Kabanata 62

233 10 13
                                    

*MIGARollerCoasterRide

Art's POV

Bumili lang ako ng tubig sa labas. Sa amin na lang ibuburol si Lia dahil obvious namang walang pakialam si Axel. Humanda siya dahil mabubulok na siya sa kulungan. Nang makabalik ako sa may morgue ay naabutan kong may kausap si Lolly. Mukhang nagtatalo ang dalawa sa hindi ko malamang bagay.

"Kaibigan ko po yan,"sambit ni Lolly.

"Hindi ako puwedeng magkamali. Iyong itim na balat niya sa kaliwang balikat patunay na siya nga ito."

"Ano pong problema?"tanong ko paglapit sa kanila.

"Iyang bangkay na iyan ay anak ko.,"diretso niyang sambit na para bang sigurado talaga.

"Pero malinaw naman na ang pangalan ay sa girlfriend ko at ang kwintas na yan ako mismo ang nagbigay niyan."

"Sige aaminin ko na ang totoo."

"Anong totoo na memasabi ka jan?"inis na tanong ni Lolly.

"Ang totoo niyan may lalaking nagbayad sa akin kanina. Kalimutan ko raw na anak ko ang babaeng yan kapalit ng perang hawak ko ngayon." Ipinakita niya ang puting sobre na naglalaman nga ng pera. "Pero pag-uwi ko kanina sobrang nakonsensiya ako sa ginawa ko. Hindi ko magawang tiisin na may taong pagluluksaan ang hindi naman nila kaano-ano. At sobrang hirap para sa akin ang malayo pa sa kanya sa huling sandali niya sa mundo. Gusto ko ako ang maglibing sa anak." Umiiyak na ito habang sinasabi niya ang mga katagang yon. Mukhang totoo nga ang sinasabi niya dahil sa sensiridad sa tono niya. Ganito ang karaniwang reaksyon ng isang ina kapag nawalan ng anak.

"Tanda niyo po ba ang itsura ng nag-utos sa inyo?"

"Basta lalaki siya na nakamask kaya hindi ko gaano nakita ang itsura. May tinawagan pa nga siya sa phone eh mukhang iyon ang nag-utos sa kanya."

Doon sigurado na ako kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito. Gusto niyang palabasing namatay na si Lia para mailayo niya sa akin ito. "Kilala ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito."

"Kung gayon ibalik niyo na lang po ito sa kanya. Hindi ko kayang gamitin ang isang pera na mula sa masamang budhi."

"Sige ibabalik ko ito sa kanya at babawiin ko si Lia."

——————
Nasa kotse na ako ngayon papunta sa bahay ng demonyong Axel na yon. Hindi na sumama si Lolly at bumalik na lang sa coffee shop nila.  Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang pahayag noong  babae kanina. Bago umalis sa hospital ay kinuha ko muna ang kwintas na bigay ko kay Lia sa bangkay.

Alas diyes ng gabi na. Hindi ko na nagawa pang mamalayan ang oras kanina dahil sa mga nakakabiglang pangyayari. Ngayon umaasa ako na buhay pa si Lia. Hindi ako papayag na magawa ni Axel kung ano man ang pinaplano niya!

"Tao po," sigaw ko sa may gate pa lang. Agad naman akong pinagbuksan ng guard.

"Sino pong kailangan niyo?"

"Si Axel asaan siya?"

"Ang totoo niyan wala siya dito."

"Sigurado akong andito siya!" Nagpumilit akong pumasok at hinayaan lang ako ng guard. Halos naikot ko na ang buong kabahayan ngunit wala akong makita kahit anino man lang ng demonyo. Nang mapansin ko sa parking lot na wala ang kotseng pagmamay-ari ni Axel ay doon na ako naniwalang wala nga siya dito. "Sorry  basta pag bumalik siya dito pakitawagan o itext mo ako. May importante lang talaga akong kailangan sa amo mo." Sabay abot ko ng papel na may nakasulat na number ko.

"Sige,"tugon niya.

Pagkapasok ko pa lang sa kotse ay biglang tumumog ang phone ko. Kinuha ko naman iyon agad at sinagot. Si Manang Juana iyon. "Hello Manang Juana napatawag po kayo?"

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon