Di ko alam sobra yatang adik lang ako. Gusto kong baguhin ang mundo! Gusto kong ibalik ang kahapon! Iyong mabubuhay ako sa sarili kong kagustuhan at sa pamamaraang gusto ko.
Gustong gusto kong makarating sa lugar kung saan maaring nandoon siya at magkaroon ng pag-asang muling magsasanga ang mga landas namin. ( katangahan, feelingera, assuming, hoping)...
hiniling ko talaga kay Lord na mapasama ako, kami sa list ng mga kasama sa contest dahil sa kagustuhan kong makita sya ulit. dininig naman niya ang panalangin ko at naaprubahan kami...
ansaya-saya ko at talagang sobrang excited nang umalis. Binibilang at gusto ko nang hilahin ang oras at mga araw para makapunta na.
naaalala ko pang nabanggit niya na baka raw nandoon siya kaya ako naman umasa. Pero nadismaya ako kasi hindi ko siya nakita dun.
andami dami naming naging experiences ng mga kasama ko doon at talaga namang hindi mapapalitan ng salapi ang bawat gutom, init, pawis, pagod na pinalitan ng sobrang ckaligayahan dahil sa nakamit naming mga karangalan.
Sa kabila nang kasiyahang nararamdaman ko noon hindi pa rin nawala ang pagkadismaya at lungkot na nadama ko.
Ibinalita ko sa kanya ang pagkakapanalo namin sa pamamagitan ng text messages at halos tumalon ang puso ko nang magresponse sya at bumati ng congratulations!!! Nagtagal din ang palitan namin ng mga mensahe at ang feelingera ninyong lola ay kilig na kilig naman nang mga oras na iyon lalo na't sa huling bahagi ng kanyang mensahe ay may nakalagay na smileys... Yung ganito oh :-)
Siyempre hindi ko pinapahalata sa mga kasama ko na masayang masaya na ako dahil magkatext kami (may konti pa naman akong natitirang hiya hehehe!)
Sumunod na araw pauwi na kami, habang nasa bus kami pauwi ay nakatanggap muli ako ng mensahe sa kanya... Itinatanong niya kung ano-ano pa ang nakuha naming awards na sinagot ko rin naman.
Uuwi akong maligayang-maligaya ang puso dahil sa mga natanggap naming karangalan.. At higit sa lahat dahil sa napakasayang karanasan ko sa lugar na iyon kung saan nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya kahit sa text messages lang. masaya na ako roon at babaunin ko na may ngiti sa mga labi ang lahat ng ito hanggang sa muli naming pagkikita.It's a heartache, nothing but a heartache....
Relate na relate ako sa musikang naririnig sa aking radyo. At sa totoo lamang tamang-tamang naglog-in ako sa fb account ko... sobrang sakit (kahit wala naman akong karapatang makaramdam ng damdaming iyon dahil wala naman talaga). Alam mo kung bakit? Bumalandra kasi sa wall ko ang picture ng very loving at charming na picture ng husband and wife... (Siya yon. May asawa na siya) at isa ito sa mga katanungan ko sa buhay kung bakit ngayon ko lang siya nakilala (assuming na pareho kami ng nararamdaman) hahaha! Huhuhu! Naging themesong ko tuloy sa mga araw na ito ang awitin ni OGie Alcasid na Bakit Ngayon ka lang... Hehehe
BINABASA MO ANG
PBB Teens...
Truyện NgắnThis story is just my past time whenever there are trainings i've attended... I called this one as my inspiration... Why PBB teens? Just read and you will know...