Chapter 6

315 30 2
                                    

Tutop ko ang bibig habang tahimik na binabasa ang mga parts ng groupmates ko sa research. As usual, mga nagpasa na naman sa akin for completion lang. Hirap na hirap tuloy ako sa pagre-revise isa-isa. Kung maaari ay kaya ko naman itong gawing mag-isa. Dagdag trabaho lang sa akin ang ginagawa nilang ito. Kung hindi lang ako ang group leader dito ay hahayaan ko talaga sila kahit na walang score.

Hindi kasi iyon pwede sa sitwasyon ko ngayon dahil baka ako pa ang mapagalitan ng teacher namin at sabihing hindi sapat ang pagre-reach out ko sa kanila bilang leader.

Napaangat ako ng tingin nang biglang may bumagsak na bote ng soft drinks sa lamesa ko. Iyong soft drinks na paborito kong inumin. Tinaasan ako ng kilay ni Hailee na para bang iritadong-iritado na makita ako ngayon samantalang siya naman itong lumapit. Tumigil ako sa ginagawa para lingunin siya ng maayos.

"Ano na naman ba?" kalmadong tanong ko sa kanya kahit maging ako'y naiirita.

Pabagsak niyang inilapag sa harap ko ang isang papel. Nakatali iyon ng pulang ribbon at mukhang invitation para sa 18th birthday niya. Kinuha ko naman iyon pagkatapos ay ako naman ang nagtaas sa kanya ng kilay.

"Akala ko ba hindi ako invited?" Nang-aasar na tanong ko kahit na alam ko namang hindi talaga ito para sa akin.

Sa sabado na ang birthday niya. Balita ko marami siyang bisita. Mga circle niya from different schools. Pati nga si Chiyo ay invited samantalang kaming dalawa ng kakambal niya ay hindi.

"As if naman?" maarteng sabi niya. Totoo ngang hindi sa akin. "Ibigay mo 'yan kay Aries!"

"Bakit ako ang inuutusan mo? At bakit ako ang kailangang magbigay? Hindi ba ikaw ang girlfriend?" tanong ko.

Napasimangot siya, mukhang inis na inis na agad.

"Why do you even have to ask so many questions like you're interrogating me?"

Muli na namang umikot ang chinita niyang mata. Kahit na normal na tingin niya'y nagmumukhang masama dahil sa pagiging natural nitong talim.

"Basta't ibigay mo na lang 'yan sa kanya! Lagot ka sa akin kapag hindi 'yan nakarating," banta niya.

Ipinagkibit-balikat ko lamang iyon. Talaga namang hindi ko ito maibibigay dahil bukod sa hindi kami close ni Aries, alangan namang lakarin ko pa hanggang sa college campus para lang ibigay ito?

Sasagot pa lang sana ako kay Hailee nang bigla namang sumulpot sa gilid ko si Chino. Sabay pa kaming nagulat ni Hailee dahil sa kanya.

"What the freak?! Ugh!" iritang singhal ni Hailee.

Inosente naman siyang tinignan ni Chino. "Inaano kita?" tanong niya. Inirapan lang siya nito. Bumalik tuloy ang atensyon niya sa akin. "Naks! Tama na aral. Mapagpanggap ka talaga! Tara na pumasok."

Tumango ako sa kanya bago sinulyapan si Hailee na ngayon ay nakataas pa rin ang kilay sa akin. Nag-umpisa akong magligpit ng mga gamit ko. Tinulungan ako ni Chino sa ilan. Gusto ko pa sanang tumambay ng mas matagal dito habang tinatapos ang lahat ng papers ko kaso time na. Maganda kasi ang pwesto ng lamesang 'to. Nasa lilim ng puno at gilid lang ng mismong building namin.

"Bakit hindi pa umaalis 'yan?" bulong sa akin ni Chino na inginuso pa si Hailee. Nakacrossed arms na ito ngayon habang pinapanood kami sa ginagawa. "Binubully ka na naman ba?"

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon