Kabanata 20

249 12 10
                                    

*MIGOnTheWayToManila

Lia's POV

May mga desisyon tayong hindi natin alam kung nararapat o hindi. Dahil minsan ang makakabuti para sa atin ay kabaliktaran sa iba. Minsan natatakot tayong gawin ang isang bagay dahil sa mga posibilidad na ating naiisip.

"Michael ano, hmmm mabait ka sa'kin. At sobra akong natutuwa sa pagtrato mo sa akin. Pero hanggang kaibigan lang talaga eh. Saka hindi pa ako handang magmahal muli matapos ang nangyari sa'min ni Art. Mas mabuti na yung masaktan ka ngayon kaysa magtagal pa. Dahil kapag binigyan kita ng tyansa mas masakit iyon sa dulo oras na sabihin ko sa'yo ang totoo."

Matapos kong masambit iyon ay tumingin ako sa labilang gilid ng kalsada. Gusto ko na lumabas ngayon din upang mawala ang nakakailang na pakiramdam. "Naiintindihan kita,"nakahinga ako nang maluwag sa maiksing tugon na iyon ni Michael.

Ilang saglit pa ay lumuwag na ang daanan. Alam kong nasaktan si Michael sa mga sinabi ko. Sino ba naman ang magiging masaya kapag tinanggihan ka agad ng manliligaw mo na manligaw sa kanya. Na hindi ka man lang binigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili niya. Ngunit mas masasaktan siya kapag pinatagal ko pa ngayong alam ko naman sa sarili kong kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

Lumipas pa ang mga araw at naramdaman ko ang pag-iwas sa'kin ni Michael. Binalewala ko na lamang iyon dahil naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Naging mailap ang kita sa palengke dahil marami na rin ang ibang nagtitinda doon ng daing at tinapa.

Naglalakad ako ngayon sa dalampasigan at hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong magkasama pa kami ni Art. Halos isang taon rin kaming nagkasama kaya hindi ko masisi ang sarili ko na maalala siya. Dito sa islang ito mas naging malalim ang aming pagsasama. Mas naging malapit kami sa isa't-isa. At dito ko rin siya naging ganap na kasintahan. Ang pagpasok ko sa kanyang bahay na hindi ko inaasahang magpapabago sa aking buhay ay hindi ko kailanman pagsisisihan. Dahil dun nakilala.ko ang isang nilalang na nagparamdam sa akin ng naiibang pakiramdam. Ang pakiramdam na hindi ko akalaing aking mararanasan walang iba kundi ang umibig.

"Uy Lia," napalingon ako sa boses na iyon. Si Arthuro iyon na todo ang ngiti.

"Oh Arthuro ano at parang ang saya saya mo?"

"Nakahanap na ako ng bibili sa bangka mo."

Oo ibibenta ko na ang bangka ng lalaking nagpalaki sa akin. Ang itinuring kong Lolo at ama na rin. Espesyal sa akin ang bangkang iyon ngunit masyado na akong gipit. Gusto ko rin na makatulong kay Nay Perla sa mga gastusin lalo na at hindi sapat ang kinikita ni Tay Bernardo upang matustusan ang mga aming pangangailangan.

———————

"Salamat ho,"sambit ko. Matapos ibigay ni Mang Julio ang bayad sa bangka. Sapat na siguro ang perang natanggap ko upang makatulong kay Nay Perla at Tay Bernardo.

Tumalikod na rin ito agad at sinubukan na ang bangka. Nakakalungkot man dahil sa ito na lamang ang tanging alaala na naiwan sa akin ng mga taong nagpalaki sa'kin. Pinanood ko na lamang itong umandar sa katubigan.

"Uy dami natin pera ha,"nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko alam na ngayon na ang uwi niya.

"Lilly,"sambit ko sabay takbo payakap sa kanya. Masyado man akong napasobra sa reaksyon ngunit sadyang namiss ko lang talaga ang babaeng ito.

"Hoy dinaig mo pang jowa ko sa sobrang sabik ah,"saad nito habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Namiss lang kita hindi ka umuwi noong nakaraan eh."

"Nalaman ko kay Aling Perla na nagigipit kayo,"bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanya.

"Oo Lilly kaya napilitan rin akong ibenta yung bangka. Alam ko hindi pa ito ganoon kasapat pero makakatulong na rin ito sa amin."

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon