Medyo malungkot ang kabanatang ito kasi may nalaman ako ayon sa sinasabi ng baraha ng aking buhay.
Unang araw ng training siyempre excited dahil makikita ko na ulit sya.
Malungkot kasi hindi ako ang nakatoka sa room kung saan sya ang magtitrain ng mga bagets namin.
Pero okay lang kasi may time naman ako para sumilip (hehehe) pag gusto marami talagang paraan.
Sa library ang room nila sa kabilang building at kami naman ay sa fourth floor ng main building... Ang hirap magpanhik-panaog pero kailangan eh hehehehe. Wala ako inspirasyon.
First attempt ko pumunta sa lecture room. Nakasara yung sliding door siyempre sumilip muna ako. Nakita ko pareho na naman kami ng color ng jacket... Kulay gray hmmmn... Di na tuloy ako tumuloy kasi katakot takot na panunukso na naman aabutin ko sa mga kasama ko na nandon sa loob. Sa madaling salita hindi kami nagkita sa unang araw.
Second attempt. Ayun nung papasok na ko Nagtama paningin namin at nakita ko ngumiti sya sa akin at parang may sinasabi na hindi ko naman mawawaan.
Yung mga kasama nya sa loob nakatingin lahat sa akin. Nakangisi at ang mga tingin nanunudyo... Waaah gusto ko na ulit umalis pero huli na nakita nya na'ko.
Hayaan na nga masaya na rin naman ako kasi nagkita na kami... Umaatake na naman kasi ang pagkafeelingera ko hahaha.
Every morning sa taas ako nag-istay at kapag hapon dun sa baba. Ganun pa rin. Masaya parang ganito 😄😄😄
Minsan daw kapag masaya ang tao may kapalit na lungkot pagkatapos.
Na-pressure yata ang mga bata sa training. Nagkagulo sila. Nagkaroon ng komosyon. Nagkaroon ng tampuhan. At dumating pa sa punto na gusto na nila umuwi.
Hindi ko naman malaman ang gagawin ko kasi may nagtrigger sa kanila para maging mga agresibo at emosyonal. Apektado kasi ang mga grades nila.
Nagkaharap-harap. Open forum. Naglabas ng lahat ng mga hinanakit sa buhay. Mabuti na lamang at may kasama kaming mahusay na mediator. I salute you Sir!
Pagkatapos ng mga problemang iyon. Nagkaron kami ng pagkakataong magkausap-usap ng mga kasama ko trainors. At isa sa itinuturing kong malungkot na parte ng buhay ko ang gabing iyon. Inilabas ng isa sa mga kasama ko ang kaniyang tarot card... At sa madaling salita nagkaron din kami ng chance na malaman ang mga tadhana namin na nakasulat sa mga card na iyon. Malungkot kasi sabi sa card wala syang feelings para sa akin hahahaha (charot feeling teenager-kaya nga PBB teens eh hehehe)
May kirot kasi mula pa naman nung una alam ko na yun. At talagang imposible namang mangyari yun. Hahaha lahat naman talaga ay feeling ko lang.
Last night. Nakausap namin sya. Pumunta talaga sya sa billeting quarter namin para kausapin kami (ang totoo nakisali lang ako dun hahaha). Humingi sya ng mga suggestions from us kung ano magandang gawin at pwede idagdag sa training kasi talagang desidido ang lahat na maidefend ang title sa national.
Tumagal din ang usapan hanggang abutin na kami ng hatinggabi. May kapilyahan pa nga ako ginawa noong gabing yun. Kinuha ko yung plastic cup na ginamit nya nung uminom sya ng tubig (na hanggang ngayon ay nasa akin pa (4/29/2015)
Last day. Nagstay ako sa training room. Nagkakausap kami. Nagkakatabi sa upuan pero wala na yung dating excitement kasi naniwala talaga ako sa sinasabi nung tarot card sa akin.
Nagdesisyon na rin ako na ihinto ang kahibangan ko. (Hahaha hibang talaga?) tutal matagal na panahon pa rin ang dadaan para magkita kami uli. (Puro lang naman ako tigil na to hehehehe)
Hanggang dumating ang national contest. Wagi ang rehiyon namin. Three-peat!
Bawat detalye ng panalo nakakarating sa kaniya. Pano? Siyempre tinitext ko hehehehe!
Tinawagan nya pa nga ako para i-congratulate. Ihanda na raw ang date ng blow out.
Hanggan dun na lang. Siyempre masaya dahil panalo. Malungkot dahil puputulin ko na ang pagiging feelingera ko.Bahala na pagdating ng panahon na magkita kami ulit.
Basta happy lang.... Walang ENDING...😂😂😂
BINABASA MO ANG
PBB Teens...
Historia CortaThis story is just my past time whenever there are trainings i've attended... I called this one as my inspiration... Why PBB teens? Just read and you will know...