Kabanata 42

213 9 10
                                    

*MIGBuenaobraResidence

Art's POV

Lunes na naman at ito ako ngayon nakahilata sa kama ko. Parang gusto ko lang humilata the whole day. Namiss ko agad yung pa-almusal nila Nay Perla at Tay Bernardo. Ang pritong daing at sinangag. Samahan pa ng kamatis. Idagdag pa ang mainit na kape. Para tuloy gusto ko na ulit bumalik doon kahit pa hindi pa Biyernes.

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito agad sa isang patungan sa kalapit ng kama ko. Si Alice ang tumatawag. Agad ko naman iyong sinagot. "Hello Alice napatawag ka?"

[Busy ka ba today Art?]

"Hindi naman balak ko lang humilata the whole day."

[Haha....hmmmm can I invite you for dinner? Uuwi kasi ang lolo ko today.]

"Sige I'll go with you. Hindi pa rin kasi ako nakakarating ulit sa bahay niyo. Last time nga ata na punta ko eh noong grade 1 ako."

[True....and for sure matutuwa si lolo na sasabay ka sa aming kumain. Don't worry na rin wala naman si Dad. 'Yon lang naman ang medyo harsh sa family namin.]

"Oo nga eh sige. Akala ko ngayon na game na rin sana ako."

"
[Kita tayo later. 10 am sa mall we can also watch a movie. May bagong movie mukhang maganda.]

"Sige ba malakas ka sa'kin eh."

——————

9:30 am pa lang ay nasa mall na ako. Nasa company si Dad kaya tinawagan ko na lang siya para magpaalam. Naging maayos naman na ang trato namin ni Dad sa isa't-isa. Willing na nga raw siyang gawing scholar ang sampo kong tinuturuan sa isla. Masaya ako dahil makakapagaral na ang mga batang iyon sa pasukan. I can see their potential naman everytime na tuturuan ko sila.

"Oh Art sorry to keep you waiting medyo natraffic lang."

"Oks lang. Hmmm by the way kakain ba muna tayo or manonood?"

"It's early pa naman nood muna tayo."

"Let's go,"aya ko sa kanya.

"Pero wait can I go to restroom muna."

"Sure I'll wait you na lang here."

Pinanood ko lang siya maglakad papunta sa banyo ng mall. Nagulat naman ako nang biglang may magsalita sa likod ko.

"So pinagpalit mo na talaga si Lia nang tuluyan?"may halong inis ang tono niya.

"Michael ano bang sinasabi mo jan?"

"Wag ka na ngang magpaka-inosente. Kaya siguro madali na lang para sa'yo na kalimutan at paniwalaan ang sabi-sabi about Lia ay dahil mahal mo na talaga si Alice. Na okay lang sa'yo na mawala si Lia dahil may reserba ka."

"Don't say that words if you don't have enough proof. Michael hindi mo alam kung anong nararamdaman ko. So please don't judge me dahil lang sa nakikita mo. Me and Alice are just friends."

"If you say so. By the way ikaw ba talaga ang nag-message sa kanya noon?"

"Message? Anong message 'yon?"

"Art let's go na,"napalingon ako nang marinig si Alice.

"Wait lang may sinasabi lang si Michael. Ahmm Michael anong message 'yon?"

"Wala kalimutan mo na lang 'yon. Sige enjoy kayo." Medyo weird siya don. Agad siyang naglakad palayo sa amin.

Ano kayang message na tinutukoy niya? "Anong pinagusapan niyo?"tanong ni Alice.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon