Epilogue

376 31 1
                                    

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap."
 
Natigil ako sa akmang pag-akyat sa hagdan nang marinig ko ang pamilyar na mahinhin at banayad na boses ng kapatid ko. Maria Victorina Atienza. I keep calling her name in my mind. Ngumiti ako nang lapitan ko siya. Marahan ang naging haplos ko sa kanyang tiyan nang makalapit ako. Mas malaki na ito ngayon dahil kabuwanan na niya. I got shocked when I felt something in it kick. Napalayo ang kamay ko sa kanya sa gulat.
 
"God, she recognizes you," Victorina chuckled.
 
Madalas kasing mangyari ang ganito. Sa akin siya naglilihi kaya madalas kung pumunta siya rito sa bahay para bisitahin ako.
 
"Sinong kasama mong pumunta rito? You should have told me that you were going to visit again. Hindi tuloy ako nakapaghanda," sabi ko. "At pwede bang, 'wag ka nang masyadong maglakad-lakad. You will give birth anytime soon. Just stay at home. Baka mapano pa ang baby mo."
 
"You're overreacting, Ate. I'm fine. Payo rin ni Isidora na dapat maglakad-lakad ako para hindi ako mahirapang ilabas ang baby ko."
 
Natawa ako sa kakulitan niya. She looks so fine, like a fine wine that never gets old. Tila pa siya dalaga kahit ilan na ang anak niya. 
 
She has this very fair skin that glows from everyone. Her beauty always stands out because of her soft feature. Akala mo kailanma'y 'di makababasag ng pinggan. She's like a goddess of beauty. Her hair is long and curled, just like her long lashes, which are naturally curled. Her sable color and downturned pair of eyes scream her gentleness. It shows emotions that speak for themselves. Matangos ang kanyang ilong na bumabagay sa nipis ng kanyang labi. Her lips are cherry red, which, when you look at them, surely attract. 
 
Her beauty is alluring. Perhaps it's the reason why Kairo Bellariva, my ex-fiancé and now her husband, chooses her over me. 
 
Ilang taon na rin ang nakalipas. Umabot na nang higit na dekada, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makalimot. Tingin ko, kailanman ay hindi ko na malilimutan ang lahat ng iyon. Masyadong malalim ang sugat, kaya mahirap din iyong hilumin. Time isn't enough to heal a scar. Those scars were now dressed like tattoos. It becomes a permanent mark on my body.
 
Gustong-gusto kong saktan ang kapatid ko. Gusto kong itanong kung bakit niya ako nagawang traydurin? She's aware that Kairo is my lover. And that bastard! He cheated on me with my sister. His love for me is superficial. Masyadong madaling palitan, kahit gaano pa kalalim. 
 
"Takot ka pa ring manganak? It's your sixth child."
 
Kahit sinabi ko ito sa mahinahon na paraan, halata ko pa ring naapektuhan doon si Victorina. Her eyes widened a bit. She looked away from me, unable to meet my gaze. 
 
That's always the reaction she's giving me whenever I unconsciously mention something related to her sons. Gustong-gusto ko iyon. Gustong-gusto kong makita kung paano siya ma-guilty sa pag-angkin sa anak ko. Sa pag-angkin sa lalaking dapat ay asawa ko. Sa pamilyang dapat ay sa akin. This is what betrayal feels like. It feels like hell. It tastes bittersweet. Especially because it came from someone who's also precious to you.
 
I always wonder. Did she even feel her heart broken when she saw me crying that day? Did she cry too? Is she even hurt that she's the reason why I'm living with regret? Even just once, did she ever think of apologizing for everything she'd done?
 
How could she be this nice to me in spite of the evilness she did?
 
"She's beautiful. She looks just like you."
 
Hinayaan ni Victorina na kargahin ko ang anak niya. Eva Bellariva. I keep calling her name in my mind. Marahan ang naging dampi ng daliri ko sa kanyang pisngi. She looks like an angel sent from above. Napakaliit at wala man lang bigat. 
 
I kissed her hand. It was too quick. I'm afraid I might make her cry. She's sleeping peacefully. Ayokong magising siya, kaya kahit gusto ko pa sana siyang kargahin nang mas matagal ay pinili kong ibigay na siya kay Kairo. 
 
Nagpaalam ako kay Victorina na aalis na. She's lying on the bed to rest. She's too weak to move. Dala ng pagod sa panganganak ang panghihina niya. Tango lang ang naging tugon niya sa pamamaalam ko. I just came to visit her daughter. Wala akong balak na makipagpalitan sa asawa niya para bantayan siya.
 
Pag-uwi ko sa bahay na tinutuluyan ko, nadatnan ko roon ang isa ko pang kapatid. Madison Atienza. I was calling her name in my mind. Nang lapitan ko siya, agad lumagapak sa aking pisngi ang pareho niyang palad. Galit na galit ang tingin sa akin ng nanlilisik niyang mga mata.
 
"Don't tell me you're now backing up to our plan?!" sigaw niya.
 
Umayos ako ng pagkakatayo. Inilagay ko sa likod ng aking tainga ang mga hibla ng buhok na tumabon sa aking mukha dahil sa sampal niya. When I returned her gaze with an intense one, she immediately stepped back. Kahit mas matanda siya sa akin, hindi ko siya uurungan.
 
Ilang buwan na rin akong hindi nakikipagkita sa kanya. May parte sa aking gusto pang gumanti kay Victorina, pero mayroon ding nagpipigil. Hindi na kasing buo tulad ng dati ang desisyon ko ngayon.
 
"Magpapakalayo-layo ako. Ayoko na ng gulo. Para na rin sa mga bata, sa mga pamangkin natin. Kapag tinuloy ko ang pag-ganti sa kanila, may mga inosenteng madadamay." Pati ang anak ko, madadamay.
 
Umikot ang mata ni Madison. Hindi nababawasan ang init ng ulo niya. "Stupid! 'Wag mong kalimutan ang mga kawalanghiyaang ginawa nila sayo! Victorina is living your supposed to be life! Habang buhay ka na lang bang magtatanim ng inggit sa kanya?!"
 
"Galit ang nararamdaman ko, Madi. Hindi ako naiinggit," depensa ko. 
 
Siya itong talagang naiinggit sa amin ni Victorina. Madison has the worst attitude among the three of us. Dala na lang siguro ng bugso ng damdamin ko noon, kaya ko nagawang makipagkampihan sa kanya. Magmula nang mamatay ang mga magulang namin, siya na ang namahala sa pera at ari-arian ng aming pamilya. Malupit siya sa aming dalawa ni Victorina. Gusto niyang solohin ang lahat ng aming yaman.
 
We were still young back then. Wala kaming magawa sa gusto niya. Victorina chose to study abroad and leave our house. Ako naman ay piniling lumuwas ng Manila para tapusin ang dalawang taon pang natitira sa kolehiyo. 
 
That's when I met Kairo Bellariva. He's my first love, my first boyfriend, and my first in everything. Everyone can easily fall in love with someone like him. He wasn't just a typical rich, hot, and smart boy when I met him. He has the appeal and attitude that I mostly liked about him. 
 
My relationship with him was intimate. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit siya tumagal sa akin ng limang taon. We're benefiting from each other's warm bodies.
 
Sa lahat ng bagay na ginagawa niya, gusto niyang naroon ako; gusto niyang kasama niya ako. He likes holding my hand. Kissing my hand was his hobby. He likes to bring me flowers at work. He wants my opinion on everything he does. Pero lahat ng iyon, hanggang doon lang. Never, even once, did he respond to my I love you's.
 
When my sister, Victorina, came back from abroad, she decided to live with me. I was living in Kairo's mansion at that time. Hindi ko akalaing iyon na pala ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay. 
 
I was the bridge to their love. Victorina is the big wave that ruined me.
 
"I'm sorry.  Mahal ko siya—"
 
Hindi ko na hinayaan pang matapos si Kairo sa sasabihin niya. Isang sampal ang iniwan ko sa kanyang pisngi. Sunod-sunod ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko sa sobrang galit. Gustong-gusto ko silang saktan, pero wala na akong makapa pang lakas sa katawan ko para gawin 'yon. 
 
Pagod na pagod ako. Pagod na pagod ako sa lahat. Pagod ako sa pagta-trabaho dahil kahit nakatira kami sa iisang bubong ni Kairo, ayokong maging dependent sa pera niya. Pagod na pagod ako sa problema sa pamilya dahil ako ngayon ang nilalapitan ni Madison para humiram ng perang pambayad niya sa utang sa casino. Inubos niya roon lahat ng ari-arian namin. Pagod na pagod ako sa pagintindi kay Kairo. Sa lahat ng kagaguhan niya sa amin ng kapatid ko. Gustong-gusto ko nang sukuan ang lahat. Himala na lang dahil nakakatayo pa rin ako hanggang ngayon.
 
"Mahal ko si Victorina. I can't bear to live without her. I'm sorry.  I'm really sorry.
 
Malakas ko siyang tinulak palayo sa akin nang sumubok siyang yakapin ako. Ibinalibag ko ang mga plato at pagkain na dapat ay hapunan namin ngayon. Gumawa ng ingay ang mga nabasag na plato sa sahig. I covered my face with my hand as my tears started to burst.
 
Lumuhod si Kairo sa harap ko habang lumuluha. Niyakap niya ako sa baywang. I even saw Victorina standing at the door of the dining room, watching us with her guilty eyes.
 
"I'm sorry. Please, patawarin mo ko. Mahal na mahal ko siya. With her, I can clearly see my future. Magpapakasal kami—"
 
"Oh God! Ako ang una mong pinangakuan ng kasal, Kairo!" 
 
It was torture to hear all of that. Hindi ko alam kung paano ko kinaya. I confessed to Kairo that I was pregnant with his child, hoping that it would help to bring him back, but it did not. It didn't stop his desire to marry my sister. Nagpakasal silang dalawa nang hindi ako kinakausap ni Victorina. She never explained. She never talked to me about what happened. She never asked how I was.
 
Basta isang araw, bumalik na lang kami sa dating pakikitungo sa isa't isa. Kairo took our son with him. Wala man lang akong nagawa. Hindi ko man lang nagawang arugain ang anak ko. Hindi man lang niya ako nakilala bilang kanyang ina. Nothing is way more painful than that. I could only wish for Kairo and Victorina to experience all the pain that they inflicted on me. All the damages they caused, I want to return all that to them.
 
I started a plan with my sister, Madison. I want to ruin their family, while Madi is only after their wealth. Dahil kagalit din ni Kairo ang mga kapatid at pinsan niya, kinuha namin ang pagkakataong iyon para kunin silang kakampi.
 
It took us years to implement the plan. Lingid sa kaalaman ko, iba ang planong alam ko sa totoong balak nilang gawin sa dalawa. After I got the baby from Victorina, the car she and Kairo were riding in exploded. That's how they died. It was a horror for me to witness that. 
 
Nagpakalayo-layo ako sa sobrang takot kong madamay. I lived with my friend in Isabela for years. Kahit malayo ako, marami pa rin akong balitang naririnig tungkol sa mga Bellariva. Madison and Kairo's brothers didn't succeed in getting their wealth. It's all because of my son, who stood up as a parent for her brothers at a young age. Siya ang umako sa lahat ng responsibilidad na iniwan ng kanyang ama.
 
Dahil masyadong magulo ang pamilya ng kaibigan ko, napagdesisyunan kong bumalik na sa dating bahay na tinitirahan ko noon kasama si Vienna.
 
Vienna, my daughter. She calms my chaos. 
 
I worked as a maid to support our family. Lahat ng pagmamahal at pag-aarugang hindi ko naibigay sa anak ko, ibinuhos ko iyon lahat kay Vienna. Kahit gaano pa ako kagalit sa mga magulang niya, hindi ko pa rin magawang maatim na pagmalupitan ang isang inosenteng batang kagaya niya.
 
She's the light of my life. Because of her, I found a new hope for living. I did all I could to raise her well. Akala ko, tuluyan nang matatahimik ang buhay ko. Buong akala ko ay wala ng maghahanap pa sa akin, pero nagkamali ako.
 
After years of searching, my son has found me. I have no idea how he found out that I was his biological mother. Masyado kong minaliit ang yaman at kapangyarihang meron siya. 
 
"Mama..."
 
I was about to go inside the gate of our house when I heard the familiar voice of a man behind me. Tumindig ang balahibo ko dahil halos kapareho iyon ng boses ni Kairo. Nang lumingon ako para makita kung sino iyon, nanlambot ang tuhod ko. 
 
The melancholy look in his eyes was longing for a motherly love. I almost didn't recognize Kier because he's way more mature now physically than the last time I saw him. Batang-bata pa siya noon at halos hindi ko na matandaan pa ang itsura. He took a step closer, which I immediately stopped.
 
"Diyan ka lang! Anong gingawa mo rito?" 
 
Kitang-kita ko kung paano dumaan ang sakit sa kanyang mata sa simpleng paninigaw ko. Bagsak ang dalawang balikat niya nang sumagot.
 
"I just want to talk to you. Mama—"
 
"H'wag mo akong tawaging ganyan!" Agad kong pinutol ang sasabihin niya.
 
He nodded understandingly; the pain never leaves his eyes. "Okay po, but please, please, allow me to have a conversation with you. K-kahit kaunting minuto lang."
 
Tinignan ko ang oras sa relo. Ano mang sandali ay darating na si Vienna. Bigla akong nataranta. Nilukob ng takot ang puso kong baka maabutan niya kami rito. Pinapasok ko si Kier sa loob ng bahay. Sinabi kong ilang minuto lang ang kaya kong ibigay sa kanya. 
 
"My sister lives here too, right? You hide her for years." 
 
Masama na ang tingin ko nang lingunin ko siya. "Wala kang kapatid dito. Kung wala ka ng iba pang sasabihin, umalis ka na."
 
"Hindi ako aalis," pagmamatigas niya. "I need you to come with me. I need you. I need my sister. Sumama kayo sa akin. Kailangan din kita, ma. Please, I want your attention too."
 
He failed to stop his tears. It fell down in his eyes the moment his knees dropped in front of me. Lumuluha ang kaawa-awa kong anak sa harap ko. Nagmamakaawa para sa pagmamahal ng kanyang ina. 
 
"Ano bang hindi mo maintindihan, huh?Tahimik na kami rito kaya umalis ka na!"
 
I pushed my own son away from me. Magkakahalo ang mga emosyong nararamdaman ko.
 
I wanted to hug him the first time I saw him after years. Noong umiyak siya sa harap ko, lumuhod at nagmakaawang hayaan akong tumira kasama siya, sobra akong nanghina. Kier is a strong person. And as his mother, it pains me to see his vulnerable and weakest side. I saw all the pain he'd been hiding for years. Walang maitatago ang isang anak sa kanyang ina. 
 
I couldn't choose my son, no matter how much I wanted to. Because choosing him means losing Vienna. Sa tuwing nagtatanong siya sa akin, sa tuwing naabutan niya si Kier sa bahay, natatakot ako. Takot na takot ako sa mga tanong niya. Natatakot akong magalit siya sa akin at iwan ako. Ayokong kamuhian niya ako dahil hindi ako ang totoo niyang ina.
 
My world revolves only around her. I owe her the life I lived with her for years. Wala akong pinagsisisihan dahil ang makasama siya ay panibagong buhay para sa akin. That even if I leave this world, I know she'll always remember me and forever treasure me in her heart.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon