"I want to stay here a bit more. Mamaya na tayo umuwi."
Sumimangot sa akin si Chiyo dahil sa sinabi ko. Inilingan niya ako saka humalakhak. "As much as I want to, I can't disobey tita Marisa, Vienna. Baka sa susunod na ipaalam kita hindi na iyon pumayag."
Maingat niya akong inalalayan sa pagtayo kahit pa puros pa rin ang pagrereklamo kong dito muna. Hindi pa naman lumulubog ang araw kaya tingin ko ay maaga pa. Nang silipin ko ang oras sa phone ko, roon ko nakitang alas singko na pala ng hapon. Babiyahe pa kami pauwi kaya baka tuluyan kaming abutin ng gabi kapag nagtagal pa rito.
Hindi ko napansin ang oras. Masyado itong mabilis lumipas ngayong araw. Happy moments really makes time fly fast.
"Kailangan kitang ma-uwi sa tamang oras," aniya pa.
Tinulungan ko siya sa pagliligpit ng mga gamit. Hinayaan ko siyang itapon ang mga lalagyanan ng pagkaing kinainan namin habang ako naman ang nagbalik sa paper bag ng mantle na inupuan namin. Napangiti ako habang pinapanood siyang maglakad palapit sa akin. Kunot ang noo niya nang kunin sa kamay ko ang paper bag.
"What's with that smile?" he raised me a brow. "Don't tell me you're already falling for me? That easy, Vienna?"
Umirap ako. "Feeling ka, 'no?!"
Muli siyang humalakhak. Para siyang nag i-slow mo sa paningin ko tuwing ngingiti o tatawa. Masarap pakinggan ang mga halakhak niya. It's as good as when he sings. His voice can really rock in everything.
Inakbayan niya ako kaya nawala rin ako sa iniisip. Nagpatuloy ang kwentuhan naming dalawa habang pababa kami sa bundok. Hindi katulad noong paakyat, mas madali na ito ngayon. Natatawa ako sa tuwing napapansin ang pagkataranta sa itsura niya. Pilit niya iyong itinatago sa pamamagitan ng pag-ngiti, pero wala iyong epekto sa akin. Kilalang-kilala ko na siya.
Siguro, talaga ngang seryoso siyang ma-iuwi ako sa tamang oras. Nagpapagood shot ata kay mama!
"Good night, Vienna."
Itinaas niya ang isang kamay bilang pamamaalam sa akin. Mukhang may gusto pa sana siyang sabihin sa akin bukod doon. Nabaling ang tingin niya kay mama na tinaasan siya ng isang kilay. Nakatayo ito sa gilid ko at pinapanood kami ni Chiyo na magpaalam sa isa't isa. Mukha siyang galit kahit sakto naman sa oras ang uwi namin ni Chiyo. Nahihiya lang tuloy itong ngumiti bago na kami tinalikuran.
"Ikaw talaga, ma!" kunwaring pag histerya ko nang pumasok na kami sa loob.
"Aba, ano?" Nameywang siya sa harap ko. "Kailangan ko lang namang umaktong strikta sa harap niya para sa susunod ay mas maaga ka niyang i-uwi," sabi ni mama.
Napailing na lang ako. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Pagkatapos kong mag-shower ay dumiretso na ako sa pagtulog. Mas mabilis akong kinain ng antok dahil na rin siguro sa pagod. Maaga naman akong nagising kinabukasan. Akala ko nga mauuna pa akong bumangon kay mama, pero hindi ko ata talaga matatalo ang record niya. Mas una pa rin siya sa akin.
Nakacorporate akong lumabas ng kwarto. Monday kasi ngayon kaya schedule naming mag business attire. White long sleeves na binagayan ko ng itim na blazer at skirt ang suot ko. Nginitian ako ni mama nang puntahan ko siya sa kusina.
"Papasok na ba ang anak kong CEO?" biro niya.
Pinaghila niya ako ng upuan. Umupo naman ako roon at hinayaan siyang asikasuhin ang pagkain ko kagaya ng nakasanayan.
"Bagay mo talaga ang pag-oopisina, anak. Hanggang ngayon ba pinag-iisipan mo pa rin ang marketing management? Bakit hindi na lang iyon ang i-sure mong kuning course sa college?" Umupo siya sa tabi ko pagkatapos ng maraming tanong.
BINABASA MO ANG
Sway Along The Waves (Bellariva Series #1)
Novela JuvenilBellariva Series #1 - (COMPLETED) Vienna Samonte is an amiable student who wants to achieve success in her life. She does believe that doing her best in her studies will lead her to a better life someday. Her mother and her friends are the only trea...