Chapter 8:Unexpected
Tok-tok " Mae! Bumangon kana nga dyan, mag-gayak kana."
Pungas-pungas kong munulat yung mata ko at dumeretso sa pinto, "Antok pa ko eh, alasingko palang naman ah."
"Ikaw bata ka ang tanda-tanda mo na ganyan ka pa, osya! Maligo kana, aalis tayo." bago tuluyang lumabas si mama tinanong ko muna kung saan, "Sa Puerto Galera."
Naligo muna ako kahit naguguluhan, pagkatapos bumaba nako sa kusina, "Kuya sasama ka din? San si mama?"
Biglang lumabas si mama sa C.R, "Oo sasama 'kayo' , pupuntahan nating yung tito Bernard niyo, kasal niya na sa makalawa at gusto kayo makita."
Ah, so si Uncle Bernard pala, hay. Wala na kaming kawala dito masunget pa naman yun kala ko nga di na magkaka-asawa yun eh. Pero pano naman trabaho ko? Tsk, magpapaalam nalang muna ako.
♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪
Nandito kami ngayon sa eroplano papuntang Palawan, hindi ko naman first time pero parang tumataas talaga balahibo ko.
"Tulad ng sabi ko, ikaw Prince wag kang mag-english dun ayaw ng tito mo yung ganon, 1 week lang naman siguro tayo, nakakahiya naman blah-blah-blah-blah"
Dami pang sinabi ni mama, sus papagalitan lang din ako nun, kesyo wag ganto, dapat ganto, nagpaalam nalang akong mag-cr muna. "Oo, grabe! Ang gwapo nila lalo na si qwrtzzalwpdhjg, dito pala silang plane grabe lang." Narinig kong bulungan nila, tapos nakatingin sa unahan.
Dahil bandang likod din kami hindi ko makita kung sino yung tinutukoy, basta parang ang dami kase eh, tapos nakatakip pa mukha, tulog ata? Sayang gusto ko pa naman mag-gwapo gazing.
"Mae, umupo ka nga! Isang oras pa byahe natin."
Sinunod ko nalang yung gusto ni mama, inaantok parin naman ako eh. "Mae wake-up!" Tinapik pala ako ni kuya.
"Hmm, ang salap pa ng tulog ko eh."
"Then edi bye, baba na ko." Napabangon ako doon sa sinabi ni kuya.
"Kuya wait! Si mama?" Nilinga ko yung ulo ko wala na eh, pati tao sa plane nagbabaan na, wala na rin yung mga gwapo 'daw' sa unahan.
"What do you think? Tss. Idiot." Sabay walk -out. Tama ba yun?
"Hellooooooo Palawan!!!!" Sigaw ko pagbaba ng eroplano, pinagtitinginan na nga ako eh.
"Mae ano ba yan! Bakit ka sumisigaw?" Sermon ni mama habang dala-dala yung ibang gamit namin.
"Wala lang po. Feel ko na ang sariwang hangin ng Palawan eh. Tara na ma."
Hinila ko na si mama palabas, pagdating namin sa waiting area nandoon na yung van daw na magsusundo para sakayan sa pier, "Kuya excited kana ba? Picturan mo ko dun ah." Sabi ko kay kuya na nasa kaliwa ko tinignan nya lang ako ng masa sabay lagay ng earphone, galit agad?
Dalawang oras din kami nagbyahe bago marating ang pier, "Mam mukhang mamaya pa tayong hapon makakaalis sira ang makina nitong bangkang to, mamaya pa darating yung isa." Sabi ng driver ng van kanina.
"Oh edi magche-check in muna kami sa hotel? Ay alam ko na kakain muna din pala kami." Magulong sabi ni mama.
Dumeretso kami sa seafood restau grabe picture palang ulam na, yum yum. "Ma gusto ko neto, tas eto pa, pati pala to, ay tingin ko masarap din to, parang trip kong tikman to, eto ma masarap sa toyo, kuya eto ba yung sinasabi mo saking masarap? Gusto ko din tik--"
"Hey Jaja! Stop that, ang ingay mo." Saway ng magaling kong kuya.
"Nye-nye-nye- Jaja! Stop that, ang ingay mo, blah-blah-blah." Ginaya ko yung boses ni kuya kaasar to! "Oo na tatahimik na eto na po oh, asara ko na bibig, ayan na." Sabi ko matapos nya akong tignan ng masama, titigan pala as in may laser beam ata.
Inalis ni mama yung tingin nya sa mga pilian ng pagkain tapos, "Oh, may napili na ba kayo?"
"Maaa! Grabe ang dami kong sinabi, da-da ako ng da-da hindi mo narinig? Wow naman." Napalukot naman yung mukha ko.
Tumayo si mama sa upuan, "Hayy, yung set B nalang orderin ko."
"Kuyaaa! Wag mo kong smirkan dyan ah! Bungiin kita dyan eh!"
"Dont forget jaja, im your OLDER BROTHER haha." May pagka-bipolar na sabi ni kuya, oo alam ko, kaya nga bwiset eh. Kung pwede lang sabihin.
♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪
Matapos namin kumain dumeretso muna kami sa hotel malapit lang sa pier para mag pahinga saglit dahil alastres palang at alasais pa ang dating ng bangka o barko ata?
"Weeee-Weeeee!"
"Tigilan mo nga muna yan Mae, matulog muna tayo. Gigising ko nalang kayo pag maliligo na." Saway ni mama.
Feeling ko hindi ako makakatulog dito eh, yung hotel kase wooden style siya, tsaka antique talaga open yung mga bintana nasa 4th floor pa kami tapos tanaw mo yung daungan, ang sarap siguro ng ganto noh? Yung tahimik, simple, malayo sa kabihasnan, ay pero ayoko ko rin mamamiss ko ang kpop life ko, weeee.
Mga 5:30pm pumunta na agad kami dahil yung mini bangka raw nandoon na.
"Bilisan nyo ng dalawa, siguraduhin niyo lang wala na kayong nakalimutaan ah." Paalala ni mama palabas ng kwarto.
"Uh-oh." Nasabi ko pasakay namin ng bangka, napa-uh-oh ako dahil puro koreano *^O^* as in mukhang turista sa dala nila, Nubayan ang init-init.may mga naka mask, yung bangka pero malaki laki ng onti sya, kasya 40 person.
Wala akong ginawa kundi mag-picture ng mag-picture, selfie dito, picture doon, mukha na kong tanga but who cares? Pake ba nila, kahit kalahi yan ng asawa ko wala muna akong pake.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa resort at O_o ang La Nido, sobrang wow! As in! Kung maganda kanina mas maganda ngayon! White sand, blue and green beach, and pine trees ata to?Left side nandoon yung mga commercial spot gaya ng hotel, restaurant, bar, souviner shop, etc. Sa right naman venue hall sya.
"Oh, so you're here!" Sigaw mula sa likod ko.
~To be continue~
BINABASA MO ANG
My kpop love story (BTS)
RomanceIsa ako sa maraming taong gusto ang ganitong trabaho. dahil kung titignan mo ang posisyon hayahay at masaya. Hmm? kahit nga ata wala kang sahod basta makapasok ka lang araw-araw eh okay na. Yan! Yan ang nasa isip ko noon pero mahirap din pala? masas...