mi amor y mi amante

155 4 9
                                    

*USOAPartTwo


Ilang araw na ang nakalipas mula nang makita ko si Arthuro na disappointed sa ginawa ko. Mula noon hindi na niya ako gaano binubuntutan. May kung ano tuloy sa loob ko ang parang namimiss ang mga panahong iyon. Mga panahon na palagi siyang nasa tabi ko. Sa isang banda hindi ba dapat mas masaya pa ako dahil walang mang-iinis sa'kin.

Nakaupo ako ngayon sa kwarto ko. Hindi pa Biyernes kaya ito ako at sobrang bored na. Ang ilang friends lo ay busy pa kaya hindi ko magawang ayain maggala. Si grandpa naman ay nasa ibang bansa dahil daw sa business matters na kailangang asikasuhin. Si Dad naman ay obvious na hindi ko makakabonding dahil mas gusto pa niyang kabonding ang laptop o ang mga empleyado niya kaysa sa akin.

Naisip kong tawagan na lang si Art. "Hello Art busy ka ba ngayon?"

[Hindi naman bakit?]

"Ahmmm tara gala tayo. Okay lang ba?"

[Hmmm sige saan ba?]

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. I'm sure magiging masaya ang araw na ito. Cause why not di ba? Kasama ko ang lalaking mahal ko.

Dinaig ko pa si flash sa bilis. Iba talaga pag yung taong mahal mo ang pupuntahan mo. Lahat imposible sa taong inlove talaga.

Humarap ako sa salamin ko na nasa ibabaw ng isang mesa na naglalaman ng iba't-ibang klase ng make up and kung ano-ano pang panlagay sa mukha. Naupo ako sa  harap nun at tiningnan ang sarili. Sinuklay ko ang maiksi kong buhok . Hanggang baba lamang iyon ng tenga Naalala kong siya pa rin ang dahilan kung bakit ako nagpahair cut. Moving on chuchu para sa isang taong wala namang pake sa'kin.

Matapos kong maayos ang sarili ay agad na akong dumiretso sa labas at sumakay sa kotse ko. Ilang saglit lang ay nasa mall na ako kung saan kami magkikita ni Art. "Oh Alice,"bati niya.

"Kanina ka pa ba?"tanong ko. Medyo naconscious tuloy ako.

"Nope, kadarating ko lang din. Hmmm anong una nating gagawin?"

"Let's eat first hindi na kasi ako nag-launch sa'min eh."

"Actually busog pa ko eh. Nagluto kasi si Manang Linda and sobrang sarap kaya ayon di ako nakapagpigil."

"Ganon ba sige later na lang ako kakain."

"No, kumain ka na. Samahan na lang kita. Kahit mag-dessert na lang ako."

Napangiti naman ako sa suggestion niya. Ayon magkasama pa rin kaming pumasok sa isang restaurant dito sa loob ng mall.

Ganon na nga ang nangyari. Kumain siya ng  leche plan and ako ay kunting rice and pork adobo. Pagkatapos ay lumabas na kami ng restaurant. "Art  restroom muna ako."

"Sige wait na lang kita dito."

Nakakahiya man pero hindi ko na talaga kayang matiis ang pantog ko. Kanina pa ako naiihi and ngayon lang ako nagkalakas loob na magpaalam. Binilisan ko na lang ang kilos ko.

Pagbalik ko galing banyo ay wala doon si Art sa pinag-iwanan ko sa kanya. Mukhang umuwi na siya. Pero ito ako hinahanap pa rin siya. Hanggang sa makita ko siya sa wakas. May babae siyang hinawakan sa balikat. Nang humarap ang babae ay natigilan siya. "Sorry Miss kala ko ikaw yung friend ko." Bakas ang pagkahiya sa boses niya. Mas lumapit ako sa kinatatayuan niya. Umalis na yung babae.

"Art andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap."

"Ah sorry may nakita lang na kakilala."

Kahit hindi niya aminin alam kong inakala niyang si Lia yung babae. Na kahit paulit-ulit niyang sabihin na wala na siyang nararamdaman kay Lia kundi inis, alam kong hanggang ngayon si Lia pa rin ang tanging babaeng mahal niya.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon