Kabanata 21

226 11 9
                                    

*MIGPlayfulFate

Lia's POV

Ilang oras pa ay nakarating na kami sa subdivision kung saan naroroon ang pagtatrabahuhan ko. Sinamahan ako ni Lilita. At doon makikita ang naglalakihang mga bahay. Magkatapat lamang halos ang bahay ng amo niya at amo ko.

Sinalubong kami ng guwardiya. Namangha ako sa malaking kabahayan na bumungad sa amin. Sa talambuhay ko ay ngayon pa lamang ako makakapasok sa ganitong klaseng bahay. Sa malaking pintuan nakangiting naghihintay ang isang matandang babae.

Nang makalapit kami sa kanya ay doon na nagsalita si Lilita. "Manang Linda ito po si Lia ang magiging yaya ng anak ng amo niyo."

"Siya pala yun. Ang inaasahan ko ay may edad na rin na tulad ko. Pero tamang tama ang dating mo iha. Ngayon na ang uwi niya mula sa hospital. Sinusundo na siya ni Sir."

"Oh sige ho mauna na ako baka hanap na ako ni Sir. Hmm Lia mabait naman yan si Manang."

"Ambatang to talaga nambola pa oh siya sige ako na bahala dito sa kaibigan mo."

Pagkaalis ni Lilly ay inaya na ako ni Manang Linda sa loob. Mas lalo akong namangha nang makita ang loob. Napaka-elegante nito. May nagagandahang ilaw sa kisame at mga mamahaling banga. Marami pang kung ano anong palamuti sa loob. Ngunit ang wala akong makita ay ang larawan man lamang ng pamilya nila.

"Tara ihahatid kita sa magiging silid mo iha,"saad nito. Sumunod lamang ako sa kanya dala ang mga bag ko.

Nasa unang palapag ang kuwarto kaya labis akong nasiyahan. Masyadong mahaba ang hagdan kung sa ikalawang palapag pa. Baka mahulog pa pati ako. May tatlong kuwarto dito sa ibaba na para sa mga bisita o katulong. Samantalang may tatlong kuwarto rin sa itaas ayon kay Manang Linda.

May sarili ng lagayan ng damit ang bawat kuwarto kaya nilagay ko na agad ang mga gamit ko doon. Pagkatapos ay inaya ako ni Manang Linda sa itaas. Para maging pamilyar daw ako sa bahay.

Isa-isa niyang pinakita sa akin ang bawat silid. Tig-iisa sila ng kwarto kaya labis akong nagtaka. Ayon kay Manang Linda ay palaging hindi magkasundo ang mag-asawa. Ngayon nga ay wala na raw ang ina ng aalagaan ko kaya hindi na binubuksan ang isang kwarto na pag-mamay-ari nito. Pinagtambakan na nga ito ng mga kagamitan.

Matapos naming mabuksan ang kwarto ng ama ay dadako na kami sa kwarto ng anak na aalagaan ko.  Sana lamang ay hindi makulit ang batang iyon. Tanong ako nang tanong kay Lilita ngunit wala talaga siyang ideya sa kung ilang taon ang aalagaan ko. Si Manang Linda naman ay hindi ko matanong dahil masyadong busy sa pagsasalita. Todo kwento siya tungkol sa mga kwartong iyon. Ngunit sa dami ng sinasabi niya ay hindi man lang niya nabanggit ang magiging alaga ko.

"Ay teka anjan na raw sila sabi ni Sir,"sambit ni Manang Linda.

Nakaramdam ako nang kakaibang pagkasabik nang marinig ko yun. Sumunod na lamang ako kay Manang Linda pababa. Narinig ko naman ang paghinto ng kotse sa labas. Naghintay kami sa may pinto kung saan naghintay itong si Manang kanina.

Sa kotse bumaba ang isang may edad na lalaki. May salamin ito sa mata at halata mo sa tindig ang pagka-istrikto.
Bumaba rin ang driver ayon kay Manang, binuksan nito ang pintuan sa likod at doon may ibinabang bagay na naging mistulang upuan na may dalawang gulong.

Parang biglaang bumagal ang kapaligiran nang may alalayan siya na lumabas sa kotse. Dahil matapos kung masilaya ang mukha nun ay biglang bumalik lahat ng nararamdaman ko. Ang pagkasabik ay pinuno ang buong sistema lo. Gusto ko siyang lapitan at yakapin ngunit may kung ano sa akin ang pumipigil na gumalaw. Pakiramdam ko nga ay naistatwa ako.

Dahil sa labis na kabang nararamdaman hindi ko namalayan na nasa harapan na namin sila. Hawak ng driver ang upuang de gulong kung saan nakasakay ang lalaking kay tagal kong hinintay na magbalik.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon