Chapter 4 Sobrang Feelingera Talaga

24 0 2
                                    

Training...
Nakakalungkot dahil hindi nirequired na magstay in ang mga advisers sa training na ito puwera na lang kung may mga speakers...
Mabuti na lamang at araw-araw mayroong speakers kaya araw-araw din ako pumupunta sa training venue para makinig sa kanila.
Inaabangan ko talaga ang araw na si Mr. Kayumanggi na ang speaker at hindi naman talaga ako nabigo.
Third Day
Dumating siya at siyempre ako naman tuwang-tuwa. Excited na kaya ako makita sya.
Maaaaaammmm! Andito na boyfie mo(in your dreams) nakatanggap ako ng text message mula sa estudyante ko...
Ako naman tugudug tugudug.... At wala akong sinayang na panahon agad ako nagpunta sa lugar kung saan sya nglilecture.
Pagdating ko sa room siyempre assuming na naman ako at tila baga ako pumasok na naman sa pantasyang ako lamang at siya ang nabubuhay.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga ngiti sa labi nya nang pumasok ako sa training venue (assuming lang). Ako naman tila nakalutang sa ulap...
Umupo ako sa silya para makinig sa mga sinasabi niya na dati ay naghahatid ng antok kapag nanunuot sa aking mga pandinig. Ngayon tila baga musikang kapag pumasok sa kaibuturan ng aking mga tainga ay ligaya ang hatid sa aking puso.
BREAKTIME
Siyempre kunwari nagmiryenda ako. Pagbalik ko nasa labas pa rin sila at tumuloy na ako sa venue. Di ako agad nakapasok dahil kinausap ako ng isa sa mga estudyante ko at siyempre iisa lang ang topic namin... Yung boyfriend ko sa panaginip.
Pagsulyap ko sa lugar kung saan sila nakaupo nakita ko tumayo na siya at lumakad patungo sa kinaroroonan ko, namin...
Pagtapat niya sa may pinto bigla siyang nagsalita, "Maam may naghahanap po sa inyo".
Siyempre ako naman kinilig sa boses ni Mr. Kayumanggi. "Po? Sino po sir?" "Wala naman po eh".
Nakakatunaw naman ang ngiti nya... Yung paligid parang kami lang dalawa ang nandoon...
Iniisip ko sinadya nya talagang sabihin sa akin yun para magpapapansin sa akin (hehehe assuming uli)
Para makasiguro nagtanong talaga ako sa mga nandoroon kung may naghanap nga ba sa akin... (Wala naman daw) kaya ako sobrang saya ko nang araw na iyon.l. Masaya akong umuwi ng bahay. Daily routine ko na rin ang tignan ang fb account nya at tignan ang mga pictures nya... In-email ko pa nga yung mga solo pictures nya sa kaniya na nakasave sa laptop ko.
Akala ko uuwi magi-stay pa rin siya doon ng sumunod na araw subalit nagkamali ako(huhuhu)
Nalungkot talaga ako kasi nag-overtime sila ng training at umuwi na siya ng alas onse ng gabi. Pero okay lang kasi nalaman ko na wala naman talaga naghanap sa akin... (Alam na this)

PBB Teens...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon