Chapter 9 Epic na screensaver

0 0 0
                                    

Excited kasi ang akala ko na kaya kong tigilan habang tumatagal lalo na palang lumalalim...
Dumating ang araw ng training kaya ako na ito na naman ang araw kung saan maligaya ang aking puso...
Dumating na ang aking Mr. Kayumanggi at katulad ng dati... Nangumusta. At sa tuwing makikita ko na siya grabe talaga diko maexplain kapag ngumingiti at maririnig ko ang tawa niya na para sa iba ay hindi bagay sa kaniyang laki perosa akin Lord! Musika men! Musika!
Itoyungmga panahon nasobrang pressure ako kasi wala na ako tagalayout ng dyaryo. Samakatuwid sariling sikap na ako sa paglilayout. Siyempre siya yung nagpapalakas ng loob at feeling ko nga gusto nya ako tulungan maglayout. Siyempre hindi ako papayag... Nakakahiya kaya ihhhhhhhhhh....
Ito rin yung time na nagkatampuhan kami ng dati kong layout artist kaya masyado talaga ako depressed kasi parang anak na ang turing ko sa kaniya at feeling ko siya yung anak ko na naliligaw na ng landas... Anak na maraming gustong mapatunayan at minsan nakakalimutan na ang rumespeto ng nakatatanda sa kaniya. Pero siyempre hindi ko yun dapat tingnan dun. Ang dapat isipin ko kahit napasama ang loob ko ay kung paano ko siya matutulungan na makabalik sa dating siya.
Kinumusta rin ni Kayumanggi ang lagay ng relasyon ko sa anak-anakan kong ito at siyempre sinabi ko na okay na kami kahit medyo pa lang. Nagkausap naman talaga kami ng batang iyon at medyo nagkalinawan na sa mga bagay-bagay.
Binibiro niya pa nga ako na kumusta ka raw ni ano.. Ganito ganyan..
Pacute siyempre... Kunwari di ako naniniwala...
At dahil dun nagpakita pa siya ng pruweba. May ipinakita siya text message galing sa anak anakan ko....
Atyun ang malaki kong pagkakamali na tingnan ang scree ng cellphone niya na ipinapakita niya talaga sa akin.
Iba yung nakita ko. Hindi yung message kundi picturenilangmag-asawa noong ikinasal sila nito. Antagal ko nga tiningnan. Bigla pa nga akong parang nagising napg magsalita siya at ituro niya mismo yung mensahe galing sa anak ko.
"Etooh! San ka ba nakatingin? Etonga!" Medyo napahiya pa nga ako kasi hindi ako dun nakatingin kundi dun sa screensaver...
Nasaktan ang lola nyo siyempre... Ikaw ba naman... Hayssss!
Siyempre kahit naman masaktan pa ako ng masaktan wala naman talaga ako karapatan. Isa lamang akong hamak na assuming na feelingera na eng-eng...
Wala talaga ako magagawa kundi ienjoy ang tatlong araw na pananatili nya dun. Tingnan siya kapag di siya nakatingin...kuwentuhin kahit di niya gustuhin.
Tuwing break amo siyempre at yung isa ko pa kasama ang nag-aassist kung ano mga kailangan niya... Sasamahan sa pagkain.... At pakiramdam ko minsan pag kami lang dalawa eh naiilang talaga siya sa akin. Feeling ko nga alam niya na eh...
Parang nga....minsan kasi yung mga kasama ko kapag dumarating siya may pasiko-sikompang nalalaman. Minsan sinisipa ang paa ko kapag magkakaharap kami sa table... Nagtitinginan at ngingiti at sabay-sabay titingin sa akin. Hindi naman siguro siya manhid...
Iyong last activity ang masaya kasi nakisama siya sa mga bata. Siya ang namuno sa pagbuo ng jingle na ipipresent sa closing ceremony ng training...
Sumayaw at kumanta rin siya. At siyempre ako naman masaya kasi medyo close na naman ako feeling ko sa kaniya.
At ang epic screensaver na yun ay bahagya ko ng kinalimutan kasi nga di ba? Wala akong karapatan.

PBB Teens...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon