalong nagpalakas ng pagiging masculine nya... (Sa paningin ko lang iyan ha?)
Pagkatapos ng group contest siyempre awarding na...
Wala na siya noon... Hindi na sila um-attend sa awarding... Pero hindi naman ako nalungkot dahil overall champion kami...
Ang masaya pa dito after ng Contest may training ulit kami at isa siya sa mga speakers na nagpaligaya na naman sa aking puso.
Ikatatlong araw ng training saka lang siya nagtalk sa amin... Napaaga pa nga eh dapat hapon pa siya kaya lang nagulat ako pagtingin ko sa pinto siya ang nakita ko... Pakiramdam ko nga uminit bigla ang paligid kahit malakas ang aircon... At lalong nagpadagdag sa tense ko ang panloloko ng mga kaibigan ko na pilit kunwaring kinikilig... Nakakainis nga kasi nakakahalata na ata siya.
Siyempre nag-umpisa na siya magsalita at ayun narinig ko na naman ang boses niya (na para sa akin ay musika bwahahaha)
At ako naman siyempre active-active-an hahaha papansin in short... Nagtatanong ako(kahit alam ko na ang sagot) hehehe pero sinasagot pa rin niya ako.
Tinititigan ko pa rin siya sa buong kalahating araw na pagsasalita niya sa unahan. At in fairness anlaki ng pinagbago niya sa pagsasalita... Hindi na siya nakakaantok katulad ng dati.
Na-conscious ata siya dahil panay ang picture namin sa mga slides nya kaya sabi niya ibibigay na lang niya yung copy sa isang spa at kumopya na lang kami...
Pagkatapos ng lecture niya lumapit ako at nagtanong tungkol sa mga bagay na hindi pa ako nalilinawan at siyempre nasagot nya naman ako.
Eto pa ang sobrang nagpakilig sa feelingera ninyong lola. Sa dinami rami namin dun ako ang tinawag niya para pagbilinan ng flashdrive na pinagsave-an niya ng files ng lecture nya.
Ako naman talagang feeling na feeling hahaha alam nyo na yun...
Umalis na siya pagkatapos kumain para sa kabila naman siya maglecture.
Akala ko di na siya babalik pero laking gulat ko noong hapon bumalik siya at nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makapagpapicture ulit sa kanya... At eto pa magkapareho kami ng kulay ng shirt (parang couple shirt) lang hahaha...
Para na naman akong nakalutang sa alapaap... At sa tuwing malulungkot ako tinitignan ko lang yung picture namin at yun naboboost na naman ang aking inspirasyon... Ginagawa ko pa nga syang wallpaper ng ipad ko... Ehem!

Abangan niyo ang ikaapat na kabanata ng istorya kong ito... Istoryang walang patutunguhan at lahat ng ito ay feeling ko lang...

PBB Teens...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon