Tulad ng dati.
Kailangang ihanda ang mga batang sasali sa DSPC. Training dito training doon. Pero hindi na katulad ng dati na bakasyon pa lamang ay nagtitraining na kami.
Kailangan umano naming depensahan ang korona na hindi naman talaga namin inasahan na mapapasaamin noong nakaraang taon. Hindi ko pinipressure masyado ang mga bata dahil hindi naman kailangan. Iba noon at iba ngayon.
Dumating ang contest day... Kabado ang lahat pero mas kabado ako hindi dahil lalaban ang mga bata kundi iyong magiging reaksyon ko kapag muli kong nakita si Mr. kayumanggi.
At alam ko naman na hindi ako mabibigong makita siya dahil siya ang tatayong judge para sa contest ng collaborative publishing...
Dumating nga siya at hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pag-akbay sa akin nang hindi ko namamalayan. Nagulat na lang ako dahil mula sa aking likuran may nagsalita "Kumusta po?"
Simpleng gesture ng isang kakilala na nakakita ng kakilala din. Natural lang na reaksyon pero para sa akin (na lihim pa ring humahanga..) lihim pa nga ba? ay isang nakakakilig na ginawa niya sa tanang buhay na magkakilala kami...antagal nun ah! Marahil ay wala lang sa kaniya pero sa akin talagang napaigtad ako sa ginawa niyang pag-akbay sa akin.
Nagkumustahan lang kami dahil pahapon na rin iyon at patapos na rin ang contest.
Saglit lang pero ang katumbas noin sa akin ay sanlaksang kaligayahan...
Daig ko pa ang isang 'fangirl'Maiksi lang to kasi limited lang yung time ng aming pagkikita... Sadlife
BINABASA MO ANG
PBB Teens...
Short StoryThis story is just my past time whenever there are trainings i've attended... I called this one as my inspiration... Why PBB teens? Just read and you will know...