Chapter 2

400 31 1
                                    

"Hindi ko talaga alam kung bakit may oras pa ako ngayong manood ng laro kahit halos mamatay-matay na ako sa pag-review ng accounting na 'to."
 
Mahina akong natawa dahil sa rant ni Jhenia. She's been one of my classmates since grade 11 and also a friend. Kanina pa kasi siya ganyan. Hanggang dito ba naman sa school may dala pa ring reviewer.
 
"Mamaya na kasi 'yan," saway ko sa kanya. "Hindi ka rin naman makakapag-focus."
 
Ngumuso lang siya sa sinabi ko. Nagpatuloy siya sa pagbabasa, kaya hindi ko na pinakialaman pa. Tumingin ako sa katabi kong si Chino na nangi-ngiti habang may ka text sa phone. Hindi ko siya pinansin dahil mukhang hindi niya gustong maabala.
 
It was already three o'clock in the afternoon. Nauna na si Chiyo sa amin sa court. May meeting pa siya kasama ang mga teammates niya. Naiwan kami ni Chino sa hallway kanina para hintayin si Jhenia.
 
"Sana manalo sila Chiyo. Masyado siyang pagod sa practice lately. Sana maging worth it lahat 'yon."
 
Nawala ang atensyon nang dalawa sa kaninang pinagkakaabalahan. Sabay silang tumingin sa akin dahil sa sinabi ko. Si Jhenia ay nakakunot ang noo habang si Chino naman ay malaki ang ngisi sa akin.
 
"Vienna, umamin ka nga. May relasyon na ba kayo ng kambal ko?" Nang-iintrigang tanong sa akin ni Chino.
 
Sinundan iyon ni Jhenia nang eksahederang pag singhap. "What? Is that true?!"
 
Napairap ako. Pareho ko silang tinignan ng masama. "Bakit kaya hindi muna ikaw ang unang umamin?" baling ko kay Chino.
 
"Hala! Why?" Inosenteng tanong ni Jhenia "May relasyon din ba silang dalawa ni Chiyo?"
 
Napapikit ako habang marahang hinihilot ang gitna ng sentido gamit ang isang daliri. Hindi ko na pinansin ang dalawa. Nakaka-stress silang kausap. Nauna na ako sa paglalakad habang silang dalawa ay nakasunod lang sa likod ko. Sabado ngayon at kaunti lang ang mga sections na may klase, pero ang dami ng mga dumadagsang estudyante na manonood sa laro. Para bang isa lang itong normal na araw ng pasukan.
 
Nagmadali kaming tatlo sa pagpunta sa court dahil paparami na nang paparami ang mga tao. Paniguradong mahirap na ang humanap mamaya ng mauupuan. Nang makarating kami roon, mga ingay agad ng mga estudyante ang sumalubong sa amin. Karamihan ay mga babae. Mayroon akong nakitang may hawak na mga banners. I cringed. They are exaggerating. Practice game lang naman 'to. Ang alam ko, mga college ang makakalaban nila Chiyo. Iyong mga dating players din ng senior high.
 
Pinilit kaming hatakin ni Jhenia para makisingit sa pagpasok sa covered court kahit siksikan sa dami ng mga manonood. Ramdam ko ang paghahalo-halo ng lagkit sa katawan ko dahil sa pawis at init. May mga taong nakukuha pang magchismisan kahit na hirap na hirap na sa pagdaan sa mga taong papasok din.
 
"Masyadong halimaw pagdating sa court iyong si Bellariva ng College," rinig kong sabi ng babaeng nasa harap ko.
 
"Sabagay, mula junior hanggang senior high laging champion ang school natin dahil sa kanya. Pero marami na ang nagbago. Balita ko, ngayon na lang ulit makakalaro si Aries dahil naging busy siya sa college," sagot naman ng kausap niya.
 
"Mas interesting lang dahil Bellariva vs. Bellariva ang labanan ngayon," natatawang sabi ng isa sa kausap niya. "Si Aries or Emman, ayos lang kahit sinong manalo sa akin."
 
Nabalik ako sa reyalidad nang biglang lumipat si Chino sa tabi ko. Mukhang naka alis siya mula sa pagkakahatak sa kanya ni Jhenia.
 
"Ayos ka lang?" Agad niyang tanong na tinanguan ko lang.
 
Tinatabig niya ang mga kung sino mang nadidikit o tumutulak sa akin. Natatawa ako. Kahit pa paaano ay nakaramdam ako ng ginhawa sa ginagawa niya. Inalis ko na rin ang pagkakahawak ni Jhenia sa braso ko, at ako na lang ang humawak sa kanya para hindi kami magkahiwa-hiwalay na tatlo. Matapos nang mahaba-habang siksikan at tulakan ay nakapasok din kami sa loob. Mabilis na nakita ng mga mata ko ang palinga-lingang si Chiyo. Itinaas ko ang kamay ko para mapansin niya. Ngumiti at kumaway rin siya nang makita kami.
 
Naka-brush up ang medyo basa niyang buhok. Nakasuot siya ng kulay blue na jersey. Sa harap ay nakalagay ang logo at pangalan ng school habang sa likod naman ang apelyido at numero niyang trese.
 
"Ang hirap makipagsiksikan doon sa entrance," iritang sabi ko habang nagpupunas ng pawis.
 
Natawa si Chiyo sa akin. Kinuha niya sa kamay ko ang hawak kong panyo. Akala ko kung ano ang gagawin niya roon, pero ikinagulat ko nang siya na ang nagpunas sa pawis ko sa noo.
 
"Galingan mo, tol," sabi sa kanya ni Chino.
 
Ngumiti lang si Chiyo sa kakambal. Ako naman ay para nang na estatwa habang nanatiling titig sa kanya. Napalunok ako nang tumigil na siya sa ginagawa. Muli niyang iniabot sa akin ang panyo.
 
"Dapat itinali mo na lang ang buhok mo," aniya.
 
Awkward akong ngumiti sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko, parang mas lalo pang lumala ang init na nararamdaman ko ngayon.
 
"OMG! I'm so excited! Good luck, Chiyo!" sigaw ni Jhenia habang naka taas ang dalawang kamay at naka finger heart.
 
Chiyo smiled at her in return. "Thanks."
 
Liningon niya ang mga players na nasa kabilang part ng court. Pati kaming tatlo ay napatingin din doon. Mas dark ang pagka blue ng jersey nila kumpara sa kanila Chiyo. Nagtatawanan ang grupo nila habang naka-upo. Parang wala lang sa kanila ang game na 'to samantalang halata sa mga players namin ang kaba. 
 
Natuon ang atensyon ko sa lalaking bahagyang nakatalikod mula sa direksyon ko. Nakatayo ito at nakapamaywang habang may kausap na isa pang lalaki.
 
"Bellariva 01," basa ko sa likod ng jersey niya.
 
Hindi ko alam kung magic ba na parang narinig niya ang pagkakabulong ko roon dahil bigla itong napalingon sa gawi ko. Nanlaki ang mata ko at agad binalik ang atensyon sa tatlo kong kasama na nagtatawanan na. Nakisabay na lang ako para hindi halatang nalutang ako ng ilang saglit.
 
Huminto lang kami nang tawagin na si Chiyo ng coach nila. Nagpaalam muna siya samin. Itinuro niya ang upuan na inireserve niya para sa aming tatlo bago kami iniwan.
 
"Buti na lang may nireserved na spot si Chiyo for us. Akala ko tatayo lang tayo buong game," umpisa ni Jhenia nang sa wakas ay maka-upo na kami.
 
Nasa harap lang kami ng mismong bench kung saan sila Chiyo kaya kitang-kita sila mula rito. Malaki itong court ng school, pero ngayon ay punong-puno ito ng mga estudyante. Nag-umpisang mag-cheer ang iilan, kahit hindi pa nag-uumpisa ang laro. Iba-iba ang mga naririnig kong pangalan mula sa crowd. Ang iba'y pamilyar at ang ilan ay hindi.
 
Pati si Jhenia at Chino ay nakisali na rin. Ako naman ay palingon-lingon lang sa paligid.
 
Napatingin ako sa gawi ng grupo nila Chiyo nang mapansin ang tingin sa akin nila Torren at Ramiel. Katabi nila ang iritadong si Emman na mukhang sinasaway sila. Nang mapansin ang tingin ko, bigla silang nag-unahang tumalikod sa akin na para bang nahuli sila sa isang krimen. Nangunot ang noo ko sa ka weirduhan nila. Tumingin ako sa likod ng mga suot nilang jersey.
 
'Soprano 01, Kostov 14 at Bellariva 11'
 
"Look, Vienna!" 
 
Bigla akong hinila ni Jhenia. Nawala ang atensyon ko sa kanila. Nakakagulat ang biglaan niyang pagiging hyper. Kanina lang ay para na siyang binagsakan ng langit habang nagre-review.
 
"Ayon 'yong crush ko! Tignan mo!" May itinuro siya sa kabilang bahagi ng court kung nasaan iyong lalaking Bellariva ng college. Si Aries Bellariva, kapatid ni Emman. "That's Aries! Grabe! Ang hot niya 'no?" sabi niya, halatang kinikilig.
 
Ngumiti ako sa kanya saka tumango, kahit hindi naman ako interesado. Pahirapan ako sa pagpapatahimik sa kanya dahil mag-uumpisa na ang laro. Pumunta ang referee sa gitna na may hawak na bola. Nasa bibig din nito ang pito. Pumwesto ang dalawang grupo sa magkabilaang side ng court. Nasa unahan si Torren at Aries. Mukhang sila ang mag-aagawan sa bola. Parehas pa silang uno ang numero sa jersey shirt.
 
Hindi na magkamayaw ang mga tao sa pagtili. Ang atensyon ko ay tutok lang sa mga naglalaro. Ngumisi si Aries kay Torren, halatang nang-aasar pero inismiran lang siya nito.
 
"OMG! Ang pogi talaga ni Aries," sabi ni Jhenia sa tabi ko.
 
Pumito ang referee hudyat na simula na ang laro. Binato niya ang hawak na bola sa ere na agad namang nakuha ni Aries. Napatayo ang mga taong nasa kabilang side ng court. Mas lumakas ang mga sigawan nang dahil do'n.
 
"OMG! Go, Aries!" muling sigaw ni Jhenia Nangingibabaw talaga ang boses niya sa iba.
 
Sabay na pumunta sa harap ni Aries si Chiyo at Emman para harangan siya, pero mukhang balewala lang sa kanya ang mga ito dahil nakuha niya pang ngumisi. Mabilis ang bawat galaw niyang nilampasan ang dalawa. Swabe niyang itinira ang bola na walang kahirap-hirap na sumakto sa ring. Sa kanila napunta ang unang puntos.
 
Muling nagsigawan ang crowd, kasama na itong katabi ko. Tatawa-tawang bumalik si Aries sa pwesto niya na nakuha pang makipag high-five sa mga kasama.
 
"See? Ang galing-galing talaga ni Aries!" Tili ni Jhenia
 
Mabilis ang naging pagtutol sa kanya ni Chino. "Mayabang nga e," hirit niya.
 
Tinignan siya nang masama ni Jhenia. "Nasaan ang mayabang do'n?"
 
"Tingin ko lang. Nafefeel ko lang," sagot ni Chino habang nakahawak pa sa dibdib.
 
Inalis ko ang tingin sa kanila at muling ibinalik sa harap.
 
"Chiyo! Galingan mo!" sigaw ko. 
 
Masyadong malakas ang sigawan ng mga estudyante, kaya paniguradong hindi niya naman ako naririnig.
 
Nagpatuloy ang laro. Nanatiling lamang ang mga college players hanggang umabot sa last quarter. Halos lahat ng puntos nila ay galing kay Aries. Totoo ang sinabi ni Chino na mukha siyang mayabang pansin ko sa paraan niya ng paglalaro. Para nga siyang hindi seryoso, pero talagang magaling at may galawan. Madamot din siya sa bola. Ayaw niyang magpasa kahit na sinisigawan na siya ng mga kasama.
 
Tagaktak na ang mga pawis nila at halata sa mukha ang pagod. Hawak ni Emman ang bola habang sa harap niya ang nakangising kapatid. Pansin ko na sa bawat titigan nila ay para silang magpapatayan.
 
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Sobrang nati-triggered ako. Isang three points na lang malalamang na nila ang puntos ng mga college.
 
Umikot si Emman habang dini-dribble sa isang kamay ang bola. Nilagpasan niya ang kapatid matapos ay sinubukang i-shoot ang bola sa ring, pero agad tumalon si Aries at hinampas ang bola sa kamay niya. Hindi nakatakas sa mata ko ang pagsiko niya kay Emman. Nanlaki ang mata ko at naghintay na pumito ang referee para tawagan ng foul ang nangyari, pero wala. Hindi niya rin naman ito ininda. Sa halip, tinignan niya lang nang masama ang kapatid na nakangisi at umiiling na animo'y disappointed sa kanya.
 
Nagkaroon pa ng three-minute break bago muling nagtuloy ang laro. Sa natitirang minuto, nakapuntos pa ng isa si Chiyo. Natalo pa rin sila dahil lamang na lamang ang score ng college. Nagkamayan muna ang mga ito maliban sa dalawang magkapatid bago bumalik sa kanilang mga bench.
 
Hinila agad ako ni Jhenia pababa para makalapit sa kanila. Ganoon din ang ginawa ng ibang mga estudyante.
 
"Dali! Magpapapicture ako kay Aries Bellariva!" kinikilig na sabi niya.
 
"Wow! Ano siya artista?" Sarkastikong tanong sa kanya ni Chino.
 
"Heh! Maiwan ka na nga!" Tinulak siya ni Jhenia para ako ang tuunang hatakin palapit sa bench ng mga college players. "OMG! Naghihiya ako pero this is it."
 
Pati ako ay nakaramdam ng hiya lalo na nang mapatingin sa amin ang mga ito. Ganun din ang mga estudyante sa paligid na nag-umpisa nang magbulungan. Tumikhim muna si Jhenia at ngumiti bago nagsalita.
 
"H-hello! Pwede magpa picture?" Kabadong tanong niya.
 
Hinagod muna siya ng tingin ni Aries bago sumagot, "Sure."
 
Napalitan ng malawak na ngiti ang kaninang kabadong expression ni Jhenia. "Vienna, kuhanan mo kami," sabi niya sabay abot ng cellphone niya sa akin. Muntik ko na iyong mahulog dahil sa pagmamadali niyang ibigay iyon.
 
"Paano 'to?" Kunot ang noong tanong ko.
 
"Pindutin mo lang 'yan," sagot niya bago tumabi kay Aries. Umakbay siya sa kanya. Tumaas ang isang kilay ko. Itinapat ko sa kanila ang camera saka kinuhanan ng ilang beses bago muling inabot kay Jhenia.
 
"Ayos na."
 
Ngumiti siya bago lumapit sa akin para tignan ang kuha ko. "Kayo naman."
 
Nanlaki ang mata ko nang itulak niya ako palapit kay Aries. Muntik pa kong matumba dahil do'n. Mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang braso ko na agad ko ring inalis. Muli akong lumapit kay Jhenia para yayain na siyang umalis nang mahagip ng mata ko ang papalapit na si Hailee.
 
Malalaki ang mga hakbang niya, habang papalapit sa amin. Nasa akin agad nakadako ang masamang tingin niya, pero nang ilipat niya ito kay Aries ay agad din iyong napalitan ng matamis na ekspresyon.
 
"Babe," tawag niya rito.
 
Nilingon siya ni Aries Hinapit niya ito sa baywang bago kami hinarap ulit. "Next time na lang. We gotta go," paalam niya.
 
"Ayos lang! Mukhang ayaw din ni Vienna. Salamat!" Nakangiting sagot sa kanya ni Jhenia bago kumaway.
 
Hinila ko na siya paalis dahil halos ilibing na kami ni Hailee sa sobrang sama ng tingin niya sa amin.
 
"Ano ba 'yan! Dapat hindi ka na nag-inarte. Mabuti na lang nakuhanan ko pa kayo kahit stolen," sabi ni Jhenia.
 
Napasilip naman ako sa phone niya. "Ano? Burahin mo 'yan."
 
"Ayoko nga. Remembrance," aniya habang nagpipindot. Tinignan ko naman siya ng masama. "Okay fine! Deleted."
 
"Halos patayin na nga tayo sa tingin ni Hailee Kanina, pero ikaw mukhang ayaw mo pang umalis," sabi ko.
 
"And so?" Kunot noong tanong niya.
 
"Girlfriend 'yon e."
 
"Ano naman ngayon? Girlfriend lang siya!" sabi niya na muling ibinalik ang tingin sa phone. "Joke!"
 
Tinawanan niya ang nakasimangot kong mukha. Hindi na niya dinugtungan pa ang usapan hanggang sa makalapit kami kila Chiyo. Nakangiti siya habang nakikipag-usap sa mga kaibigang naroon. Sa gilid niya ay nakatayo ang kambal habang naka crossed arms at naka tingin sa kanya. Nang mapansin ang paglapit namin ay napunta sa amin atensyon nilang dalawa.
 
"Ang galing mo kanina," bungad ko sa kanya.
 
Mahina siyang natawa. Halata ang pagiging pilit no'n, nahihiya. "Salamat, Vienna."
 
"Uh, I don't know what to say. Practice lang naman 'yon. Pwede pang bumawi sa susunod," sabi ni Jhenia.
 
Ngumiti si Chiyo at tumango. "Ayos lang. Salamat."
 
Nagawi ang tingin ko sa tabi namin kung saan naka-upo ang mga ka-team ni Chiyo. Nakangiti agad sa akin si Ramiel nang malingunan ko siya. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Kumaway siya sa akin saka bumaling kay Chiyo. Sa tabi niya ay si Torren at si Emman na abala sa pag-uusap.
 
"Chiyo, tara kina Emman mamaya. Magcecelebrate ang kuya niya sa panalo nila. Iniimbita tayo," pag-aaya niya.
 
Tumango si Chiyo. "Sige, isasama ko sila," tukoy niya sa aming tatlo.
 
"Goods! Pupunta si Vienna." Humalakhak si Ramiel na siyang ikinakunot ng noo ni Chiyo.
 
Tumingin muna siya akin bago bumulong sa katabi na si Torren. Pati siya ay napatingin din sa akin. Sabay ko silang inirapan at nag-iwas na lang ng tingin.
 

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon