Kabanata 25

204 11 10
                                    

*MIGIAmRafael

Lia's POV

Matapos ang mga nalaman ko ay hindi na ako mapakali. Nagtataka nga si Manang Linda kung bakit bigla akong naging interesado sa buhay ni Rafael. Hindi ko na lamang iyon sinagot. Magkatabi sa sofa si Rafael na si Art din pala at si Alice. Katatakutan yata ang pinapanood nila kaya may mga pagkakataong napapakapit si Alice sa braso ni Art. Hindi ko alam kung totoo bang natatakot siya o sinasadya lamang niya iyon upang makahawak sa braso ng taong mahal ko. Ang sakit panoorin na ang unang lalaking nagpatibok sa aking puso ay hindi ako maalala.

"Lia ikuha mo naman kami ng chips dun sa pantry," utos ni Art sa akin.

Pagkakuha ko ay agad kong dinala ang mga iyon sa kanila. Tatlong malalaking sitsirya iyon. Dati rati ay kami ang magkatabing nanonood sa resthouse nila sa Batangas. Pero ngayon itong bruhang Alice na ang katabi niya. Gustong gusto ko na siyang kausapin ngunit alam kong hahadlang itong babae.

Inabot sila ng alas singko panonood ng ibat-ibang pelikula. Wala naman akong nagawa kundi ang maghintay sa loob ng kwarto ko. Kapag may utos sila ay agad akong lalabas. Mabuti na lamang at hindi na pupunta si Art sa bahay nila Alice upang sumama sa hapunan ng pamilya nito.

Paakyat na si Art sa hagdan nang lapitan ko siya. "Sir puwede po ba kitang makausap?"tanong ko.

"About saan naman?"walang ganang tanong nito.

"Puwede po bang sa loob ng kwarto niyo?"

"What the? Sa room ko pa talaga ha? Baka naman may masama kang binabalak sa'kin. Wag mo na lang ituloy!"

"Mahalaga lang po itong sasabihin ko. May kinalaman sa buhay niyo. Alam kong marami kang tanong tungkol sa dating ikaw."

Napilitan siyang maglakad paakyat sa kwarto at sumunod naman ako. Ayokong marinig kami ng kanyang ama. Lalo pa at marami akong nalaman tungkol sa ugali nito. Hindi niya magugustuhan ang gagawin kong ito.

"So what now?"tanong nito pagkapasok namin sa kwarto. Isinara ko ang pintuan para makasigurado.

"Hoy Lia anong binabalak mo?"

"Wala akong masamang gagawin sa'yo, Art."

"Art?"

"Oo ikaw si Art,"sinsero kong saad.

"Anong pinagsasabi mo jan?"

"Art ang palayaw mo at isa ako sa naging bahagi ng buhay mo noon."

Kahit pa kanina pa ako inaatake ng kaba ay nagawa kong sambitin iyon. Sa wakas ay may sapat na lakas ng loob ako ngayon. "Nababaliw ka na ba?"

"Iyon ang totoo Art may patunay ako." Agad kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng uniporme ko. Saka ko ipinakita ang mga larawan naming magkasama. Sana lamang ay maniwala na siya. "Pati na ang cellphone na hawak ko ngayon ay ikaw ang nagbigay sa akin."

"Lia katulong ka lang namin dito. Sana naman wag kang gagawa ng kwento. Bakit naman kita bibigyan ng cellphone ha? Saka sinong nag-edit ng mga yan para magmukhang totoo? Kailanman ay hindi tayo naging close kaya puwede ba tigilan mo na iyan!"

Ang mga katagang iyon ay masakit kung tutuusin ngunit hindi ako titigil upang mapaniwala siya sa katotohanan. "Iyang balat mo sa kaliwang tagiliran mo. Malinaw na ikaw ang Art na naging kasintahan ko sa isla Selvestre." Saglit siyang natigilan sa aking sinabi.

"Kasintahan? Isla Selvestre? Anong pinagsasasabi mo? Nahihibang ka na Lia. Tigilan mo ako sa mga kasinungalingan mong yan."

"Wala kang maalala dahil may amnesia ka. Hindi ba't naaksidente ka? Art paniwalaan mo ako nagsasabi ako ng totoo. Nagmamahalan ta—" Hindi ko na nagawa pang ituloy iyon dahil ipinagtabuyan niya ako palabas ng kwarto niya.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon