Heto na naman tayo. Nakailang promise na ako na kakalimutan na kasi yun ang nararapat. Itigil na ang pagiging assuming... Pero siyempre choss lang yun.
Nagkaroon muli ng cliniquing para sa mga school paper na lumusot sa region. At ako kunwari hindi excited. Hindi nga talaga kasi sabi kona nga ititigil ko na. Totoo yan wag kayong ano...
Weh nilunok lang ulit lahat ng sinabi at yun nga ng makita nagtigitigidig na naman si heart heart...
Wala rin ako plano lapitan siya. Tsina-challenge pa nga ako ng kga kasamakokasi hindi raw ako makakatiis. Nakipag-deal pa nga ako eh... At paninindigan ko na sana... Kundi lang niya ako tinawagan
Nagulat ako kasi nagrirong ang aking telepono. Pagtingin ko pangalan niya yung nagappear.
Matagal bago ko sinagot. Nagtataka kasi ako bakit siya tumatawag eh kararating nya lang nun... Ako naman si assuming pa rin. Aba namiss nya ako hahaha!
Pero pagsagot ko ng phone, boses ng babae ang narinig ko. Natigilan ako bigla kasi bakit babae ang boses niya. Siyempre kinabahan ako kasi malamang misis niya tumatawag at di nga ako nagkamali.
Hinahanap siya. Tinatanong kung nakita ko raw ba... Sabi ko naman nakita kona siya pero di ko alam kung nasaan... Sabi niya pagnakita ko raw pakisabi na nasa kaniya ang phone niya dahil naiwan niya sa bahay...
OMG kala ko kung ano na!
Siyempre, hinanap kahit na nangako na ako na hindi ko na siya lalapitan at titigilan na ang aking kalokohan.
Nagcall back pa nga ako at ipinakausap...
Siyempre katuladng dati... Komento dito, komento doon ano mga dapat baguhin..kakapakinig naiwan ako ng mga kasama sa pag-uwi at hinintay na lang din siya umuwi.
Oh? Assuming ka rin noh? Di ako sumabay umuwi noh! Hahaha
Hinintay ko lang yung kaibigan kong trainor na matapos ng pakikipag-usap sa kaniya at nagkasya na lang ako sa pagtingin...pasulyap-sulyap hanggang sa. Umuwi na nga kami...
Ito rin... Medyo busy kasi ang lahat ng mga panahong ito...
☺️☺️☺️
BINABASA MO ANG
PBB Teens...
ContoThis story is just my past time whenever there are trainings i've attended... I called this one as my inspiration... Why PBB teens? Just read and you will know...