"Kinausap ka niya?"
Huminto ako sa paglalakad nang makalabas na sa gate ng bahay. Jhenia is standing in front of our house, obviously waiting for me. Magka-krus ang mga braso niyang nasa harap ng dibdib. She has that one-sided smile on her lips. Bagaman hindi naman siya mukhang iritado sa akin, may pakiramdam akong dapat ko muna siyang iwasan.
Hindi ko na sana siya papansinin. I was about to walk inside Chino's house when she called my name. I stopped to look at her again.
"What did he tell you?" she questioned. Isa, dalawa... tatlong hakbang ang ginawa niya palapit sa pwesto ko. "Did he say something weird?"
"Weird like?" Tumaas ang isang kilay ko.
Kung ang weird na tinutukoy niya ay ang pagkukumpara ni Chiyo sa nararamdaman niya sa akin at kay Jhenia, aaminin kong weird nga talaga iyon.
"Ano nga ang sinabi niya sayo?" Binalewala niya ang pagbabalik ko ng tanong. "Gusto kong malaman kung ano ang pinag-usapan niyo. Bakit diyan pa kayo sa loob nag-usap?"
I suppressed my own laughter. Umangat ang isang sulok ng labi ko na agad ko rin namang pinirmi sa isang linya. "Si Chiyo, ang lumapit sa akin. Wala kaming ibang ginawa sa loob kundi ang mag-usap. He told me things about you. He said his love for you is pure."
Jhenia took a deep breath. There was still doubt on her face; she didn't seem convinced by what I said.
"Iyon lang?" She arches her brow. Tumango ako. "Okay. Salamat, honest ka."Umamba siyang papasok na sa loob ng bahay nang bigla siyang tumigil. Nilingon niya ako. She took a few steps closer to me. Closer than to our distance gap earlier. She smiled at me, the kind of smile I used to admire before. Now, it only makes me feel strange.
"Nga pala, Vienna. Aren't you going home yet?" she asked. Hindi pa man ako nakakasagot ay dinugtungan niya na iyon. "Gusto ko kasi makipag-bonding kila tita. Aalis na rin niyan ang mga bisita ni Chino. Kami na lang ang maiiwan. Kung pati ikaw matitira rito, baka makaagaw ka lang ng atensyon. Pagbigyan mo sana ako ngayon. After all, we're friends, aren't we?"
I returned her smile as I also leveled our gaze. "Jhenia, you don't know how much it warms my heart to hear the word friend from you," I said. Panandalian ko siyang tinitigan. I can sense how my stare made her feel uncomfortable. "I-enjoy mo ang oras mo kasama sila. Magpapa-alam lang ako kila tita. Aalis na ako pagkatapos."
Muli niyang pinigilan ang akma kong pagpasok sa loob ng bahay. Her hand went in my right shoulder, pushing me with a little force.
"Ako na ang magsasabi sa kanilang umalis ka," she said. "Mag-ingat ka na lang pa uwi."
Her eyes did a quick scan for me twice. She turned her back on me afterward. Pinanood ko siyang pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya na ako nilingon pa ulit. I took a deep breath as I looked around, trying to find where my bodyguards were. Wala na ang sasakyan naming kanina'y nakaparada lang sa tapat ng bahay. Kahit bakas no'n ay 'di ko na mahagilap.
I took out my phone from my pocket, but then stopped when I realized that I didn't have the number of my bodyguards. Ngayon lang kasi ako naipagmaneho ng mga iyon. Si Gregoire ang madalas kong nakakasama at siyang pinaka-close ko sa lahat. I decided to call Devin instead. Kenjie is currently in court, so he's particularly busy.
Nag-umpisa akong maglakad-lakad palabas sa aming subdivision habang sinusubukan pa ring tawagan ang kapatid. I stopped after the third attempt, and he still didn't answer. I tried calling Aries too. Luckily, it only took him two rings before he answered.
"Vienna?" He called my name from the other line.
Narinig kong sobrang ingay sa background niya. Ang malakas na music at tawanan ng mga kaibigan niya ang pinakanangingibabaw doon.
"Where are you? Magpapasundo sana ako," sabi ko.
Hindi niya agad ako nasagot. I heard him scolding someone on the other line. He then called a girl's name with an angry tone, which is very unusual of him since I used to see him as a calm person. I think he's at a party with his friends.
"Hello? Vienna? You're still there? Sorry, hindi kita gaanong marinig," aniya.
"Halata nga," bumuntong-hininga ako nang marinig na naman siyang may kinakausap doon.
Hanggang sa nakarating na ako sa labas ng subdivision ay hindi na ako nabalikan ni Aries. I think he left his phone on and got busy with his own business there. Pinatay ko ang tawag nang walang mapala sa kapatid. I looked up at the sky when I heard a faint thunder followed by some more. Madilim ang nagkakapalang ulap na nagbabadya ng paparating na ulan.
In an instant, without warning, the heavy rain poured down. Malakas agad iyon dahilan nang mabilisang pagkabasa ng damit na suot ko. Pumara ako ng taxi. I had no choice; walang malapit na waiting shed na pwedeng silungan. Nag-text ako kay Kean na pupunta ako ng condo niya. He didn't reply to me though, but it's okay. Magpapapahatid na lang ako sa kanya pa-uwi ng mansion. Baka kapag umuwi akong walang kasama ay maghisterya si Nanay Isidora sa akin.
Kean's condo is far from the subdivision. 30 minutes ata ang naging biyahe ko. Natuyo na lang sa aircon ng taxi ang tubig ulan sa damit at katawan ko sa sobrang tagal. Good thing because I have my pocket money for the fare. Ang black card na lang kasi na bigay ni Kier ang meron ako na hindi ko naman nagagamit. Saktong pag-apak ko sa elevator ng building kung saan ang condo ni Kean ay siya namang pagtawag sa akin ni Chino. I immediately hung up his call right after his name flashed on my phone's screen.
I already knew what he was going to tell me. He texted me twice in a row just seconds after I hung up. He used a lot of exclamation marks in his message, as if he were yelling at me that way. He keeps asking where I am and if Jhenia did anything to me to make me leave. Tita Cheska's finding me too. Hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos sa kanya. I closed my eyes in frustration, thinking how rude my actions were.
Tanging Sorry lang ang nagawa kong i-reply sa kanya. Pagbukas ng elevator sa floor ni Kean, itinago ko na rin ang phone ko. Kean told me his passcode the first time I came here. I've memorized it, even though I don't go here often. Nakapasok ako sa loob ng condo niya nang hindi man lang nagdo-door bell. It was a wrong move of mine because as soon as I went inside, I caught him in the living room, standing in an awkward position while kissing a girl.
They didn't notice me right away. They continued kissing each other, which made me feel like an intruder in their own world. Ilang minuto rin akong natulala sa kanila bago ko nagawang tumikhim at tawagin ang pangalan niya para makakuha ng atensyon.
"Kean," I called.
The girl he was kissing was the first to recognize my presence. Sa isang iglap pagka-banggit ko sa pangalan niya, mabilis na nag-isang metro ang pagitan nila sa isa't isa. I made a passing glance at the girl he kissed, who is now struggling to bow her head down just to hide her red face. Nang lapitan ako ni Kean ay nawala sa kanya ang atensyon ko.
Siya pala ang rason na kinabi-busyhan ng kapatid ko rito.
"Where have you been? Why do you look like that? Wala kang kasama?" Sunod-sunod ang mga tanong niya na para bang wala lang sa kanya ang nasaksihan ko.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko; sinusubukang surian ang kabuan ko.
"Galing ako sa birthday ng kaibigan ko. Naabutan ako ng ulan kaya ako nabasa," I said. "Kailangan ko ng mga gamit. Pahiramin mo muna ako ng mga damit mo."
Nilampasan ko siya bago pa man makasagot. Hinayaan ko siyang magpaalam muna sa babaeng naroon bago niya ako sinundan. Nagtungo ako sa isang kwarto sa itaas na talagang para sa akin. It was a pink room full of different pink stuff. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin nagagawang i-explore ang lahat ng mga gamit kong nandoon.
"Bakit wala kang kasama? Alam ba ni Kier na umalis ka ng mansion?" tanong ng nakasunod sa aking si Kean. Iniabot niya sa akin ang isang pares ng malaking t-shirt at pajamas. "Go and change your clothes first. Mag-shower ka para mawala ang tubig ulan sa katawan mo. Ihahatid kita pa-uwi pagkatapos."
I ran my finger over the clothes in my hand. "Thank you, Kuya. Hindi ka na umuuwi ng bahay kaya ikaw ang naisipan kong puntahan ngayon."
Kean lowered his eyes to meet mine. "I'm sorry, baby. I'm just busy running some errands as of now. After this, I'll promise, babawi ako sayo," he said.
Saglit pa kaming nag-usap bago ako pumasok sa loob ng banyo para maligo. Kean asked me things related to the recent happenings in our mansion. I know he stayed in the room even after that. Naririnig kong may kausap siya, siguro ay sa cellphone. He sounds like arguing to someone. 'Di lang masyadong malinaw ang pagkakarinig ko sa usapan. His phone conversation lasted for a few minutes before I heard his footsteps and the loud closing of the door, a sign that he just stormed out of the room.
Matagal bago ako natapos sa pagligo. The warm flow of water over my body felt good. Kean was gone when I got dressed and left the room. Wala na rin ang babaeng kasama niya kanina. I checked the time on the clock and saw that it was already six in the evening. May kadiliman na ang labas nang sumilip ako sa glass wall kung saan tanaw ang mga katabing matataas na establishments.
Nag-aalala akong wala pa ako sa bahay ng ganitong oras. Seven pm ay siguradong nakauwi na si Kier galing sa office. Kapag nadatnan niyang wala ako roon, tiyak kong lahat ng tao sa mansion ay madadamay sa galit niya. I sent a new text to Kean asking where he was. I was even more worried when, after a minute, he still didn't reply to me. Instead, an unregistered number texted me.
I hesitated to open it at first, but I eventually changed my mind. Binasa ko ang mensaheng naroon. I immediately assumed that it was Kean since it was asking if I was still inside his condo. That was followed by another message saying that I had gone down to the parking lot. Baka naghihintay na siya sa akin doon.
Umakyat ulit ako sa kwarto para manguha ng jacket. Nagmadali ako sa pagbaba dahil gustong-gusto ko nang makauwi. Pagkarating sa parking lot ng building, pahirapan pa ako sa paghahanap sa sasakyan ng kapatid ko. I looked around the entire parking lot, but there was no trace of Kean. Wala na rin naman na siyang sunod pang text sa akin. Hindi ko na alam kung saan pa siya hahagilapin.
I was about to return to his unit when someone in an all-black outfit, from his shirt and jacket down to his pants and shoes, came to approach me. His face is covered with a black cap, black shades, and a black mask. Mahirap mawari kung babae ba siya o lalaki.
Nakaramdam ako ng kaba para sa sarili. 'Di ko man lang napansin ang paglapit niya. Isang metro lang ang layo niya sa akin. Kahit nakasuot siya ng itim na salamin, ramdam ko pa rin kung gaano kalalim ang titig niya. As I took a step back from the stranger, he unexpectedly made an aggressive and violent move to get me.
"Bitiwan mo ko—" Hindi ako natuloy sa pagsigaw nang takpan niya ng panyo ang bibig ko.
I tried to struggle, but it had no effect on how strong he was. He easily took his place behind me. Ang isang kamay niya ay nakatakip pa rin sa aking bibig habang, ang isa naman ay nakayakap sa tiyan ko, pilit sinisikop ang pareho kong kamay para matigil sa pagpupumiglas.
"Don't make this hard for me," I heard him whisper.
Dahan-dahan, nakaramdam ako nang matinding panghihina sa katawan. I could feel how my energy was consumed by the strong smell of his handkerchief. My body still wants to fight, though. Nang ibagsak niya ako sa sahig, sinubukan ko pang tumayo, ngunit kalauna'y naging bigo.
My eyes turned, gradually darkening. I saw the foot coming towards me. It stopped right in front of my face. Iba pa iyon sa paang nasa bandang tiyan ko. Hindi ko na maramdaman pa ang katawan. Ang pag-uusap ng dalawang taong nakatayo sa gilid ko ay malabo na rin sa pandinig ko.
All I know is that when I got up from the floor I fell on, I lost consciousness.
BINABASA MO ANG
Sway Along The Waves (Bellariva Series #1)
Genç KurguBellariva Series #1 - (COMPLETED) Vienna Samonte is an amiable student who wants to achieve success in her life. She does believe that doing her best in her studies will lead her to a better life someday. Her mother and her friends are the only trea...