Chapter 1

526 35 7
                                    

"Tita! Si Vienna po?"
 
Napahinto ako sa pagsusulat nang marinig ang pamilyar na matinis na boses ni Chino sa labas. Ibinaba ko ang hawak na ballpen saka ako patakbong humiga sa kama. I quickly covered myself with a blanket and closed my eyes.
 
"Nasa kwarto, natutulog pa ata. Bakit? May lakad ba kayo?" I heard Mama's voice as she asked him.
 
Sa isip ko, hinihiling kong h'wag niyang hayaang pumasok si Chino dito sa kwarto ko. Sabado na nga lang ang tanging araw na makakapagpahinga ako, guguluhin pa ng asungot na 'yan.
 
"Meron, tita. Manonood po kami ng laro nila Chiyo," sagot ni Chino, tinutukoy ang kakambal niya.
 
Hindi ko na narinig na may sinabi pang iba si Mama. Sa halip, mga yabag lang ng tsinelas na palapit sa kwarto ko ang narinig ko. I haven't seen it yet, but I know it's Chino for sure. Makapal talaga ang mukha niya rito sa bahay namin. Akala mo naman anak din ni Mama.
 
"Hoy, Vienna!" It's Chino and his almost-everyday problems again.
 
Imbes na magtulog-tulugan ay napabangon pa 'ko dahil sa gulat. Akala ko nasira na ang pinto dahil sa lakas niyang magbukas.
 
"Bakit na naman ba?!" Iritang sigaw ko na siyang nakapagpahinto sa kanya.
 
Pumorma ng hugis bilog ang kanyang labi na akala mo'y gulat na gulat habang ang isang kamay ay nakahawak pa sa dibdib. I rolled my eyes at him out of annoyance.
 
"Grabe! Ang aga mo namang ma-high blood," he said, laughing. Kinuha niya ang rubik's cube na nasa study table ko saka kumportableng nahiga sa paanan ng kama habang nilalaro iyon. "Bumangon ka na. Nagugutom ako."
 
I glared at him. "Bakit 'di ka kumain? Hawak ko ba bibig mo?"
 
Inis akong tumayo para iwan siya sa kama. Kinuha ko ang isa kong unan saka iyon ibinato sa kanya na agad niya namang nasalo.
 
"Jusko! Ano na namang problema mo sa akin, Vienna? Miss na miss mo ba ako?" Humalakhak siya nang malakas.
 
"Kupal ka talaga, 'no?"
 
Hindi ko na pinatulan pa ang ibang pang-aasar niya dahil wala naman akong mapapala. Pakiramdam ko, sira na ang buong mag-hapon ko.
 
Kumuha ako ng tuwalya at pamalit na damit bago lumabas. Sumunod naman siya sa akin, pero hanggang kusina lang. Nandoon kasi si Mama at nagluluto.
 
Dumiretso ako sa banyo para maligo. Sinadya kong hindi bilisan ang pagligo. Baka sakaling mainip si Chino at layasan na lang ako.
 
Nang matapos ako ay nagpalit lang ako ng pambahay na damit. Pagkalabas, naabutan ko pa si Chino sa sala. Nakataas ang paa sa maliit naming lamesa habang nakaupo sa sofa at nanonood ng anime sa tv.
 
"Kain ka na raw sabi ni Tita. Kaaalis lang niya," sabi niya nang makita ako.
 
I just ignored him. Ibinalik ko muna ang tuwalya sa kwarto ko bago pumuntang kusina. Tahimik akong kumain dahil himalang hindi na ako inistorbo pa ni Chino. Nang matapos na ako ay saka pa lang niya ako nilapitan ulit.
 
"Tara na, Vienna. Ang tagal mo!" reklamo niya.
 
Umirap ako bago siya napagpasyahang sundan palabas.
 
"Ang aga pa. Akala ko ba hapon pa ang laro nila?" tanong ko.
 
He nodded at me; an evil smirk was plastered on his face. "Kaya nga! Practice muna sa umaga."
 
Sa tono niya pa lang alam kong meron ng kaka-iba. Naningkit ang mata ko habang tinitignan si Chino. Hindi siya makatingin sa akin. Ang kaninang ngisi niya ay hindi na maalis. Gusto ko sana siyang tanungin, pero tingin ko naman, makukuha ko rin ang sagot pagdating namin sa court.
 
Tutal wala rin naman akong kasama sa bahay kaya naisipan kong manood na lang ng practice.
 
Ang kakambal niyang si Chiyo ang agad na hinanap ng mga mata ko pagdating namin sa court.
 
Dumiretso kami ni Chino sa isang bench malapit sa mga gamit ng mga naglalaro. Sa katapat naming upuan ay may apat na babae. Mga college students, si Cauli, Sahara, and Kezomi at Yashi. Lagi ko silang nakikita sa tuwing may laro kaya kilala ko sila sa pangalan. Sa dating pa lang ng tingin ni Chino sa gawi nila, mukhang alam ko na agad kung ano ang rason ng paghatak niya sa akin dito.
 
Napaismid ako nang mapansing kay Sahara ang paningin niya. I shook my head at him. Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa mga naglalaro. Namataan ko agad si Chiyo na tumatakbo at nakikipagpasahan ng bola kay Ryu. Mukhang hindi niya pa kami napapansin dahil masyado siyang focus sa nilalaro.
 
"OMG! Go, Chiyo!" 
 
Napatingin ulit ako sa gawi ng apat na babae dahil sa sigaw ni Sahara. Umangat ang isang kilay ko sa ngiting-ngiti na pagchi-cheer niya. Napansin kong napasimangot si Chino.
 
Mahina ko siyang siniko dahil do'n. "Iyan ba?" Nguso ko sa babae.
 
Hindi malinaw ang pinag-uusapan namin, pero nagawa niya pa rin akong tanguan bilang sagot. Sa tinginan pa lang, mabilis na talaga naming nakukuha ang ibig sabihin ng isa't isa. Mas mukha pa kaming mag ka-kambal kung tutuusin.
 
"Si Chiyo ang gusto niya. Okay lang naman. Crush lang naman 'to," aniya sa masyadong martir na dating.
 
Tumayo ako matapos magpakawala ng malalim na buntong-hininga. First time kong maawa sa kaibigan kong 'to. Kumaway ako kay Chiyo nang magawi ang paningin niya sa amin.
 
"Go, Chiyo!" agaw atensyong sigaw ko.
 
Mabilis kong nahatak ang buong atensyon ng team niya kahit pa, siya lang naman sana ang gusto kong pumansin sa akin. Bigla akong nahiya. Sumenyas siya sa mga kasama ng timeout. Tumango ang mga ito sa kanya. Mabilis na tumakbo si Chiyo palapit sa akin kasunod ang mga kalaro.
 
"Vienna!" He ran towards me like an excited kid. "What are you doing here? Hapon pa ang laro ko. Baka mainitan ka," nag-aalalang sabi niya.
 
Pumwesto siya sa gilid ko para harangan ang mukha ko sa araw. Open space kasi ang court. Maluwang at malinis kaya magandang laruan.
 
"Bakit hindi mo tanungin ang kakambal mo?" Hindi ko sinasadyang maging sarkastiko sa kanya.
 
Tumingin ako sa apat na kasama niyang lumapit sa apat na babaeng kasama namin sa bench. Si Sahara ay nakatingin sa gawi namin ni Chiyo. Tinaasan niya ako ng isang kilay nang magtama ang paningin naming dalawa. Nag-iwas lang ako dahil ayoko siyang malditahan lalo na't crush pa naman siya ni Chino.
 
"Chino, ginulo mo na naman ba si Vienna?" Baling ni Chiyo sa kakambal na ngayon ay busy na sa pagkain na para lang dapat sa team nila.
 
Umiling si Chino, itinuturo ako. "Uy, hindi ah! Kusang loob 'yan ni Vienna kasi gusto ka niyang makita."
 
Naging maugong ang tuksuhan sa aming dalawa dahil sa sinabi niya. Pinanlakihan ko ng mata si Chino na ngingisi-ngisi lang sa akin. Hindi naman 'yon totoo.
 
"Chiyo, girlfriend mo na ba si Vienna?" Nakangising tanong ni Ryu, teammates niya.
 
I immediately shook my head in response. Bigla kasing nanahimik si Chiyo at mukhang walang balak sumagot.
 
"Hindi ah! Magkaibigan lang kami," tanggi ko.
 
"Naku! Mabuti naman." Humalakhak si Ramiel
 
Hindi nakatakas sa akin ang makahulugan niyang tingin kay Torren na nag-iwas naman ng tingin sa akin habang umiinom sa hawak niyang bottled water. Their stares at me felt nothing, but when I looked at Emman and noticed the way he looked at me, I suddenly felt goosebumps.
 
Matalim ang mga mata niyang tila nagpapahiwatig ng kung ano. I gulped hard and just looked away. Sa kanilang lima, sa kanya talaga ako pinaka na iintimidate. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa siya ang pinakatahimik at cold sa kanila o may iba pa.
 
Basta! Ang weird lang talaga niya.
 
"Vienna, sama kayo ni Chino sa bahay nila Torren. Tapos na kami sa practice. Chill muna bago ang laban mamayang hapon," pag-aaya ni Ramiel.
 
"Ano namang gagawin ko do'n?" Nahihiyang tanong ko. "Kayo na lang—"
 
"Syempre, pupunta kami," putol ni Chino sa sasabihin ko. "Pupunta kami. 'Wag mo na siyang tinatanong."
 
Napairap ako sa kaibigan. Hindi na ako humabol pa ng reklamo. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang hawakan ni Chiyo ang braso ko.
 
"Hindi na. Baka may gagawin pa si Vienna," aniya. Gusto ko siyang pasalamatan dahil do'n.
 
Napanguso si Chino sa sinabi ng kakambal, halatang walang magawa.
 
Kinuha ni Chiyo ang duffle bag niyang nakalapag sa bench matapos ay hinatak na ako paalis ng court. Nakasunod naman sa amin ang mga kasama niya. Tatlong sasakyan ang naghihintay sa amin. Ang nasa gilid ay kay Chiyo. Doon kami pumunta kasama ang kambal niya.
 
Ang katabi nito ay kay Emman. It's undeniable that his car is the most expensive of the three. It's a Bellariva. Ang pinakamahal lang naman na sasakyan sa bansa. Nakita kong doon sumakay si Cauli sa passenger. Sa likod niya ay si Torren at Ramiel. Ang isang sasakyan naman ay kay Ryu. Hindi ko na nakita pa ang tatlo, pero tingin ko sa kanya na sumama.
 
"Have you eaten? Gusto niyong dumaan muna ng fast food?" tanong niya habang nag-uumpisa nang imani-obra ang sasakyan.
 
Malapit lang ang court sa lugar namin. Walking distance kung tutuusin kaya hindi ko alam kung ba't nagdadala pa ng sasakyan si Chiyo sa tuwing may laro sila. Nilakad nga lang namin ito kanina ni Chino noong papunta.
 
"Sa bahay na lang. Magluto ka," sagot ni Chino.
 
Sumang-ayon ako sa gusto niya. Kung sa labas kami kakain paniguradong ili-libre niya kami. Kay Chino malamang ayos lang 'yon dahil kambal naman sila, pero pag ako, mahihiya ako. Buti sana kung first time niya itong gagawin. Palagi niya na kaming nililibre ni Chino kapag may pagkakataon siya. Halos sa lahat na ng bayarin.
 
"Have you started reviewing for the upcoming exam, Vienna? Malapit na ang exam ng first quarter," tanong ni Chiyo nang makarating na kami sa kanila.
 
Tapat lang ang bahay namin ang two-storey house nila. Sa kanila ako madalas na sumasabay kapag may pasok. Sinusundo ako sa bahay ni Chino at pinipilit na sumabay ako. Although, matagal naman na sa ganoon ang arrangement namin, hindi ko pa rin magawang masanay.
 
Si Chino lang ang talagang best friend ko. Magkaklase kami simula elementary at high school. Si Chiyo ay naging kaibigan ko dahil kambal sila. Matalino siya kaya palaging napupunta sa mga science sections. Sporty din at maraming talent. Hindi ko na kailangang isa-isahin.
 
"Reviewer pa lang ang nagagawa ko. Na e-exhaust na nga ako, e. Next week na 'yon," sabi ko.
 
I heard him click his tongue. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng bahay nila. Nauna sa akin si Chino na pumasok. Ngayon ay hindi na siya mapakali sa pagkalikot ng cellphone niya. Rinig ko na ang malakas na tunog ng nilalaro niyang mobile games.
 
"I'm sorry," biglang nagsalita si Chiyo sa gilid ko. Nagulat ako roon. Hindi ko alam kung para saan ang pag so-sorry niya. "Pagsasabihan ko si Chino. Dapat hindi ka niya ini-istorbo. He's really stubborn."
 
"Luh! Okay lang, Chiyo. Sanay na ako sa kanya," natawa ako.
 
Sumunod ako sa kanya sa pagpuntang kusina para tulungan siya sa kung ano mang balak na lutuin. Si Chino ay naiwan sa sala.
 
"Hindi ba dapat magpalit ka muna ng damit? You're sweaty," puna ko.
 
Siya naman ngayon ang natawa. "Yeah, I should. Mag sho-shower ako, mabilis lang. Ide-defrost ko muna 'tong kakainin natin," tukoy niya sa chicken breasts na hawak.
 
"Ako na riyan. Maligo ka na."
 
Sinubukan kong kunin sa kanya 'yon, pero bigo. Inunahan niya ako sa pagkuha ng malaking bowl para gawin iyong babaran. Umakma akong bubuksan sana ang faucet nang aksidenteng kamay niya ang nahawakan ko.
 
I looked at him in shock. He was shocked too. Mabilis akong lumayo sa kanya dahil para akong nakuryente. I felt my cheeks heat.
 
"Sorry," he says.
 
Siya pa ang humingi ng paumanhin sa aming dalawa. I know I should be the one to apologize, but I am just too stunned to speak.
 
My lips quivered. Nagdadalawang isip ako kung dapat pa ba akong magsalita. The air between us becomes awkward. It took him awhile before he laughed. He's laughing the tension off. I can feel that he's trying so hard to make me feel comfortable again.
 
"Sige na, maliligo na ako. Mukhang nababahuan ka na sa akin," he grins.
 
My eyes widened. That's not what I'm trying to say!
 
"Hindi 'yan ang dahilan kung ba't kita pinapaligo," agap na depensa ko.
 
He laughed again. He looks pleased to see the reaction on my face.
 
"Yeah, I know. I'm just teasing you."
 
I pursed my lips, watching him turn his back on me. Hinayaan niya na akong maiwan doon. I felt relief when he finally lost my sight. Sumandal ako sa sink habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.
 
Chino and Chiyo have different impacts on me. They're identical twins, but I can still clearly differentiate them.
 
Chino is cool and always has these friendly vibes. He's stubborn and always teases me in every annoying way he can. While Chiyo is the nice and mature one. Minsan ay inaasar niya rin ako. Kagaya nang pang-aasar niya kanina na hindi naman nakakainis kundi nakaka-awkward lang. Hindi ko alam kung paano mag re-react sa tuwing ganoon.
 
I always feel stiff and conscious when it comes to him.
 
"Vienna."
 
Napabalikwas ako mula sa pagkakasandal sa sink nang marinig kong tawagin ako ni Chiyo. Hindi ko napansin na tapos na pala siya. Masyado ba siyang nagmadali o hindi ko lang napansin kung gaano ako katagal na natulala?
 
"You're having deep thoughts?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.
 
His lips curled into a smile. Bagsak ang kanyang basang buhok na pilit niyang sinusuklay gamit ang daliri papunta sa likod dahil natatakpan ang mga mata niya.
 
"Iniisip ko lang iyong exam," I lied. It's obvious that it's a lie.
 
Nagkibit-balikat siya sa akin. Naglakad siya palapit sa sink kung saan niya iniwan ang pinapalambot niyang chicken breast. I just watched him drain the water. Gusto kong mag-offer ng tulong, kahit hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong i-tulong. He looks like he owns this kitchen and can handle everything here.
 
"Alam mo bang may crush sayo si Sahara?"
 
Gulat niya akong nilingon sa sinabi ko. Sa reaksyon niya, para bang first time niyang makarinig na may nagkakagusto sa kanya. He's known at school, dahil varsity player. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Minsan, kami pa ang nilalapitan ni Chino para mag-abot ng kung ano-ano.
 
His teammates are well-known too. Especially, Emman Bellariva. Aside from his intimidating nature, I can't see anything likeable about him. Halos lahat ng girls sa buong department namin sa ABM ay may gusto sa kanya. I can't deny that he's really good-looking, but there's really something about him that I couldn't figure out.
 
"Paano mo nalaman? Did she tell you?" Chiyo asked.
 
I shook my head. "Hindi. Alam ko lang."
 
"Assumptions?" 
 
Umiling ulit ako. "Chino likes her," I said instead, which made him stop a bit from what he was doing.
 
"Galit ba si Chino sa akin?" Nag-aalalang tanong niya. "I'm not flirting with Sahara. She's just a friend. I have no idea that she likes me to be clear."
 
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Napatango-tango lang ako. Masyado namang mababaw ang dahilan para magalit sa kanya ang kakambal niya. Hindi ganoong tipo si Chino. He rarely gets mad. Hindi ko pa siya nakitang nagalit kahit minsan.
 
Akala ko doon na mapuputol ang usapan namin, pero siya naman ang sumunod na nagtanong.
 
"Do you have a crush, Vienna?"
 
Napaismid ako sa mala showbiz niyang tanong. Pinanood ko siyang isalang muna ang lulutuan. His biceps flex as he moves. I don't know why he still has to wear fitted shirts. It's already obvious that he has a good body build.
 
"Maraming nagkaka-gusto sayo sa bawat department," aniya pa.
 
Tumikhim ako. Wala naman akong alam tungkol sa mga bagay na 'yon. Hindi ko naman tinutuunan.
 
"Wala sa isip ko ang mga ganyang bagay," simpleng sagot ko.
 
He just nodded at me and smiled. "Kapag may nagugustuhan ka na, ipakilala mo sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang mga tipo mo."
 
Different emotions clog my throat. Parang nasa disyerto ang pisngi ko dahil sa sobrang init. I am aware that I shouldn't take his words differently. He's just being friendly! I should keep reminding myself of that.
 

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon