Kabanata 17

238 14 9
                                    


*MIGAfterTheHappiness

Lia's POV

Kinabukasan ay sobrang sarap ng gising ko. Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Iyon na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Kaya naman parang ang gaan lang ng buong araw ko. Matapos naming magtinda ni Lolita sa palengke ay agad kaming umuwi.

Naglalakad na ako pauwi sa'min ng may biglang nagtakip sa mata ko. Sa amoy pa lamang niya ay kilala ko na siya. Hindi ko siya napansin kanina dahil siguro nakatago siya sa kung saan.

"Mal naman eh,"naiirita kong sambit.

Agad naman niyang tinanggal ang mga kamay niya sa mga mata ko. Nakangiti siya nang bumungad sa mga mata ko. "Paano mo ako nakilala? Nagtago na nga ako run sa malaking puno para sana gulatin ka pagdaan mo."

"Sa sobrang pagmamahal ko kasi sa'yo, amoy pa lang alam kong ikaw na."

"Naks marunong ka na magpakilig ha," nakangiting saad nito.

"Pakilig ba yun? Eh totoo naman yun ah."

"Hay basta sumama ka sa'kin."

"Saan tayo pupunta?"

Sa halip na sagutin ay hinawakan niya ang isang kamay ko. At naglakad kami papunta sa dagat. Sumakay kaming dalawa sa bangka ni Lolo. Agad niyang pinaandar ang makina. Nakakatuwang marunong na rin siya nito. Ibang-iba na siya ngayon.

"Uy Art dumidilim na ih,"may pag-aalala sa boses ko.

Biglang namatay ang makina ng bangka. Nasa gitna na kami ngayon ng dagat at madilim na ang kapaligiran. Tanging buwan at mga bituin na lamang ang nagsisilbing liwanag sa karagatan.

"May ibibigay ako sa'yo,"sambit bigla ni Art.

Inilabas niya sa kanyang bulsa ang pahabang kahon. Nang buksan niya iyon ay bumungad sa aking mata ang kwintas. Nang tanlawan ko ng flashlight ng aking phone ay doon ko lang nakita ang kabuuan nito. Kulay gold ito na may palawit na letrang L.

Pinatalikod niya ako saglit uoang maisuot ang kwintas sa leeg ko. "Art hindi mo naman kailangang ibili pa ako ng ganito." Nasabi ko iyon dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Masyadong marami na ang naiibigay niyang materyal na bagay sa akin.

"Lia ginusto kong gawin ito. Mahal na mahal kita at wala akong pakialam kung maubos pa ang lahat ng natitirang pera ko. Gusto ko maramdaman at makamtan mo ang mga bagay na hindi mo pa nakakamtan noon."

Humarap na ako sa kanya na ngayon ay todo ngiti.

"Kung gayon gusto ko lang sabihin sa'yo na sobrang nagustuhan ko ang nga bagay na naibigay mo. Buong buhay ko hindi ko akalaing magkakaroon ako ng mga ganito."

"Alam mo ba kung bakit gold at may letter L ang kwintas na iyan?"

"Dahil ba Lucresia ang pangalan ko? Hmm pero bakit nga gold?"

"Dahil sumisimbolo ang ginto sa pagiging matatag at matibay sa ano mang hamon ng buhay. Kagaya mo nagawa mong mabuhay ng ilang taon sa isang isla. At ito ka hanggang ngayon matatag pa rin at lumalaban."

"Ang lalim naman nun,"nakangiti kong saad.

"Lia, sana kahit mawala ako sa buhay mo mas maging matatag ka ha. Balang araw kasi maaaring magkahiwalay tayo ng mga landas. Pero ipangako mong kahit anong mangyari lalaban ka. Kagaya nang paglaban mo nung mga panahong hindi mo pa ako nakikilala."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Bakit niya kaya sinasabi ngayon ang mga bagay na tulad nito. May balak ba siyang umalis na? "Art bakit parang nagpapaalam ka naman? May pupuntahan ka ba?"

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon