"You miss me that much, huh?"
Kenjie's smirk made me roll my eyes. Pinanood ko siyang mag-inat-inat ng braso. Devin is fixing some papers outside. Siya na lang ang hinihintay namin para makaalis na. The doctor insists that Kenjie take some tests, which he no longer allows. Magaling na raw siya ayon sa kanya.
"Hulaan mo, men, kung sino pa ang mas nakakamiss sayo!" Ngumisi si kuya Zuch na katatapos lang iligpit ang mga gamit ni Kenjie.
He's my brother's best friend—Attorney Zucherro Lewis.
"Si Azzeneth?" Kenjie tried guessing.
"Hala! Nag-assume agad! Syempre, wala na!"
Malakas ang naging halakhak ko sa sinabi ni Zuch. He's so funny as hell. I wonder how he became friends with Kenjie. They have very opposite personalities. His attitude wasn't the kind that my brother would get along with. Ang naiisip kong klase ng mga kaibigan niya ay iyong mga tahimik at intimidating din kagaya niya.
"You're lucky, I'm still not able to move that much. I'd probaby punch you in the face if I did," matalim ang titig na sabi ni Kenjie sa kanya.
Natahimik si Zuch doon. Ako na lang ang pinili niyang balingan para hindi na mairita pa ang kapatid ko.
"Vienna, may nakahanda ng pagkain sa inyo?" tanong niya.
Tumango ako sa kanya, nagtataka. "Probably, yes. Uuwi si kuya kaya paniguradong maghahanda si nanay ng mga pagkain."
"Uy, sakto! Gutom na ko. Asa'n na ba si Devin? Kanina pa 'yon, ah? Baka nilalandi niya na yung nurse kaya napatagal na—"
Naputol ang sinasabi niya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok mula roon si Devin na nakakunot ang noo; narinig pa ata ang pinagsasabi ni Zuch.
"I'm not flirting with anyone," masungit na aniya.
"He's just joking, kuya," natatawang pagtatanggol ko kay Zuch. Pati ata ako ay nahawa na sa pagiging mapang-asar niya. "You're defensive. You did flirt with the nurse?"
"Shut up, you two," saway niya sa amin, walang balak makipag-argumento.
"Tigilan mo'yang kapatid ko, Zucherro. She's now copying your attitude," says Kenjie.
Zuch jutted his lips, unable to utter a word against my brothers. He just keeps mumbling words that he can't say out loud. Hindi pa rin naman natigil doon ang pangungulit niya sa kapatid ko. On our way to the mansion, he keeps talking about things to which Kenjie seems uninterested in listening. Hindi siya pinapansin ng kapatid ko kaya madalas ay ako na ang sumasagot.
"Vienna, alam mo, sana ikaw na lang si Kenjie. You smiled a lot, unlike your brother, who never gets tired of frowning all day. Sa'yo na lang ako makikipag-kwentuhan next time," daldal ni Zuch.
"Sure, Kuya. Kapag bibisita po kayo rito, pwede kayong makipag-chismisan muna sa akin."
Tatawa-tawa kaming dalawa pagpasok sa mansion. Ate Danielle and Nay Isidora were the first ones to greet Kenjie. Sobra-sobra ang pag-aalala ni Nanay sa kanya. She's crying while scolding Kenjie. My brother was silent the whole time. He obviously doesn't know what to say to calm her.
Bukod kay Devin at Kenjie, wala na ang ibang mga kapatid ko. They're all busy with their own lives, so they're not always here. Si Kean ang pinakamadalang umuwi. He's the one whom I miss the most since he's the least that I've spent my time on. Tinapos namin ang tanghalian nang magkakasama. Umuwi rin agad si Zuch pagkatapos no'n.
Nang kinahapunan ay umuwi si Emman kasama ang mga kaibigan. Sobrang tuwa ko sa kanya dahil kasama niya si Chino. Ang kaibigan ko, nasa main door pa lang ng aming mansion ay sinisigaw na ang pangalan ko.
"Vienna! Na-miss kita, men!"
Niyakap ako ni Chino pagkababa ko ng hagdan. Hearing his bubbly voice already made me laugh so hard.
"Buti naisipan mong pumunta?Home-schooled na ko, men," sabi ko.
He only nodded at me. He doesn't look surprised at all. Siguro ay nauna nang sabihin ni Emman iyon sa kanya.
"Ang sosyal pakinggan ng homeschooled. Nakakayaman ang dating," Chino joked. "Buti kamo sinama ako ni Emman. Nahihiya ako pumunta rito mag-isa e."
"Okay, ka na ba? Kumusta ka?" Lumapit sa akin ang nakapamulsang si Torren. His hair is messy like usual, and he's still wearing his school uniform. Same with Ramiel and Chino. Halatang galing silang school at dumiretso agad dito.
"So far, so good." Nagkibit-balikat ako. "Dapat umuwi muna kayo bago kayo pumunta rito."
"Grabe ka, Vienna. 'Di na ba kami presentable sa paningin mo?" Hirit naman ni Ramiel.
Natawa ako. "Hindi sa gano'n!"
Niyaya ko sila sa living room para maupo. Nagpahanda ako ng meryenda kay Alyssa. Nag-request si Chino ng kanin at ulam, hiwalay kila Torren na ayos na sa meryenda. Emman is still upstairs, changing his clothes. I was left with them to chitchat. Mostly, na kay Torren ang atensyon ko. Ang dalawa kasi ay mas naging abala na sa pagkain.
"Are you fine with homeschooling?Nakakapanibagong 'di na kita nakikita sa school," Torren opened another conversation to talk about.
My brow lifted, looking a little confused at what he said. "What do you mean? 'Di naman tayo araw-araw nagkikita sa school, ah?"
Naningkit ang mata ni Torren. It was as if it were a sign that he knew something that I didn't. "I've seen you at school every day before. 'Di mo lang ako napapansin."
"That's impossible. Attentive ako most of the time, sa mga tao sa paligid ko," depensa ko.
"I'm too far away to be around you. You really won't notice me."
Ngumuso ako nang may maaalala. "Sabi mo natakot ka noong nakita kita sa library na nakikipaglandian? Hindi mo na nasagot ang tanong ko noong nakaraang dahil agad akong umalis. Tell me, how'd I make you feel nervous that time?"
"Do you seriously want me to answer that?" Sumeryeso ang boses niya.
I don't know if it's an angry question, because he was too calm when he said that. Only the expression on his face made me bewildered that I might offend him. Mariin ang titig niya sa akin, ang atensyon ay buong-buo. Now that he's close to me, the memories of when I once had a crush on him start to linger in my head.
"I'm joking. 'Di m-mo naman kailangang sagutin—" he immediately cut off what I was supposed to say.
"I was nervous because at that time, I was being indenial to myself that I was only infatuated with you..." He trailed off. "And using another girl will make me forget you, which was definitely a very wrong move of mine. I was a jerk. I was nervous. I don't know why you still have to witness that."
Sunod-sunod na tikhim ang narinig ko mula kay Chino at Ramiel na nasa harap lang namin. Torren remained unbothered with the two watching the scene he's making. I am sitting next to him; we're too close. Mabilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Hindi maputol-putol ang titig ko sa kanya kahit pa gusto ko nang umiwas. It feels like he's using a magnet just to keep our eyes locked on each other.
I can even feel my cheeks burning right now. I have lost all the words to say. That confession was so sudden. Hindi ako naging handa lalo pa't hindi naman namin solo ang lugar kung nasaan kami ngayon. Torren really has a way of creating his own world with me, even when other people are around. All this time, he had feelings for me too. Noong mga panahong crush na crush ko siya, gusto niya rin pala ako.
Ang lahat ng bagay na gumugulo sa isip ko ay biglang napalitan ng pagkataranta nang makita ang kapatid kong pababa na ng hagdan. I stood up unknowingly, looking so guilty for something I couldn't even figure out what.
"You're now going upstairs?" Emman asked me. He's now wearing his comfy clothes. He kissed me on my forehead before walking past me. He sat in between me and Torren, whose eyes stayed focused on me.
Umiling ako sa kapatid. I gulped hard before I managed to say something to respond. "Oo, magpapahinga na ko. I'm tired."
"Uy, biglang napagod," nanunuksong sabi ni Chino.
Inirapan ko siya nang matalim. He laughed when he saw how annoyed I was. Sinabayan pa siya ni Ramiel na mas ikinapagtaka ng mukha ni Emman.
"Men, birthday ko na sa friday," Chino shifted the atmosphere by saying that. "Pumunta ka, pero bawal ka mag-uwi ng handa kapag wala kang dalang regalo."
Imbes na mairita ay mas gusto kong pasalamatan pa siya. Kung hindi nawala tungkol sa akin ang topic, baka kanina pa ako lumubog dito sa kinatatayuan ko. Hindi na naging interesado si Emman sa usapan. He proceeded to talk to his friends, ignoring us. Si Torren na kinakausap niya ay nanatili pa rin sa akin ang tingin. Si Ramiel naman ay pigil na pigil ang sariling matawa, 'di maka-move on.
"Oo, pupunta ako," I answered unconsciously.
I immediately run towards our grand staircase without even thinking. Muntik pa akong madapa sa pagmamadali. I heard Emman's voice calling me. He sounds mad because I almost tripped myself. 'Di ko siya pinansin. Dumiretso ako sa kwarto, hingal habang hawak ang puso.
"Kuya, kumain ka pa po."
Kinuha ko ang nakalapag naming ulam sa lamesa para lagyan ang plato ni Kier. Kumunot ang noo ni Kenjie na nasa tabi ko. Ganoon din ang reaksyon ni Devin at Aries. Emman was nowhere near as well as Kean as usual.
"Nakita mo na ba iyong mga bulaklak na nilagay ko sa kwarto mo? Bagong pitas ang mga 'yon. Ako mismo ang kumuha," I smiled heart-warmingly at him.
Tumikhim si Kier. He eyed me suspiciously before eating the food I put on his plate. "I thought Danielle put it there. Thank you."
"Naku! Walang anuman po, Kuya. Kapag nalanta na iyon, papalitan ko ka-agad!"
"I want flowers in my room too," Kenjie said.
Nakakunot na ang noo niya nang lingunin ko. "Ipagdadala kita mamaya, Kuya. Aayusin ko pa. Pipiliin ko ang mga magaganda para sayo."
"How about mine? Hindi ba magaganda ang mga nilagay ko sa kwarto ko?" Medyo iritableng tanong ni Kier.
"The best ang mga nilagay ko ro'n! Mga paborito ko nga ang pinili ko para sayo, e. Romantic ang dating ng red roses at pink tulips. Bagay sa inyo ni ate Danielle," humagikgik ako.
"I want your favorite flowers too. Iyon ang ilagay mo sa kwarto ko," hirit ni Kenjie.
Agad iyong inalmahan ni Kier. Ang dalawang ito, palagi na lang nagbabangayan sa harap ko.
"I want flowers too," ngumisi sa akin si Aries. Malakas ang naging halakhak niya nang sabay siyang sawayin ng dalawa.
I bit my lower lips. Bumaling ako kay Kier para sabihin ang intensyon ko sa araw na ito.
"Kuya, pwede ba akong maki-birthday sa kaibigan ko this coming Friday?" I smiled while making a continuous blink, trying to look cuter in his eyes.
Kier didn't even bother to look at me. "No," he firmly uttered.
I jutted my lips. Nag-umpisang magpapadyak ang paa ko sa ilalim ng lamesa. I wanted to protest so bad. Sinaway ako ni Devin sa pagdadabog. Mas lalo tuloy humaba ang pagkakanguso ko.
"Kuya, hindi naman ako magtatagal. Uuwi rin po ako agad. Diretso sa bahay. At kasama ko naman ang mga bodyguards ko," pamimilit ko pa.
"Still a no," Kier said.
"Let her hang out with his friends, Kier. 'Di na bata si Vienna," sabi ni Kenjie na kumakampi sa akin.
Kier stopped eating his food. Pinunasan niya ang bibig gamit ang table napkin bago kami parehong binalingan ng masamang tingin.
"If I said no, it's a no. Remember the last time you were with her? Kung ikaw nga hindi siya maprotektahan nang maayos, paano pa ako magtitiwala sa mga kaibigan niya?"
Bagaman walang bahid ng galit ang tono niya, masyado pa rin iyong masakit pakinggan. Ako ang nahihiya ngayon. Wala sa amin ang sumagot pa. Kier stood up and was about to walk out, but then stopped. Muling bumaba ang tingin niya sa akin. He called my name just to get my attention.
"Sino ang kaibigan mong magbi-birthday?" tanong niya.
My face lit up because of it. "Si Chino, Kuya," I answered with so much hope in my voice.
Kier nodded at me. Akala ko pinapayagan niya na ako, pero, "Tell him to celebrate his birthday here so you can attend. I will ask my secretary to arrange a party for him."
Bumagsak lang ang parehong balikat ko sa narinig. Narinig ko ang yapak ng sapatos niyang papalabas ng dining room. Napatungo na lang ako sa kinakain. Kahit naiintindihan ko naman ang rason ng ginagawang paghihihpit sa akin ni Kier, 'di ko pa rin maiwasang sumama ang loob sa kanya.
I felt Kenjie's hand on my shoulder. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. A small smile formed on his lips. "Your friend's birthday is on Friday? Have you bought something to give as a gift?" he asked.
I frowned. "For what? 'Di rin naman ako makakapunta."
"Who says?" his brows arched. Nilingon niya ang daan papalabas sa dining room kung saan lumabas si Kier. "You'll attend your friend's birthday. Ako ang bahala."
"Kuya," nananaway ang tono ni Devin.
Matalim na tingin ang ibinato sa kanya ni Kenjie. Kahit natutuwa, mas matindi ang naging pag-aalala sa akin.
"Baka kayo naman ang mag-away kung susuway ako?" Nag-aalalang tanong ko.
"Lagi naman silang nag-aaway. Walang mababago," si Aries. "You should go there. We know he's only trying to protect you from possible harm, but we should not limit you in the things you want to do or in the things you should be free to do."
"You'll have your bodyguards to watch over you, okay?" Devin unexpectedly approves. "Kaming tatlo naman ang malalagot dito, kaya ayos lang. You should go and enjoy while it lasts."
"Kuya!" I covered my face with my hands to hide my bursting tears from them. Umalingawngaw sa tainga ko ang halakhakan ng tatlo. As I started crying, I felt their arms slowly embracing me.
![](https://img.wattpad.com/cover/244827917-288-k643271.jpg)
BINABASA MO ANG
Sway Along The Waves (Bellariva Series #1)
Novela JuvenilBellariva Series #1 - (COMPLETED) Vienna Samonte is an amiable student who wants to achieve success in her life. She does believe that doing her best in her studies will lead her to a better life someday. Her mother and her friends are the only trea...