"Vienna!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Jhenia na naka-upo sa isang bench katabi si Chino. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at patakbong yumakap sa akin.
"Wow ah? Isang taong hindi nagkita?" Eksahederong reaksyon ni Chino na lumapit rin sa akin.
Tinignan ko si Chiyo na natigil sa paglalaro nang makita ako. Ibinato niya ang hawak na bola sa kung saan matapos ay nakapamaywang na naglakad palapit sa akin. Nang makalapit, bahagya niyang hinipo ang noo at leeg ko. "Are you okay now?" may bahid ng pag-aalala sa boses niya.
Ngumiti naman ako at tumango sa kanya kahit na nagtataka. "Okay naman."
"Akala ko ba may sakit ka? Bakit pumunta ka pa rito?" ani Jhenia na braso ko naman ngayon ang kayakap.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Bumaling ako kay Chino na pumipito habang tumitingin sa kung saan.
"Anong sakit? Wala naman akong sakit," sabi ko.
Sa pagkakatanda ko, tinanghali lang naman ako ng gising kanina dahil sa puyat kaya ngayon lang ako nakapunta rito sa court. Ang usapan kasi namin ay pumunta rito para maglaro. Natagalan kasi kaming maka-uwi nila Chiyo kagabi galing sa party dahil ma traffic. Dagdag pang tinulungan ko pa siya sa pag-aasikaso kay Chino na nakainom at nagsuka sa sasakyan niya.
"Wala akong sakit. Kakagising ko lang talaga kanina kaya ngayon lang ako," ngumiti ako kay Jhenia. "Napuyat lang ako, okay? Puyat lang."
"But Chino told us that you're sick. I'm worried, Vienna," si Chiyo.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kakambal niya. Pilit siyang nag-iiwas ng tingin sa akin na hindi rin naman niya natagalan. Nang magkaroon ng lakas para lingunin ako ay nakanguso na siya.
"Ayaw mo kasing bumangon kanina nung ginigising kita kaya akala ko may sakit ka," depensa agad niya.
"Hay! Ikaw talaga!" turo sa kanya ni Jhenia.
Sinaway ko naman siya dahil baka magkapikunan pa silang dalawa. Nagpatuloy sila sa pagbabato ng mga tanong sa akin. Hindi ko gaanong matuunan ang mga kalokohang sinasabi nina Jhenia at Chino dahil mas naging pokus ako kay Chiyo.
"Sina-suggest ni mama na mag-apply ako for college sa mga schools sa US. It's actually a good opportunity that she's letting me study abroad, but I'm thinking about you and Chino. Ayokong malayo sa inyo," aniya. "Do you think, I should just stay here, Vienna?"
Para akong kinapos ng hininga sa naging tanong niya. Ang kabang nararamdaman ko sa dibdib ay umaapaw. The tone of his voice and the way he looks at me hits different. Seryosong-seryoso at talagang nangangailangan ng sagot mula sa akin.
Ang ipinagtataka ko, bakit ako ang tinatanong niya ngayon?
It's reasonable that he's thinking about his twin, pero, pero bakit kasama ako? Hindi niya dapat ako isinasama sa mga bagay na inaalala niya. Napakagat ako sa ibabang labi. Pilit akong nagpakawala ng mahinang halakhak para alisin ang tensyong nararamdaman ko sa kanya. Nang magkaroon ng sapat na lakas na loob ay saka ko siya diretsong hinarap.
"Isipin mo kung talagang gusto mo 'yan. Pati na rin kung gaano ba 'yan kahalaga at mga mabe-benefits mo sa pag-aaral abroad. Agree ako sa sinabi mong malaki nga 'yang opportunity, pero bago ka gumawa ng desisyon, isipin mo rin ang mga bagay na iri-risk mo." Ngumiti ako sa kanya. "Pero alam mo? Kung ako ang nasa kalagayan mo ngayon at magkaroon ng ganyang klaseng chance, iga-grab ko talaga agad. Pangarap ko 'yan e, ang makapunta ng ibang bansa."
Napansin kong napatagal ang pagtitig sa akin ni Chiyo. Bawat salitang binigkas ko ay tinanguan niya. He looks really amazed.
"Thanks. I will keep that in mind," he smiled.
![](https://img.wattpad.com/cover/244827917-288-k643271.jpg)
BINABASA MO ANG
Sway Along The Waves (Bellariva Series #1)
Genç KurguBellariva Series #1 - (COMPLETED) Vienna Samonte is an amiable student who wants to achieve success in her life. She does believe that doing her best in her studies will lead her to a better life someday. Her mother and her friends are the only trea...